Ten

460 43 18
                                    

MAYANG

"Franco."

"..."

"Franco..."

Ayaw talaga kong pansinin nito eh. Ahh alam ko na

"Ah! Ow! Aray..."

"Mayang? Bakit? Alin masakit? Teka tatawagin ko yung nurse sandali lang. Anong kailangan mo? Saan ma--"

"Joke lang!!!"

"Mayang."

"Huy, Franco... Kausapin mo naman kasi ako..."

"Kinausap naman kita."

"Ehhhh. Kung hindi pa 'ko nagkunwari na may masakit, 'di mo ko kakausapin eh. Ano bang problema?"

"Hmp! Nagkita lang kayo nung ni Sir Thirdy ayaw mo na sa'kin!"

Hala. Nagtatampo nga

"Hala sya. Kailan kita inayawan???"

"Ayaw mo nga ako pansinin kanina. Puro si Sir Thirdy lang nikakausap mo! Tapos ililibre mo pa sya ng fishball!!! Talaga ba Mayang? Sa harap ko pa?"

"Eh kasi fishball lang ung afford ko ilibre sa kanya eh. Ikaw naman, napaka matampuhin mo. Hindi na nga fishball diba. Isaw na?"

"Isaw. Sus. Tapos nyan si Sir Thirdy na lang lagi mong kasama. Di mo na ko kakausapin lagi lagi."

"Franco, hindi naman ganon. Halika nga dito. Nagpapasalamat lang naman ako kay Sir Thirdy kasi di ba, sinave nya 'ko? Paano na lang kung wala sya doon? Ano na lang nangyari sa'kin? Pano yung scholarship mo? Wag ka nang magtampo. Itong baby boy ko talaga ehhhh. Pero di ka nga kaya kapatid sa labas ni Sir Thirdy?"

"MAYANG NAMAN EH! ITANONG MO PA KAY KUYA, NASA LOOB LANG AKO PALAGI!!!!"

"Hay, Franco, ang cute cute mo talaga!"

-----------------------------------------------

Ilang tests pa, napalabas na din ako ng ospital. Gaya ng pinangako ng mga Faulkerson, wala akong binayaran maski piso. Tapos lagi pa kong may pabulaklak galing kay Sir Richard.

Yung mga kaklase ko, hinahatdan ako ng mga reading materials at binabalitaan kung may mga projects. Nalaman naman sa school yung nangyari sa akin, so okay naman. Wala naman akong masyadong hahabulin sa lessons.

Si Franco, napilit ding umuwi ni Kuya Aldo. At ang sipag nyang mag-aral lately. Gustong gusto nya talagang makakuha ng scholarship.

Tama nga din yon, para makatapos talaga sya ng pag-aaral. Hindi naman talaga dapat maging hadlang ung autism para sa magandang kinabukasan eh.

Sa dami ko nang nakasalamuha, mula pa noong nasa sindikato pa ako, naunawaan ko na hindi naman talaga problema yung autism, kung tutuusin.

Kung ikukumpara mo yung puso nya sa ibang mga tao, makikita mong mas may pagkukulang pa sila kesa kay Franco.

Madalas kasi, anumang pagkukulang ng isip ay kayang punan ng puso. Mabuti na lang at lumaki si Franco na may malaking puso. Punong puno ng pagmamahal.

"Hello Marian!"

"Uy, Sir Thirdy"

"Thirdy na lang sabi eh"

"Ay, oo nga pala, Thirdy. Anong sadya mo? May utang ba ko? Naku, hindi namin tinangay yung unan ng ospital ah!"

"HAHAHAHAHA! Alam mo, ikaw, nakakatuwa ka talaga, Marian."

"Jusko, pwede bang Mayang na lang itawag mo? Nakakaloka sa kapormalan ung Marian, please lang."

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now