FIFTEEN

229 24 4
                                    

Franco's Graduation

Sobrang saya ko ngayon. Dahil ngayong araw, sa wakas, tapos na 'ko sa high school.

Akala ng iba, dahil may sakit ako, hindi ko naiintindihan yung mga nangyayari sa paligid ko. Hindi nila alam, unti-unti, nauunawaan ko rin ang mga bagay bagay.

Alam ko na delayed ang learning ko. Isipin nyo, 23 years old na 'ko pero ngayon pa lang ako nakatapos ng high school. Sabi nila, kulang kulang ako. Sabi naman ng iba, abnormal ako.

Pero siguro, kahit na kulang kulang o abnormal ako, ang swerte ko pa rin. Kasi may mga nagmamahal sa'kin. At may mga taong ginagamit si God para matulungan ako.

Buti na lang at dumating sa buhay ko si Mayang. Sya ang nag-ahon sa'kin. Tuwing tinitingnan ko ang mga mata nya, nalulunod ako sa pagmamahal na nakikita ko at inaahon ako mula sa helplessness ko.

Tinuruan ako ni Mayang, hindi lang sa mga school works ko. Tinuruan nya rin akong kilalanin ang sarili ko. Dahil sa kanya, mas naniwala ako na hindi ako kulang kulang.

Naniniwala ako sa sinabi ni Mayang na kung sa tingin ng iba ay kulang ako sa pag-iisip, sapat naman ako sa kanya.

Alam ko naman na pumayag si Mayang na ligawan ko sya para lang mapag bigyan ako. Siguro darating yung araw na mapapagod din syang alagaan ako at unawain.

Don't get me wrong. I'm praying, hard, na hindi mangyari yon. Na sana, sana, sana, habang buhay sya sa tabi ko. Pero naiintindihan ko rin na balang araw, kailangan nya rin abutin ang mga pangarap nya, bumuo ng sariling pamilya. At kapag nangyari yon, posibleng hindi na nya kayang pagbigyan ang mga bagay na gusto ko.

Masakit isipin pero sabi ni Kuya Aldo, kapag mahal mo daw ang isang tao, iisipin mo lagi ang makabubuti para sa kanila at gugustuhin mong makuha nila ang mga bagay na magpapasaya sa kanila—kahit pa hindi ka na kasama don.

Totoong mahal ko si Mayang. At kahit pa gustuhin kong ipaglaban sya, alam kong may mga taong mas may kakayahan na ibigay sa kanya ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.

Pero hindi ako susuko. Hangga't hindi pa dumarating ang araw na yon, hangga't wala pa syang nakikitang tamang tao, ibig sabihin, pwede pa 'kong humabol.

Hindi ko sasayangin ang opportunity na ibinigay sa akin ni Kuya Thirdy at ng kanyang buong pamilya. Sisikapin kong mag-improve.

Alam kong sa kalagayan ko ngayon ay hindi ako qualified sa taong mahal ko. Pero hindi ako susuko. Dahil mahal ko si Mayang, magsisikap ako na maging qualified ako.

Sabi nung Bible verse sa kwarto ni Mayang, "Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things." (1 Corinthians 13:7)

"Franco, halika na. Tawag na yung pangalan mo!"

"Mayang, ikaw ang magsasabit ng medals ko ah!"

"Aba syempre. Tara na!"

"Franco is our most improved student. From second year, we accelerated him to fourth year early this school year because of his great improvement. He is also being recognized with a special award in the field of arts. We have all worn a t-shirt during our intrams week and that shirt design garnered a lot of praises. Most of us don't know who designed that shirt. Now is the time to let you all know that Franco made that design." The people in the auditorium erupted in applause.

"What's more is that Franco here is a recipient of a full scholarship grant with allowance from NDCMF Scholarship Foundation until he finishes college. Congratulations, Franco."

"Mayang, bakit ka umiiyak?"

"Kasi Franco ang tawag dito, tears of joy. Masaya ako kasi maraming nakaka-appreciate sa'yo. Nakikita nila na magaling ka. Sana dumating yung araw na lahat ng tao makita nila kung anong nakikita ko."

"Ano bang nakikita mo?"

"Na hindi ka kulang, Franco. You are more than enough."

ichi-go ichi-eWhere stories live. Discover now