Twelve

353 32 3
                                    

"Hi Tita!"

"Uy, Franco. May usapan ba kayo ni Mayang? Wala sya dito. Hindi naman nagbilin. Nasa school eh."

"Tita, alam ko po nag school si Mayang. Nagpunta po ako kasi po Tita, may secret tayo Tita. Ok lang po ba may secret tayo?"

"Secret? Para saan?"

"Kasi Tita malapit na mag-Christmas eh. Ok lang po ba mag-surprise kay Mayang? Pero secret lang po natin. Kasi po pag nisabi nyo sa kanya di na po secret yon eh."

"Oo naman. Ano bang secret?"

"Ganito po, Tita."

-------

"Nay, bakit wala 'yung electric fan sa kwarto ko?"

"Eh kasi nasira 'yung sa amin ng kapatid mo. Pwede bang dito muna tayo? Saka na tayo bumili ng bago ha? Kasi masasabay sa gastusin natin ngayong Pasko."

"Opo, Nay. Ayos na ayos."

"Sige. Kunin mo muna siguro 'yung mga gamit mo sa kwarto mo at dalhin mom una dito para hindi ka na pabalik-balik doon."

"Okay po."

-------

"Hi Mayang!"

"Hello Franco! Bakit ka nandito?"

"Simbang Gabi na ngayon, Mayang!"

"Oo nga! Haha Kaya nga kami nakabihis."

"Kasi sabi ko kay Tita sasama ako sa inyo mag simbang gabi eh."

"Kukumpletuhin mo ba yung simbang gabi?"

"Oo, Mayang. Ikaw ba? Sabi kasi ni Tyang, kapag kinumpleto ko daw 'yung simbang gabi, pwede ka daw mag wish kay Papa Jesus tapos tutuparin nya daw yung wish mo!"

"Franco, magandang makumpleto ang Simbang Gabi, pero kahit naman hindi makumpleto yon, kahit kalian pwede kang humiling kay Papa Jesus. Mag pray ka lang, papakinggan ka nya. Pero teka, ibig sabihin, may wish ka?"

"Oo, Mayang. Dalawa nga yung wish ko eh. Kaya sabi ko kay Kuya Aldo, kumpletuhin nya rin ang simbang gabi para sya na lang mag wish nung wish ko na isa pa."

"Aba, ang dami mong wish ha!"

"Tatlo nga dapat yan eh. Pero natupad na ung isa. Dahil sa'yo, Mayang, may scholarship na ako. Dalawa na lang ang wish ko."

"Ano-ano naman 'yon?"

"Una, wish ko na maging happy ka lagi, Mayang. Pangalawa, secret."

"Aba, nagsi-secret ka na sa'kin ah!!"

"Hahahaha Pero mas wish ko pa rin na maging happy ka lagi, Mayang."

"Awww. Franco, sobrang sweet non ah. Pero sige, kung totoo man na may matutupad na wish kapag nakumpleto ang simbang gabi, kukumpletuhin ko para i-wish na maging happy ka rin, Franco."

"Thank you, Mayang."

"Franco, andito ka na pala."

"Hi po, Tita, mano po! Sasama po kami ni Kuya Aldo sa church. Nasa labas po si Kuya Aldo."

"Kaawaan ka. Osya. Tara na at nakakahiyang mahuli sa misa."

------

"O, Mayang, saan ka pupunta?"

"Sa kwarto ko po. May kukuhanin lang po."

"Sandali lang, pakibili mo muna nga ako ng dahoon ng Laurel kila Aling Ysing."

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now