Two

591 48 22
                                    


"...ang ganda ganda ganda nya Kuya! Tapos tapos ung smile nya, grabe! Kuya! Nipapakinggan mo ba ko? Sabi ko, ang ganda ng smile nya. Tapos... tapos ung eyes nya."

Kuya Aldo has been hearing his brother's nonstop musings for a week about this Mayang that Franco met.

"Turuan mo ko, Kuya. Gusto ko sya i-draw...."

Aldo didn't budge.

"Kuya!!!! Listen!!! Punta tayo kay Mayang!!!! Tara naaaaa!!! Please please please please???????"

Sabi ni Mam Buenaventura, kapag nagsay please, pagbibigyan kami. Please na kuya...

Aldo has had it. Franco has been bothering him for a week now, asking to be brought to the gift shop to see Mayang. He's seen her.

For the past few days, after school, Franco would ask him to drop by the gift shop only to look at the girl manning the cash register.

Monday

"Kuya, very good ako sa school kanina."

"Oh? Gusto mo ng fishball?"

"Gust--ayoko po."

"Aba. Iba ang ihip ng hangin... May iba kang gusto no?"

"Hehe. Kuya? Naaalala mo yung gift ko sa'yo kahapon?"

"Oo naman."

"Kuya, don ko yon binili o. Kay Ateng Maganda. Pwede ba tayo dumaan don?"

"Bakit naman?"

"Bastaaaaaa. Wag na fishball. Daan lang tayo. Please?"

"Osha, sige. Pero bawal magpabili ah!"

"Yes po, kuya. Promise po kuya. Madamidami na ko toys. Tingin lang ako kuya."

Tumawid sila papunta sa gift shop pero nung bubuksan na ni Aldo ang pinto, pinigilan sya ni Franco.

"Dito lang tayo kuya. Wag tayo papasok. Wala naman tayo i-buy eh. Silip lang ako."

"Ano? Haaay. Labo mo 'tol. Osya sige."

Tuesday

"Kuya!!! Alam mo kanina, napili ni Teacher yung drawing ko! Isasali ni Teacher sa contest ung drawing ko!"

"Wow! Very good naman, Franco!"

"Hehehe thank you, Kuya! Kuya, pwede ako may wish. One lang. Promise."

"Ano yon?"

"Daan ulit tayo sa shop. Please? Promise po sandali lang ulit yon. Sa labas lang ulit po. Di po ako magtuturo don. Promise!"

And so they went.

Wednesday, Thursday, ganun ang nangyari.

She's pretty, alright. She also has an easy smile. But she's also ordinary. The kind of beauty you see every day. But maybe that's why Franco liked Mayang.

Her beauty is something constant. Something someone like Franco would appreciate--constant.

So being the good Kuya he is, he finally gave in and said, "Okay. Sige. Pumunta na tayo. Tamang tama, magbibirthday yung isang inaanak ko. Ibibili ko na rin ng regalo."

"Yehey!!!! Teka, kuya. Bihis muna ko!"

After a few heartbeats....

"KUYA!!!!!!"

"O? Bakit?"

"Kuya, pulbos mo ko sa likod? Dali na please?"

Aldo suddenly realized that his brother is finally smitten.

He took him to the gift shop.

"Magandang umaga po! Pasok po kayo!"

Ang gandaaaaaaaaa

"Hi Mayang!!!!" He said, a little bit too excited.

Ang kyoooooooot ng Bibi Boy!!

"Hi Franco!!" She replied, as Franco walked to her place, Aldo following behind.

"Uhm Miss, Miss Mayang, ano, bale, Ako pala si Aldo, Kuya ako ni Franco. Nakwento nya na ikaw daw ung tumulong sa kanya na pumili ng Birthday gift nya sa'kin. Salamat ha. Tsaka ano, pasensya na mejo makulit 'tong utol ko. Gustong gusto nyang pumunta rito eh. Nadadaanan namin madalas pag sinusundo ko sya galing school," Aldo explained.

"Naku, Kuya Aldo, okay lang no. Franco, kung gusto mo, punta ka dito pagkatapos ng school mo. Tapos kwentuhan mo ko ha?"

"Pramis! Puntahan kita dito after ng pasok ko. Dyan lang ako o. Sa may tapat lang ako," he promised, right hand raised as if to solidify his words.

"Ikot lang ako. Hanap ako pangregalo sa inaanak ko. Franco behave ah."

"Yes Kuya. Mayang, nipupuntahan kaya kita dito palagi lagi. After ko mag school. Pero dun lang ako sa labas."

"Eh bakit hindi ka pumasok?"

"Eh kasi wala naman ako iba-buy eh."

"Ok lang yon. Sa susunod papasok ka ah."

"Ok. Mayang."

"Oh?"

"Alam mo? Ang ganda ganda mo. Kaya kapag tingin kita dun sa labas, tapos nasasmile ka, nasasmile din ako. Kasi ang ganda mo."

"Ahehe. Ikaw Franco bolero ka ah. Hahahahaha. Halika nga dito!"

And she cupped his face and kissed him on his left cheek, right on his dimple.

Hala. Nikiss nya ko. Mabango pa ba ko? Amoy pawis na yata ako!!!

Napansin ni Mayang na parang nagpa-panic na si Franco. Hindi na bago sa kanya yung ganitong eksena. Minsan nag-o-observe sila ng mga SPED classes at nakakita na sya ng ganito. Ibig sabihin, may biglang naisip si Franco na naka-bother dito. At syempre, alam din ni Mayang ang dapat gawin. To calm him, she rubbed his back.

Napatingin naman si Franco sa mga mata ni Mayang.

Yung mga mata nya...grabe.

"Okay ka lang, Franco?" Tanong ni Mayang. Kahit hindi pa expert si Mayang, napakalma nya si Franco. Akala ni Mayang yung marahan nyang paghagod sa likod ni Franco ang nagpakalma dito. Hindi nya alam, yung mga mata nya ang gumawa non.

"Mayang, magkano dito?" Asked Kuya Aldo, referring to the toy he's holding.

"P150 po yan, Kuya Aldo."

"Osige, kunin ko na to. Ito ung bayad. Tsaka pala paper bag para di ko na ibabalot."

And then, Kuya Aldo remembered her.

"Ikaw! Ikaw yung tumulong sa'min sa department store noon. Naaalala na kita."

"Wait! Naaalala ko na. Hahahaha jusko, unang kita ko pa lang kay Franco sabi ko na naaalala ko sya eh."

------------------------

A/N:

Hello!

Comments? Suggestions? Pls, no violent reaction 😂😂

Tweet me: @FayeTolosa 💛

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now