Five

432 42 1
                                    

Maaga natapos sa practice para sa class presentation si Franco. Excited sya dahil maaga syang makakapunta sa tindahan nila Mayang.

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.

Ops. May car.

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.

Ay. May tricycle.

Ano ba yaaaaaaaan!!!!! Gusto ko na makatawid eh. Dami naman sasakyan!!! Haaay.

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Yehey.

"Hello po Tita! Mano po!"

"Hi Franco! Wala pa si Mayang, pero papunta na rin yon dito. 4:30 ang tapos ng klase non eh. Malapit na siguro yon."

"Ok po. Wait ko lang po sya dito."

"Parine ka ngang bata ka! Susmaryosep, Franco. Pawis na pawis ka. May baon ka bang pamalit?"

"Ah, opo, tita. Baho na po ba ko? Naku, baka maamoy ako ni Marian. Tita, pabihis ako?"

"Ayun, dun sa banyo."

Kinuha ni Franco ang baon nyang damit at nagbihis.

Dapat magpalagay ako ng pulbos para mabango ako pagdating ni Mayang.

Palagay kaya ako kay Tita.

"Tita?"

"O?"

Ay wag na nakakahiya.

"Wala po."

"Suuuuus, Franco. Wag ka na mahiya. Ano kasi yon?"

Sige na nga.

"Tita, pwede po ano?"

"Ano?"

"Pwede po palagay ng powder? Sa likod?"

"Ayun lang ba? Susmaryosep. Parine ka at tumalikod."

Nasa lahi siguro nila Mayang yung pagiging maalaga. Kasi ganito din si Mayang sa'kin. Maalalahanin, malambing at maalaga.

"Ayan. Tapos na. Ligpit mo na muna yung mga gamit mo. Parating na si Mayang. O ayan na pala."

May magarang sasakyan na pumarada sa harap ng tindahan nila Mayang, may bumaba at nagbukas ng pinto ni Mayang. Inalalayan nya pababa ng sasakyan ang dalaga.

Kaya naman bumaba ni Mayang don. Bakit hawak pa nya ung kamay ni Mayang???

"Tita? Sino sya? Kaya naman ni Mayang bumaba mag-isa diba??? Bakit nihahawak pa nya ung kamay ni Mayang?"

Napangisi ang nanay ni Mayang. Naisip nito na marahil ay nagseselos si Franco.

"Naku, Franco, si JC yan. Ganyan talaga. Kapag may babaeng bababa ng sasakyan, aalalayan. Kapag may papasok ng pintuan, ipagbubukas ng pinto. Ang tawag don, gentleman. Ganun ang mga gusto kong lalaki para kay Mayang, gentleman."

Gentleman, gentleman. Gusto nya lang hawakan yung kamay ni Mayang ko eh.

"Hi Franco! Hi Nanay! Mano po."

"Hi Mayang!"

"Franco, si JC, classmate ko. Si Franco, kaibigan ko."

Classmate ka lang. Kaibigan ako. Belat.

"Hi Franco, apir!"

Ayoko nga.

"Franco..."

Sige na nga.

"San kayo galing? Bakit nihatid ka nya dito?"

Tanong ni Franco. Nagulat ng kaunti si Mayang dahil tila galit si Franco.

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now