•Ethan PoV•
"Third, okay ka lang lalim ata ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Fourth
"Nahh.. Okay lang ako," sagot ko.
"Iniisip mo pa rin ba si Leslie hindi ka pa rin kumbisido siya si Empress," sabat naman ni Second.
"Hindi naman sa gano'n para kasi ang hina, hina niya tapos bigla na lang siya lilitaw? 2 years tayong nag-antay. Tapos pinaalam lang ni First na hinahanap niya si Empress daming lumitaw," nakakawalang gana kong sabi.
"Pffft— Kalma ka lang tol! Alam ni first anong ginagawa niya," sagot ni Fourth.
"Okay, tss. Nga pala yung about sa Anonymous Gang? Ano na 'yun? Hindi ko pa naririnig lumalaban sila pero nasa Rank 4 sila?" pag-iiba ko ng usapan.
"Yeah, tama ka diyan, 'di ko rin alam, baka nadala ng pera." bale walang sagot ni Fourth.
Pansin ko naman biglang tumahimik si Luke. Tatanungin ko sana ito pero bigla itong tumayo.
"Guys aalis na ako ah! May kailangan lang akong gawin," paalam niya sa amin at tuluyan ng umalis.
"Problema no'n?" tanong bigla ni Fourth.
"I don't know," sagot ko naman dito.
Napagdesisyon na lang kami umalis na rin.
'di pa rin ako kumbisido sa Leslie na 'yan. Wala sa kaniya yung hinahanap ko kay Empress.
Nagkita na kami dati noon. Nakita ko ang braso niya may maliit na tattoo nakalagay "Ems" imposibleng magkamali ako..
•Luke PoV•
Agad akong umalis ng may maalala ako, makulit ka talaga bunso 'di mo sinasabi sa akin tungkol sa A.G na 'yan.
Tinawagan ko si Dana.
Calling Dana.....
Tagal sagutin. Tss
[Bakit Kuya?]
"Hindi ba uso sa'yo bumati manlang? Nga pala uwi maaga bunso may tatanong lang ako," paalala ko sa kaniya.
[Bakit 'di na lang dito?]
"Wag ka na umangal about sa Anonymous Gang 'to, Gang mo 'to diba?"
[Okay.] sagot niya
*toot toot toot*
After 1hour..
Dumating na si Dana.
"What?" tanong niya.
"Alam mo bang ang kaibigan mong si Leslie nagpapanggap na ikaw? Tss." balik kong tanong sa kaniya.
"Then? Wala akong pake," walang gana niyang sabi.
"Hindi lang ang gang namin ang naghahanap sa'yo. May iba lang iba. Hindi ko alam bakit kasi kulit mo," nag-aalala kong sabi dito.
"Okay," sagot niya lang at aalis na dapat pero nagsalita ako.
"Anonymous gang bago mong gang? Wala ka bang balak ipaalam ito kay Kuya Grey at Crayon? Alam mo bang pinaghahanap ka ng gang ni Crayon? Kasi pinatay mo raw ang isa sa member nilang si Je ba 'yun?" habol ko pa rito.
"Wala akong pinapatay, wala akong ginagawa. Alam ko ang bawat ginagawa ko." huling sabi niya bago umalis ng tuluyan.
'Nag-aalala lang ako sayo bunso, kahit gaano ka kalakas 'di ko maiwasan mag-alala' bulong ko.
YOU ARE READING
THE MYSTERIOUS NERD IS A NERD
Teen FictionYung nerd na laging binubully at inaasar ay mas malakas pa pala sayo. Isang tingin niya lang mapapataas na agad ang balahibo mo sa katawan. Yung lamig ng boses niyang di mo hihilingin mapakinggang dahil lalamigin ka talaga. Now lets the story begin...
