THIRTEEN

228 21 2
                                    

"Hi Mayang," masiglang pagbati ni Franco pagkita kay Mayang.

"Uy. Hi, Franco. Kumusta ka?"

"Ok lang ako. Malapit na yung graduation namin, Mayang. May award ako! Sabi ko kay Mrs. Buenaventura ikaw ang aakyat sa stage kasama ko."

"Hala! Dapat si Kuya Aldo at ang Tyang mo!" sabi ni Mayang.

"Eh kasi ikaw ung gusto ko kasama dun eh. Tsaka ikaw naman nag help sa akin lagi kaya okay lang na ikaw kasama ko doon."

"Nakakatouch naman yon. Sige, hahanap ako ng magandang isusuot sa graduation mo."

"Talaga, Mayang? Payag na ikaw?" ang laki ng ngiti ni Franco nang maramdamang pumayag si Mayang.

"Opo. Payag na po."

"Yes! Labyu, Mayang!" dali daling niyakap ni Franco si Mayang at hinalikan sa pisngi.

"Napaka lambing mo talaga! Hahaha!" Sa aliw ni Mayang, hinalikan nya ang pisngi ni Franco, sa tapat ng biloy nito. Sabay dating ni Kuya Aldo.

"Kuya! Ni-kiss ako ni Mayang sa dimpol ko! Nakita mo? Nakita mo? Kiss ko din Mayang! Mwah!"

"Nako, ang sweet sweet talaga nitong si Franco. Sandali, may tinapay ako dito. Kain tayo? Kuya, kuha ka."

"Sige lang. salamat. May titingnan lang ako sa kabilang tindahan, Franco, Mayang. Babalik din ako."

"Sige, Kuya. Magkwentuhan muna kami ni Franco."

"Salamat, Mayang. Lab na lab kita talaga, Mayang. Pramis. Totoo. Tapos gusto ko naguusap tayo lagi. Tapos nappsmile kita lagi lagi. Pag masasad ka, sad ako. Kaya wag ikaw masasad ah. Wag ka din iiyak. Ayoko iiyak ka. Iiyak din ako. Gusto kita iha-hug lagi tsaka iki-kiss lagi. Diba kapag ganon lab lab mo? Kaya alam ko lab na lab kita."

"Franco..."

"Mayang, lab na lab talaga kita!"

"Love din kita, Franco. Ayoko din ikaw masasad. Ayoko din ikaw iiyak. Ok? Lagi tayo smile ah!"

"Pramis, love mo din ako?"

"Oo nga!"

"Lab na lab kita. Lab na lab mo ko! Mag-aasawa na ba tayo, Mayang?"

"Hala, Franco! Hahahaha"

"Bakit mo ko pinagtatawanan? 'Yung nipapanood ko na movie, si Andrew tsaka si Gara lab na lab nila ung isa't-isa tapos nagkiss sila mahaba mahaba. Tapos ung napanood namin sa TV si Alden tsaka si Yaya Dub love din nila isa't isa tapos nikasal sila sa dulo tapos may baby pa sila dalawa. Gusto ko tayo din. Kasi love kita tapos love mo din ako. Tapos pwede tayo ikasal tapos magka baby tayo. Pero ayoko ng dalawa. Gusto ko maraming marami."

"Franco, alam mo ikaw, ang dami mong alam! Hahahaha ikaw talaga. Kain ka lang dyan. Ayan na pala si Kuya mo. Kuya, kain ka ng tinapay."

"Hindi na. Mauna na kami at may tinatapos pa ako. Tara na, Franco. Magbabye ka na kay Mayang."

"Bye, Mayang. Babalik ako ha? Aylabyu!"

"Ikaw talaga Franco. May kiss pa sa cheeks ah! Bye Mayang!"

"Bye Kuya, Bye Franco! Ingat kayo!"

-----------

"Kuya? Diba dati may girlfriend ka?"

"Ha? Oo. Bakit?"

"Wala lang. Bakit mo sya girlfriend?"

