CHAPTER 8 : MAS MATANDA KAMI SAYO

482 9 0
                                        


  •Dana PoV•

Napaaga ata gising ko ngayon wednesday na 5:30am? 7am pa naman pasok ko.

Hindi na rin naman ako makatulog kaya na naghilamos at nag-ayos na ako.

Maghahanda na rin ako ng breakfast namin nila kuya.

Kahit naman cold at snabera ako may pake pa rin ako sa pamilya ko. At sa paglaki ko tinuruan naman ako ni nanay lusing my personal yaya sa pagluluto ng mga simpleng almusal.

Pagkatapos ko maghanda tinakpan ko muna ang niluluto ko.

Naligo na rin ako at nagbihis ng uniform ko.

Pagbaba ko naabutan ko na sila kuya na naghahanda ng gamit nila.

"Morning." Bati ko sa kanila.

Pero hindi nila pinansin ang sinabi ko, tuloy tuloy lang sila.

Hays. Tumuloy na lang ako sa kusina. Gano'n din ginawa nila.

Kumain kami ng tahimik. Nag-uusap sila pero parang wala lang ako sa harap nila.

"Sorry." 'di ko mapigilan hindi magsalita. Tumingin naman sila sa akin at nakangiti na sila sa akin.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA," - sila ^______^

Ako ----> -,-

"Alam mo Lil. Sis concern lang kami, at naiinis kami pagmay ginagawa sa'yong 'di maganda ang iba." Malumanay na sabi ni Kuya Grey.

Naiintindihan ko naman sila. Wala lang silang alam, ipapaalam ko rin sa tamang oras.

Naging okay na kaming apat. Sinali na rin nila ako sa kwentuhan.

Naikwento nila na dumating na si tito, ninong ni kuya Luke.

"O, siya bunso mag-iingat ka ah," nakangiting paalala ni kuya luke.

"Pag-inaway ka pa nila ako makakabangga nila kahit babae pa sila papatulan ko 'yun." sabi ni kuya Crayon.

"Drama mo talaga tol!" asar ni kuya Luke. Nagtawanan na sila bago umalis sa bahay pero bago 'yun sabi pa ni kuya Grey.

"Mas matanda parin kami sa'yo bunso kaya kami ang masusunod."

Sa University...

Dumating ako sa room wala pa si Sir. Napaaga ata pasok ko. Naabutan ko lang si Beatrice at ang iba pa namin na classmate mga nasa 10 pa lang to be exact.

"Ow, ang aga ata ni nerd pumasok opps kunwari nerd pero nakikipagflirt naman, know that guys?" Agaw pansin ni Beatrice.

Pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Wala naman ako mapapala sa pagpansin sa babae na 'yun.

Hanggang sa dumating na rin si Leslie.

"Waaaaaaaaaah I miss you Dana, nakakamiss 'yang pangsnob mo sa akin," may pagtatampo sa boses niya, pero tinaasan ko na lang siya. Seriously kailangan niya pang ipagsigawan. Nagkasalubong naman kami ng tingin ni Beatrice pero tinarayan lang ako.

Ilang pag-aantay pa ay dumating na rin si Sir. Alvin.

"Good morning Class," bati niya sa amin.

"Good morning Sir. Alvin," sabay-sabay naming bati.

"Again class wala pa naman akong ituturo, I just want to inform all of you na sa Friday na ang activity niyo by partner then pag nagustuhan ko exempted na kayo sa project for—" hindi na ituloy sasabihin ni Sir, dahil biglang dumating si Ulan as usual late na naman siya.

"Sorry again Sir. I'm late," habang napapakamot pa sa buhok niya.

"You may seat Mr.Craus," sabi ni Sir at muling ituloy ang sinasabi kanina.

"Sinasabi ko kanina ay pagnagustuhan ko ang gawa niyo. Exempted na kayo sa Project niyo for 1st Grading."

"Okay Sir," sagot naming lahat.

"Excuse me? Where's Diana Frost?" tanong ng lalaki sa pintuan.

Tinaas ko ang kamay ko bilang pagpapakilalang ako ang hinahanap niya.

"Come with me, pinapatawag ka sa principal Office," huling sinabi niya bago umalis.

"Okay Ms.Frost you may go," sabi naman ni Sir. Habang nakangiti sa akin.

Tumayo na ako at lumabas ng room nagsalita pa si Beatrice ng "Yari ka nerd, buti nga sayo."

Si Leslie mukha namang nag-aalala.  

THE MYSTERIOUS NERD IS A NERDWhere stories live. Discover now