Four

471 40 5
                                    

"Hi Mayang!"

Jusko, ang energetic nya talaga.

Haaay, ang ganda talaga nya.

"Hi Franco! Kumusta? Ginalingan mo ba sa school?"

"Syempre naman! Sabi ni Kuya, pwede ko lang ikaw puntahan kapag very good ako ni Teacher. Promise ko yun eh."

Na-miss kita agad. Kaya ginalingan ko sa school.

"Okay. May homework ka?"

After discovering na nagkita na pala kami before, nagkakwentuhan kami at work nalaman ko na magka-age pala kami ni Franco. We're both 22. Ako, isang 2nd year Special Education student, si Franco, isang struggling 2nd year high school student. Dahil sa nalaman ko, nagvolunteer ako na mag tutor tuwing hapon.

"Yes. Meron. Ikaw? Kumusta school?"

Lagi mo na lang akong kinukumusta. Ikaw naman.

"Okay naman po. Nag reporting kami sa Teaching Methods. English nga yung subject na napunta sa'kin eh. Ikaw? Anong ginawa nyo sa school?"

When I said he was struggling, I meant he was struggling kasi parang hirap na syang makisama sa classmates nya. Actually, hindi naman sya bumabagsak. Nahihirapan lang syang makisabay. Kaya affected din ang performance nya sa class.

"Kanina, sa English, nagsulat kami ng poem. Madamidaming words, Mayang! Buti na lang nituruan mo ko magwrite ng poem kahapon!"

Pinagsulat kami tapos ikaw agad ang naisip ko. Dapat daw isulat namin yung nakakapagpasaya sa'min.

"Anong ginawa nyo sa poem?"

"Chineck ni Teacher tapos nipauwi nya sa'min. Andito oh. Basahin mo."

MARIAN
Never have I seen
A smile as wide, eyes as bright
As the ones she has

"Ang galing mo nang sumulat ah!! Pati ung penmanship, very good! Dahil dyan, may sandwich ka! Charan!!"

"Yehey!!! Alam mo kung bakit Marian yung title nyan?"

I smile sheepishly kasi yun ang totoo kong pangalang. Marian. Wait lang. Ano ba. Bakit ba ko kinikilig. Halaaaa kumali ka lang Mayang. Kakire!!

"Hmmm. Bakit nga ba Marian?"

"Kasi, may kakilala ako na Marian na meron sya nung smile na wide at eyes na bright! Maganda yon. Ganda yon eh. Sobra. Grabe."

"Suuuuus. Bolero na OA pa."

"Klasmeyt ko yon. Si Marian"

HOPIA

"HAHAHAHAHAHAHA JOKE LANG! IKAW KAYA YUNG PINAKAPINAKAPINAKAMAGANDANG BABAE!!!"

Wala naman akong kilalang babae na mas maganda pa sa'yo, Marian. Ikaw Ang pinakamagandang babae at ikaw lang ang gagawan ko ng ganyang tula.

"Wag kang sumigaw! Hahahahaha! O sige na. Kumain ka muna tapos ilabas mo ung homeworks mo. Mag study tayo after."

"Salamat, Mayang ha? Lagi mo ko nitutulungan. Ako naman mahehelp sa'yo next time ha?"

"Ay Franco."

"No. Basta. Make promise mo na ihehelp kita sa susunod."

"Haay. Osya oo na po. Pramis, next time, mahehelp mo ko."

"Turuan mo ko mag Math mamaya para tulungan ko ikaw mag bilang dito."

"Okay. Sige. Kain ng kain. Wag puro kwento."

"Sarap naman nito. Ikaw naggawa nito?"

"Yes po. Kain ka pa. Naku. Ano ba yan. Ang kalat kumain. Baby Boy ka pa talaga."

Di na nga ako baby eh.

Naku po, jusko, nagpout pa. Baby boy na baby boy talaga.

"O? Bakit? Galit ka ba?"

"Hindi."

"Totoo? Be honest, Franco."

Ang hirap naman. Kailangan lagi honest.

"Eeeeeh."

"Ano nga????"

"Kasi eh. Di na nga ako Baby Boy!! Sabi ni Kuya Big Boy na ko."

"Osige  Big Baby  Boy  hahahaha tingnan mo nga, inaalagaan kita. Tapos pinupunasan ko pa ung bibig mo kapag kumakain.  Ang kalat kasi. Baby Boy pa kita."

"Sige na nga. Payag na ko na Baby Boy pero dapat secret lang natin yon. Ikaw na lang tatawag sa'kin ng Baby Boy ah? Pag may nakikinig iba dapat di Baby Boy."

"Okay. Sabi mo eh."

Happy kaya si Mayang na kasama ako?

"Mayang."

"Oh?"

"Nipapasmile ba kita?"

"Ha?"

"Sabi ko, nasasmile ba ikaw dahil sa'kin?"

"Oo naman."

"Ok."

"Osige na. Labas mo na yung homeworks mo. Tapos kwentuhan mo ko ng mga tinuro ni Teacher."

Occasionally, may papasok para bumili ng school supplies, or minsan may magpapaload. Pero tuloy lang kami sa pag-aaral. Gusto ko matulungan si Franco na makaraos ng high school. At gusto ko makatapos sya ng pag-aaral. This world, no matter how cruel, has a lot in store for special people like Franco.

"Marian."

"Bakit? Bakit Marian?"

"Eh di ba yun naman talaga name mo?"

"Ehhh. Mayang na lang."

"Marian."

"Franco naman eh."

"maganda yung Marian. Kaya Marian itatawag ko sa'yo."

Bagay sa'yo. Sobrang ganda mo.

"Haaay. Bolero."

"Totoo nga. Maganda ka na, sobrang mabait pa. Tapos sobrang matalino pa!!! Grabe!"

"Sus, Franco. Tama na yan. Ligpit mo na ung gamit mo at darating na si Kuya Aldo mo."

Maya maya ay dumating na rin si Kuya Aldo.

"Maraming salamat talaga, Mayang ah."

"Marian," singit ni Franco.

"Franco naman ehhh. Wala yon, Kuya."

"Bye Marian!!! Salamat ng madamidami!"

"Hay nako, Franco. Hahahaha dapat di mo nalaman pangalan ko eh. Hahaha Bukas ulit ah. Pero wait mo ko ng kaunti kasi may school ako. Mauuna ka sa'kin dito. Nandito naman si Nanay bukas."

"Ok. See you tomorrow, Marian!"

Bago makalabas ng shop, tumakbo pabalik si Franco at kiniss ako sa pisngi.

Napakasweet talaga ni Franco.

---------------------------------------

A/N: Hi! Namiss nyo ba sila? Hahaha ako din eh. To be honest, nawalan talaga ko ng idea kung pano ko susundan ung previous chapter. Pero buti na lang dinalaw ulit ako ni Franco at Mayang at mukha namang nakapagsulat na ko kahit papano. Hahahaha

Bago ko matapos tong chapter, nanood ako ng 100 Tula Para Kay Stella. Pero naisulat ko na ung haiku non. Basta yon. Itutuloy ko na dapat yung pagsusulat after nung film. Kaso jusko, wasak na wasak ako kaya feeling ko magkakasakitan lang tayo kung pipilitin ko magsulat. Hahahaha so ayon, I had to wait for a few more days para makasulat ulit. Sana mapasaya kayo ng chapter na to. 😍 Please vote or comment or anything! Hahahaha labyu!!!

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now