CHAPTER 17 : FLASHBACK

451 9 1
                                        


  •Dana PoV•

"Alam mo bang ang kaibigan mong si Leslie nagpapanggap na ikaw? Tss."

"Hindi lang ang gang namin ang naghahanap sa'yo. May iba't iba pang gang. Hindi ko lang alam, bakit kasi kulit mo,"

"Anonymous gang bago mong gang? Wala ka bang balak ipaalam ito kay Kuya Grey at Crayon? Alam mo bang pinaghahanap ka ng gang ni Crayon? Kasi pinatay mo raw ang isa sa member nilang si Je ba 'yun?"

Paulit ko pa rin naalala mga sinabi ni kuya Luke. Nakaakyat na ako. Tsk. Maling k'wento. Maling impormasyon.

Hindi ko naman pinatay si Je.. Hindi ko pinatay si Je
..rald.

Niligtas niya lang naman ako. Nagkataon na ang tatlong traydor kong kagang nakakita ng pangyayari pero binaliktad nila ang k'wento. Bakit ko papatayin ang taong mahal na mahal ko? Taong nag-iisang dahilan bakit ako lumalaban noon?

Isang taon rin nabuo ang gang naman. Sila Cally na naiinggit dahil ako ang gusto ni Jerald. Si Jerald? Dating Phoenix Gang. Kagang ni Kuya Crayon. Never kong kinalaban ang gang nila kaya ang BWG ang kalaban nila. Pero kahit ganon kami pa rin ang nangunguna.

Noong napagdesisyonan ko na buwagin ang U.G? Pumayag si Je, sinusuportahan niya ako sa lahat ng gagawin ko. Noong umamin siya, tuwang-tuwa ako pero 'yung ang isa sa mga bangungot na ayoko ng maulit pa. Sinugod kami ng iba't ibang gang na may galit sa akin. Pinagtanggol niya ako, pero hindu naging sapat ang lakas namin para matalo ang ibang gang. Marami sila dalawa lang kami. Naalala ko pa noon...

"Ems! Tu-tumakas ka na! Iligtas mo ang sarili mo!" habang tinutulak ako ni Je.

"N-no! Hindi kita iiwan dito," matigas kong sabi.

"Mahal kita Ems, kahit ano lang mangyari mamahalin kita,"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at nagsisugod na ang mga iba't ibang member ng gang. Nakakalaban kami pero hindi naging sapat.

Maraming saksak ang nakuha niya. Napapaiyak na ako dahil nakikita ko sumusuka na siya ng dugo, pero tuloy pa rin siya sa paglaban.

"Je...! Pls h'wag mo akong iwan!" pagmamakaawa ko sa kaniya. Yung luha ko nagsi agos lang hinayaan ko na rin masapak, masipa at masikmuraan ako. Wala akong pakealam kahit ano pa mangyari sa akin basta mapunta ako sa pwesto niya.

Pero huli na ang lahat. Wala na siya. Patay na siya. Patay na 'yung taong pinakamamahal ko. Pinatay nila. At hindi ako ang pumatay.

Nanggigil ako sa tuwing naalala ko ang pangyayari na 'yun. Kaya naiinis ako sa taong gumagamit ng pangalan ni Jerald sa walang kwentang bagay.

At sa nangyari kay Je.? Napagdesisyonan ko na lang magtago bilang nerd at Hindi bilang Ems.

Ayoko may mamamatay na naman habang nililigtas ako.

Nasabi ko na kay kuya Luke, Kila kuya Crayon at Kuya Grey na lang humahanap lang ako ng Tyempo. Lalo na kay Kuya Crayon. Baka pagnalaman niya ay patayin niya ako kahit kapatid lang. Ayoko mangyari sa amin 'yun.

Ayoko munang magpakilala dahil may mga taong nais mapatay ako. Mga taong malalaki ang galit sa akin.

Mga nakalaban ko noon na gustong gumatin. Nagsama sama pa sila tss.

Tungkol kay Leslie naman? Kailangan ko/namin siyang bantayan maaring matulungan niya ako mapalitaw mga totoong kalaban.

Kailangan ko malinis ang pangalan ko, pangalan kong dinumihan nila.

Kailangan ko muna makilala mga kalaban ko bago ako gumawa ng action.

Bago magpakilala. Kailangan ko muna kilalanin ang taong gumagamit ng Je na pangalan.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang picture ni Jeralf na kasama ako. Ito rin ang picture na naiwan sa U.G Head Quarters noon.

Napangiti na lang ako sa picture. Dahil kahit nakamove on na ako sa mananatili lang siya sa puso ko.

Kaya napakalabong sa kaniyang boses ang tumawag sa akin. Imposibleng siya.

•Leslie PoV•

Hindi ko gusto lokohin si Rain. Mahal ko lang siya. Kaya noong may pagkakataon na may mahanap akong chance ginawa ko na ang lahat. Naiinggit ako kay Dana, wala naman siyang ginagawa at isang hamak na nerd lang naman siya kumpara sa akin.

Mas maganda ako sa kaniya. Mabait at Friendly ako pero hindi niya ako pinapansin. Nabalitaan ko hinahanap nila 'yung empress. Hindi ko kilala 'yun kaya nagsearch ako. Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko bukod kay Dana. Nalaman kong mahal ni Rain si Empress. Kaya nagpanggap ako.

Ewan ko pero naniwala agad siya. Tinanong niya lang naman kung akin ba 'yung panyong hawak ko. Napasagot na lang ako ng oo kahit sa totoo niyan ay si Dana ang may ari pinahiram lang sa akin, pero nakalimutan kong maisuli.

Nakakapagtaka. Maari kayang si Dana at Si Empress ay iisa.

"Leslie, maari ba tayong mag-usap." nagulat naman ako biglang may magsalita sa likod ko, si Allison pala.

"Okay?" sagot ko. Kahit na nkakainis inistorbo niya pag-iisip ko.

Pumunta kaming garden ng school.

"Bakit ka nagpapanggap?" nabigla ako sa tanong niya.

"A-ano ba yang p-pinagsasabi mo Ally?" kinakabahan ako sa tanong niya.

"You know what I mean Leslie? Hindi mo ba alam na delikado ang ginagawa mo maaring mapahamak ang buhay mo!?" pasigaw niyang sabi.

"Wala akong paki mahal ko si Rain kaya lahat gagawin ko para mapansin niya ako!" pabalik kong sigaw.

Nakita kong iniangat niya ang phone niya nakarecord ang pinag-usapan namin.

Pinalambutan ako ng tuhod dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

"May oras ka pa, h'wag mo hyaan ako pa magsabi kay Rain," huli niyang sabi habang tuluyan na umaalis.

Napaiyak na lang ako ng wala sa oras. Mali ang nagawa ko, mali.

"Leslie nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap," narinig ko ang boses ni Rain kaya naman kumalabog ng malakas ang puso ko.

"Rain—," hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang unti-unting pagkahilo ko.

"Leslie!" narinig ko pang sigaw ni Rain bago ako tuluyan mawalan ng malay.  

THE MYSTERIOUS NERD IS A NERDWhere stories live. Discover now