CHAPTER 18 : PAG-AMIN & KATOTOHANAN

454 8 2
                                        


  •Dana PoV•

Kailangan ko na gumawa ng aksyon. Tss may dapat na akong gawin.

Sino ang nagpapanggap na Je.?
Sino ang nagtetext at tumatawag sa akin?

Kailangan ko ng makipagtulungan kila kuya Luke at Crayon. Kailangan ko ng lumabas bilang Empress kung hindi maraming mapapahamak. Mapapahamak si Leslie sa kalibangan niya.

Calling Sapphire....

*ringggggg...*

Isang ring pa lang ay sinagot niya na agad ang tawag ko.

"Sa U.G Head Quarters, sabihan mo sila Diamond at Emerald, 4pm," utos ko rito tsaka pinatay na ang tawag hindi ko na hinintay ang sasabihin niya.

Calling Kuya Luke..

*ringgggg ringggg ringggg*

Tatlong ring bago sagutin, tss nakikipagflirt na naman ata ito sa mga babae niya.

"Ow, Hello Bunso napatawag ka ata? May kailangan ka?" Sagot nito sa tawag ko.

"4pm sa U.G Head Quarters isama mo ang BWG then si Kuya Crayon," utos ko at pinatay ko na ang tawag. Mukhang nakakaistorbo ata ako sa ginagawa nila nung babae. Tss lalaki nga naman.

11am pa lang naman hindi na ako papasok. Pumunta akong mall para sa susuotin ko bilang Empress. Maliit na rin naman ang iba kong gamit. Make-up then another things na gagamitin ko.

Nasa mall ako nang may maramdaman kong may sumusunod sa akin. Tss masyado silang pahalata.

Binilisan ko maglakad hanggang sa makapunta ako isang lugar ng Mall na wala masyadong tao. Nakatalikod lang ako pinapakiramdaman ko sila. Naramdaman kong susugod ang isa sa kanila ay humarap na ako at inunahan ko ang susuntok sana sa akin.

'Aww,' bulong ko napalakas ata. Ngayon na lang ako lumaban tss. Exercise ko na rin 'to. Sampu sila tapos ako lang mag-isa? Walang kwenta.

Sumugod na sila. Suntok, tadyak ang ginagawa ko sa kanila. Hindi man lang ako nagalusan sa ginagawa nila. Ni hindi nila ako matamaan. Mabilis pa rin pala talaga ako sa labanan. Hindi ako tinawag na Empress dahil sa wala lang.

Agad akong umalis sa lugar na 'yun. Matapos ko mapabagsak ang lahat. Nabili ko na lahat ng kakailanganin ko. 2pm na rin ng makapunta ako sa U.G H.Q dito na ako dumiretso pagkagaling ko sa Mall.

Inihanda ko na ang sarili ko. Tinanggal ang Nerd Glass. Nagmake up ng dark. I love black so wag na kayo magtaka. Sinuot ko na ang hood ko muna tss hayaan ko silang magulat sa madadatnan nila.

•Rain PoV•

"Hey may gagawin ba kayo ngayon?" Bungad na tanong sa amin ni Second/Luke na kararating lang.

"Wala namana/Bakit?" - Third&Fourth

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Actually nandito si Leslie kasama ko. Tahimik lang siyang nakikinig.

"Sumama kayo sa akin," nakangiti nitong sabi.

"Bakla ka ba second?" Serysong tanong ni Third.

"Ulol," bigla nitong sabi.

"Bakit naman kami sasama sa'yo?" Biglang tanong ko kaya napatahimik sila.

"Importante 'to—" 'di niya na natuloy sasabihin niya ng sumulpot ang isang lalaki.

"Tol, saan ba tayo pupunta?" Tanong nito kay Luke sabay tingin sa amin.

"Teka lang tol, sila rin kasi sasama ko." Sagot nito sa lalaki.

"Sumama na kayo," sabi sa akin ni Leslie habang nakangiti. Napangiti na lang din ako ng pilit sa kaniya.

"Sumama ka na rin Leslie," biglang sabi ni Luke.

"Bakit kailangan niya pa sumama?" Tanong ko naman.

"Basta malalaman mo rin..." Sabi niya sabay kindat. Nandiri naman ako bigla sa ginawa niya.

Tumayo na ako at tumayo na rin sila. Mukhang seryoso naman siya. Pag ito pinagloloko kami babangasan ko mukha nito. Sumakay na kami sa kaniya kaniya naming sasakyan si Leslie sa akin sumabay. Si Ethan/Third at Allison/Fourth may sarili silang kotse.

Sinundan na lang namin si Luke habang nagdadrive.
3pm na pala.

•Dana PoV•

Malapit na mag 4 okay na ako. Handa na ako.

Unang dumating sila Sapphire, Diamond at Emerald ang gang ko.

"OMG! We miss you Empress!" Yakap ni Emerald sa akin.

"Buti naman nagpakita ka na, lalo kang gumaganda ah" nakangiti nitong sabi at yumakap din.

"Nakakainis ka Empress lagi mo akong pinapatayan sa tawag," parang pagmamaktol ni Sapphire.

"I miss you all." At niyakap ko rin sila ng pabalik

* Ting Ting Ting *

Tumunog ang sound system hudyat na nandito na ang mga hinihintay ko.

Nagbitaw-bitaw na kami sa yakap. Si Sapphire na ang inutusan kong magbukas ng Gate.

Umupo ako sa doon sa table ko. Nakahood at tumalikod sa kanila.

•Rain PoV•

Malayo layo na ang dinadrive namin. Malayo sa lugar at mukhang tagong lugar ito.

Umistop na si Luke kaya inihinto ko na rin o namin ang mga kotse namin.

U.G Head Quarters? Anong ginagawa namin dito?

Sinundan namin lang si Luke. Nasa pinto na kami may ginawa pa siya doon bago magbukas. Sinalubong kami ng isang babae.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad kahit naguguluhan ako. Tss ano bang meron.

Pumunta kami sa isang kwarto ay may naabutan kaming tatlong babae. Alam ko hindi lang ako ang naguguluhan. Pati ang kasamahan ko pa pwera lang kay Luke.

"Empress nandito na silang lahat," sabi ng babaeng sumalubong sa amin.

Siya si Empress? Si Leslie si Empress. Nang tignan ko si Leslie ay nagulat ito. Mukhang di niya rin inaasahan.

"E-empress? Ikaw ba 'yan? 'yung totoong Empress?" Tanong ko na medyo gulat pa.

"Yes." Tumayo bigla ang balahibo ko sa lamig ng boses niya.

Niloloko lang pala ako ni Leslie. Pinaglaroan niya ako. Nainis ako bigla sa nalaman ko. Pero kinokontrol ko pa rin ang sarili ko.

"B-bakit mo kami pinatawag? Bakit ngayon ka lang lumitaw? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ng kasama ni Luke na lalaki.  

THE MYSTERIOUS NERD IS A NERDWhere stories live. Discover now