"Kasi love ko sya. Tapos love nya ko. Kaya girlfriend ko sya."

"Hala. Kanina Kuya, sabi ko kay Mayang love ko sya. Tapos sabi nya love nya din ako. Ibig sabihin girlfriend ko na sya?"

"Hoy hoy, anong girlfriend? Ikaw Franco ah! Wag mong iniisipan ng ganyan si Mayang!"

"Bakit kuya? Lab na lab ko naman talaga si Mayang ah. Tsaka big boy na ko. Pwede na ko mag girlfriend."

"Girlfriend agad? Franco, bago ako nagkagirlfriend, nangligaw muna 'ko."

------------

"Oh, anak... Ano ba yan? Mukha kang natulala dyan ah."

"Ay Nay. Andyan na pala kayo."

"Kanina pa. Nakatulala ka dyan eh. Di mo na ko namalayang dumating. Ano bang iniisip mo? Pakitulungan mo na nga ako dito at ipasok natin sa kwarto mo."

"Wala ito, Nay."

"Alam mo, ang husay talaga ng pagkakagawa ni Franco dito sa kwarto mo ano?"

"Oo nga po Nay eh."

"Talented yung batang iyon. Sayang lang at may--"

"O, Nay. Ayan ka na naman."

"Sorry na. 'Yung special?"

"Opo. Yaaan."

"Special sa'yo?"

"Nay naman."

"Oh? Bakit? Diba sya ang iniisip mo? Kaya ka tulala eh."

"Ito si Nanay, issue ka."

"Mayang, matagal tayong di nagkasama, oo. Pero Nanay mo pa rin ako. Alam na alam ko pa rin ang tibok ng puso mo, pati ang tunog ng hininga mo."

"Bad breath?"

"Hahahaha Ikaw talaga, Anak. Alam mo, minsan, mahirap sundin ang puso. Tingnan mo 'ko? Nagmahal ako pero sa maling tao. Kaya nasaktan ako. Pero lahat ng uri ng pagmamahal na binibigay mo, may magandang kapalit. Kahit mali ang unang pagibig ko, ikaw naman ang naging magandang kapalit. Yung sumunod, siguro hindi pa rin tama, pero binigay naman sa'kin ang kapatid mo. Ibig kong sabihin, Anak, wag kang matakot magmahal at masaktan, dahil lahat ng pag-ibig, ano mang uri, pag-ibig pa rin. At lahat ng bunga ng pag-ibig ay mabuti."

"Nay, hindi po ba imposibleng magmahal ang kagaya ni Franco?"

"Anak, lahat ng tao ay may kakulangan. Nagkataon na sa pag-iisip ung sa kanya, pero ang nakakatuwa doon, kung anumang kinulang nya sa isip, sya namang inilamang nya sa puso. Napaka mapagmahal ng batang yon."

"Kung mahal ko ba si Franco, hindi ka tututol? Hindi ka magagalit?"

"Anak, kung sakali lang naman ha? Kung sakali bang nagmahal ka at pinigilan kita, mapipigilan ba kita?"

"Hahahaha, nay, ako ay isang pabebe girl at walang makakapigil sa'kin."

"Yan, yan ang namana mo sa'kin. Ganito tayo magmahal. Walang makakapigil satin."

"Salamat, Nay."

"So mahal mo nga? Yieeee si Mayang may baby."

"Nay!!!"

"Oh bakit? Parang baby boy mo agad yon pag nagkataon. Tapos di ka pa mamomroblema sa selos. Kahit gwapo yon, at least walang masyadong aaligid na asungot! Ganda pa man din ng biloy nya."

"Hahahahaha Nanay naman eh."

-----------------------

A/N:
HI GUYS!

Napanaginipan ko si Franco at Mayang noong isang gabi. Tapos naalala ko itong ichi-go ichi-e. 😭💕 namiss ko sila ng sobra!! I hope you enjoy reading as much as I took joy in writing. Much love!

Comments? Hehe

Pls vote!

Share!

Follow? Haha

Tweet me: @/faayyyeeee_

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now