CHAPTER 5 : THE BULLIES AND THE BITCHES

508 9 0
                                        


  •Dana PoV•

Boring na araw or sadyang napakanormal lang ng nangyayari. One week na rin ang lumilipas simula magsimula ang Class. Sa bahay? Still the same nothing happen nandoon pa rin ang mga Kuya ko. Normal ang pagpasok ko sa school.
Then
Last encounter namin ni Rain 'di na naulit baka natakot sakin na mabully din siya pfft.

Dahil monday ngayon maaga akong pumasok kasi may Flag Ceremony, tradition na ito hindi na pupwedeng baguhin. Naglalakad ako sa hallway ng makabanggaan ko ang grupo ni Beatrice, what a nice day.

"Look girls oh! My nerd, opps 'di ko sinasadya," bigla niya akong itulak dahilan ng pagbagsak ko DAPAT sa sahig, hindi kayo nagkakamali ng binasa dapat pa lang hindi natuloy may sumalo sa akin -,- Prince Charming ko?

"Hey! Beatrice wala naman ginagawa sa'yo yung tao tapos binabangga mo," sabi ng lalaki ang inalalayan ako.

"As if I care? Wala kang pake Ethan kung ano man ang gawin ko, like this."

*PAKKKKKKK*

Sinampal niya ko ng malakas pero wala lang sa akin yun, malayo sa bituka, dati akong gangster 'di sampal ang magpapaiyak sa tulad ko.

Inayos ko damit ko, hahakbang na sana ako pero nakita ko mga kuya kong nakatingin sa akin. Alam ko gusto na nilang lumapit pero pinipigilan lang nila, iniwas ko na tingin ko sa kanila.

Itutuloy ko sana ang hakbang ko ng harangan ako ng dalawang alipores ng walang hiyang si Beatrice.

'Bitch' bulong ko.

"Akala mo ba porke dumating 'tong knight in shinning armor mo ay makakaligtas ka na?" pataray na singhal niya sa akin.

Tsk. Bida bida wala naman mga laban pagpinatulan ko.
Hinawakan ng dalawang alipores niya ang mga braso ko. Sinabutan naman ako ni Beatrice. Inaawat naman siya ni Ethan then ...

*kringgggggggg*

Nagbell na save by the bell. Tsk

"Hindi pa tayo tapos nerd," sabay tulak sa akin dahilan upang masubsob ako.

Pinagpagan ko na lang mga kamay ko at uniform. Inalalayan naman ako ni Ethan pero hindi ako nagpasalamat. Iniwan ko na lang siya. Bakit ako magpapasalamat humingi ba ako ng tulong niya? Tss.

Nang tignan kong muli kinaroroonan ng mga kuya ko ay si Kuya Crayon na lang ang nakita ko na umiiling na nakaharap sa akin.

Nagpatuloy na ako maglakad muli papuntang linya ng section namin. Nang biglang may pumatid sa akin.
Nakita ko isang alipores pala ng bruha. Tumayo ako at 'di sila pinansin.

Nagsimula na ang Flag Ceremony ng makita kong kadarating pa lang ni Rain, katabi niya yung Ethan na tinulungan ako. Biglang nagtama ang paningin namin ni Rain kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko. Hanggang sa matapos ang Flag Ceremony ay naging ang lahat pwera lang sa kaninang nabully ako.

Nagdiscuss lang si Sir Alvin about sa magiging activity namin, about music. By partner daw and guess what? Sa kaliwang katabi ang magiging partner. Okay

"So here we go dahil wala naman absent ngayon. May kanya kanya na rin kayong katabi, ang gagawin niyo simple sa Friday niyo ipeperform. Kakanta kayo. Any instrument pwede niyo gamitin dahil nalalapit na rin ang ang Anniv. Ng school pinaghahandaan na," pagkatapos sabihin 'yon ni Sir. Umalis na siya.

"Pssst. Nerdy," kalabit sa akin ni Rain.

"Hmmm?"

"Sa bahay niyo na lang tayo magpractice if you want? May alam ka bang—"

Hindi ko na siya tinapos magsalita nang magsalita ako.

"Later sa park 4pm dalhin mo na lang ang instrument mo." at umalis na 'ko. Sumunod naman si Leslie sa akin.

"Dana, ang swerte partner mo si Rain ah katabi mo na partner mo pa ikaw na talaga," may kasama pang hampas napangisi na lang ako sa ginagawa niya.

Papunta kaming Canteen ngayon. Breaktime at dahil gutom ako dahil sa nangyari kaninang umaga.

*booogshh*

Sa pintuan ng Canteen bago pa man makapasok si Leslie ay inunahan ko siya kaya naman ako ang natapunan ng kung ano. Tsk

"Nagustuhan mo ba supresa namin sa'yo?" biglang litaw sa harap ko ni Beatrice habang nakikipagtawanan pa sa mga alipores niya.

Aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Iwasan mo si Rain."

Ano bang meron sa Rain na mokong na 'yun.

Pumunta na akong clinic para makapagpalit na. Pinagtitinginan ako nila pero ano bang pake ko normal lang naman ito para sa tulad ko.

Nang makahingi ako sa nurse ng extra shirt ay nalinis na ko.

"Pwedeng umidlip?" tanong ko sa nurse.

"Sure, gigisingin na lang kita paglunch break niyo na," nakangiting sagot niya sa akin.

Humiga ako at inisip ang nangyari ngayong umaga.
Hmmmmm

•Crayon PoV•

Nanggigil ako sa nabalitaan ko kanina pati yung nakita namin ng mga kuya ko sa ginawa nila sa bunso namin.

Alam ko hindi lang ako nakakaramdam ng ganito pati na rin malamang si Kuya Luke at Kuya Grey.

"Boy! Kawawa yung nerd kanina sa canteen binuhusan ng tubig na may kulay ba 'yun? Sa H.S Building," kwento ng classmate ko sa katabi niya.

Napatayo ako bigla dahil sa narinig ko, susugod na sana ako kaso nakita ko si Kuya Grey na sinasabing h'wag. Kaya wala na akong nagawa kundi umupo muli sa kinauupuan ko kanina.

Tsk.

3rd Person PoV

Manahimik ka lang sa ngayon Empress dahil ikaw mismo ang kusang lilitaw sa gagawin kong ito.

"Je, Okay na ang lahat, ng pagtransfer mo sa university na sinasabi mo pati sila EL at Re okay na. Ano ng balak mo?" balita sa akin ni Cally.

"Maari ka ng umalis," ayoko na pahabain pa ang pakikipag-usap sa kaniya. Kung si Empress nga natraydor niya ako pa kaya. Utusan ko lang siya sa ngayon ililigpit ko rin siya pagkatapos ko sa Empress na 'yan. Dalawang taon na Empress, dalawa na pero hindi pa rin kumukupas ang ginawa mo sa akin. Nanggigil ako dahil sa iniisip ko magbabayad ka Empress.  

THE MYSTERIOUS NERD IS A NERDWhere stories live. Discover now