•Dana PoV•
Pagkagising ko mula sa pagkakakdlip 3pm na. Nagbihis ako dahil hindi pala ako nakapagpalit kanina.
3:30pm ng umalis ako sa bahay para mameet ko si Rain sa pagpractice namin para sa project namin sa Mapeh.
"Yow!" tawag pansin sa akin ni Rain.
Dumating na pala siya, nakalapit pa siya ng 'di ko namamalayan. -,-
"Ano nga pa lang balak mong gamiting instrument?" tanong niya sa akin.
"Piano."
"Nice. Okay dahil partner tayo. I think mas okay lang duet na kanta ang kantahin natin, what do you think? Para mas mataas pa makuha natin na grades kay Sir."
Haba ng sinabi niya e, napakaikli lang naman ng mga sagot ko rito.
"Okay." 'yan na lang sinagot ko.
"Destiny na lang kantahin natin," nakangiti pa nitong request.
"Okay."
"Alam mo nerdy wala naman bayad ang pagsasalita mo kaya h'wag ka mahiya okay? Alam kong pogi ako," sabay kindat niya pa.
Tinarayan ko siya, pogi raw e, di ko naman makita kung saan banda.
"Easy, Chill ka lang. Taray mo Nerdy." Habang inaayos niya ang laptop? Gagawin niya sa laptop niya?
"Halika ka rito nerdy, pakinggan natin ng sabay 'yung kantang Destiny, alam mo maganda 'to promise then kabisaduhin mo na lang ang line mo." Nakatingin pa rin siya sa laptop niya habang sinasabi 'yon.
Ano pa nga ba magagawa ko? Edi tumabi na ako ayoko naman makipagtalo o makipag daldalan pa sa kanya. Bahala siya magsalita.
Nang tignan ko siya, mahabang pilik-mata, mapupulang labi, magulong buhok, matangos ilong—
"Sabi ko nerdy, pakinggan mo yung kanta hindi ang titigan ako at hindi ko sinabing kabisaduhin mo itsura ko yung kanta intindihin mo." Seryoso niyang sabi habang pinapakinggan ang kanta at pinapanood.
'Kapal' bulong ko
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
"Narinig ko 'yun nerd ah,"
Shit! Bakit ganito tibok ng puso ko letche kasi 'tong lalaki masyadong nanggugulat.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinakinggan mabuti ang kanta.
Hmmmm maganda nga nakakaenjoy.
Matapos namin pakinggan ni Rain ng paulit-ulit ang kantang Destiny ay naisip na namin umuwi.
Umuwi akong wala pa rin sila kuya mga 6pm na rin, baka may pinuntahan pa. Kaya naman minabuti ko na lang muna umakyat sa kwarto ko.
Pero bago 'yun ang mokong na si Rain ginulat na naman ako sa sinabi niya -,-
Inalok niya kasi pa akong ihatid, sana.
-Flashback-
"Hey, Nerdy magpractice ka ah, nga pala hatid na kita?" Alok sa akin ni Rain.
*DUGDUGDUGDUGDUG*
Hindi ko pinahalatang nagulat ang puso. OA na pati puso dahil sa mokong na 'to.
Nang biglang....
*ringgggggggggg*
Phone niya tumunog kaya naman sinagot na lang muna 'yun. Ako naman niligpit ko ang nilabas kong gamit.
Tinignan kong muli si Ulan este Si Rain, nakita ko siyang tuwang-tuwa sa kausap niya.
Hmmm.
Ba't may part sa akin biglang nainis tsk.
Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita tapos na pala siya makipag-usap.
"By the way nerdy, pasensya na ah, hindi na kita mahahatid sainyo, emergency lang, don't worry wala naman magbabalak pumatol sa'yo, bye!" Paalam niya na sabay takbo pabilis.
- END OF FLASHBACK -
Ewan ko sa sarili ko baki ako nainis bigla sa Ulan na 'yun. Tss
Natulog na lang ako kahit 'di kumain bukas tuesday, grabeng monday ang nangyari sa akin ngayon.
Una yung pangbubully sa akin ng mga bitches.
Pangalawa nasaba pa. Then partner si Ulan pa. And lastly lagot ako kila kuya na naman...
YOU ARE READING
THE MYSTERIOUS NERD IS A NERD
Teen FictionYung nerd na laging binubully at inaasar ay mas malakas pa pala sayo. Isang tingin niya lang mapapataas na agad ang balahibo mo sa katawan. Yung lamig ng boses niyang di mo hihilingin mapakinggang dahil lalamigin ka talaga. Now lets the story begin...
