CHAPTER 15 : IMPOSTOR

412 8 5
                                        


  •Rain PoV•

Shit! Shit! Shit! Nakita ko na si Empress, Classmate ko lang pala siya ngayon.

Naalala ko pa noon, nagpapraktis kami ni Nerdy sa park nagtext sa akin 'yung inutusan ko para hanapin si Empress. Tinawagan ko pa nga 'yun. Malapit lang pala sa akin si Empress nakakasama ko na pala hindi ko manlang alam.

"Rain..."

Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya. Mahal ko na ata siya.

"Leslie... Nandiyan ka na pala, tara na?" aya ko sa kaniya.

"Yes," nakangiti niyang sabi. Nasa H.Q kami ngayon kasama ang gang ko.

Oo tama kayo ng basa si Leslie na kaibigan ni Nerdy pala si Empress. 2 years kong kasama pero ngayon ko lang nakilala. Nagtago lang daw siya kasi ayaw niya ng lumaban.

Naniniwala naman ako, ang tagal ko siyang hinanap kaya ayoko na pakawalan siya.

Si Ethan, Allison, at Luke. Alam kong hindi sila kumbinsido. Wala naman akong pake basta si Leslie ay si Empress nasa kaniya ang panyong binigay ko noong naglalaban siya.

Nakita ko 'yun noong naglalakad siya. Kaya alam ko.

Si Nerdy? Akala ko siya si Empress kasi yung pakiramdam ko noon kay empress pagkasama siya yun ang nararamdaman ko.

Ewan ko iba pakiramdam ko kay Nerdy, iniiwasan ko na siya para kay Leslie na lang tumutok.

Nangako ako kapag nakita ko na si Empress siya lang mamahalin ko. Wala ng iba.

Aaminin ko parang nagugustuhan ko na si Nerdy pero hindi pwede may Empress na ako.

Bawat tingin namin na nagtatama ni Nerdy parang ayaw ko ng tanggalin.

Gusto ko na siya pero lumitaw si Empress at ewan ko. Kahit nandiyan si Empress 'di pa rin nawawala ang nararamdaman ko.

Tama nga kailangan ko lang umiwas.

"Rain, okay ka lang ba? Natulala ka ata?" tanong ni Leslie kaya naman natauhan ako.

"Okay lang ako, h'wag ka mag-alala," sagot ko dito habang nakangiti.

Hindi ko na lang iisipin si Nerdy.  

THE MYSTERIOUS NERD IS A NERDWhere stories live. Discover now