ELEVEN

405 35 6
                                    

ELEVEN

"Hi po, Tita, we're back."

"Hello Thirdy. Mayang. Galing si Franco dito. May ipapakita daw sa'yo tsaka magrereview yata kayo dapat?"

"Hala. Eh nasan po?"

"Ay umuwi na. Bukas na lang daw."

"Eh bakit di nyo na lang pinaghintay? Saglit lang naman kami ni Sir Thirdy. Baka nagtampo na yon."

"Naku. Oo nga. Minsan pa man din matampuhin ang batang iyon."

"Does he live nearby po?"

"Oo. Medyo malapit lang dito."

"Diba hilig nya ang fishballs? Maybe we can buy him some tapos dalhan na lang natin."

"Ay good idea yan. Nay puntahan ko lang si Franco, ok lang? Kaya mo na po dito?"

"Oo,  Anak. Mainam ngang puntahan mo yon. Excited pa man din at may good news daw eh. Kaya ko na dito. Darating din ang kapatid mo. Sa bahay ka na dumiretso mamaya. Kami na ang magsasara dito."

"Osige po, Nay. Alis na po kami."

"Tita, babye po."

"Sige, Sir Thirdy. Mayang."

———————————————

"Tao po!"

"Sandali lang!"

"Magandang hapon po."

"Mayang!"

"Tita, hello po. Si Franco po?"

"Naku, nagpaalam kanina at pumunta sa inyo. Magpapaturo daw sa'yo at ipapakita ung iskor yata yon sa test. Hindi ba kayo nagkita?"

"Hindi po eh. Lumabas po ako kaya nung dumating sya si Nanay lang ang inabutan. Uuwi na daw po at bukas na lang magpapaturo. Nasaan po kaya?"

"Tawagan na ba natin si Aldo?"

"Siguro po. Susubukan ko rin pong hanapin."

————————————————

"Franco?"

"Bakit ka nandito?"

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit wala kang kasama?"

"Bakit ka ba nangingialam? Bakit ka nandito?"

"Franco..."

"Aagawin mo sa'kin si Mayang, 'no? Gusto mo si Mayang di ba, Sir Thirdy?"

"Nagkakamali ka, Franco. Wala akong gusto kay Mayang. Haha. Nakakatuwa ka naman. Paupo dito sa kabilang swing ha?"

"Hmm sige."

"Alam mo, nakakatuwa si Mayang no? Sandali pa lang kaming nagkwentuhan kanina pero ang dami na nyang naikwento. Lahat halos tungkol sa'yo. Si Franco masipag mag-aral. Nakaka-proud naman si Franco. Magaling mag drawing si Franco. Magaling mag paint si Franco."

"Talaga? Proud sa'kin si Mayang?"

"Oo. Alam mo ba, tatlo lang nakain nyang isaw kanina kasi sabi nya may usapan kayo. Kaya bumalik agad kami sa shop. Kaso umalis ka na daw sabi ni Tita. Nagpahatid pa sya sa bahay nyo may dalang fishballs."

"Naku! Eh wala ako don! Andito ako!"

"Hahahahahaha naku oo nga Franco!"

"Sir Thirdy, Kuya Thirdy, mukha naman tayong magkapatid eh. Hatid mo naman ako sa amin o???? Para mabilis."

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now