CHAPTER 12 : PERFORMANCE

449 13 0
                                        




•Dana PoV•

Maaga akong nagising para mag-ayos. Friday ngayon. Final activity/project sa mapeh. Ang kulit nga 2weeks pa lang ganiyan na ginawa ng adviser namin, ang lupet.
*sarcastic voice*

Wala akong dinalang intrument. Si ulan naman daw bahala na sa tugtog basta kakanta kami. Duet nga e.

"Hey! Nerdy!" tawag sa aking ng lalaking boses. Pagtingin ko sa likod. Si ulan lang pala.

Tinuloy ko na lang ang maglakad, hinayaan ko siyang habulin ako.

"Ready ka n-na ba ner—dy?" medyo hinihingal niyang sabi.

"Yes." sagot ko.

'di na siya umimik pero sabay kaming naglalakad papuntang room. Wala pa naman masyadong estudyante.

Nang makarating kami sa room mga apat lang naabutan namin. Umupo na kami sa upuan namin. Pero yung pakiramdam ko kakaiba, pag nandyan si Ulan.

Ilang minuto rin ang inantay namin bago nagsidatingan ang iba pa naming classmate at ang adviser namin na si Sir. Alvin.

"Good morning! Class," bati ni Sir. Mukhang masaya siya ngayon.

"Good morning din Sir!," bati naming lahat.

"You may seat, get ready to your performance guys." nakangiti nitong sabi.

"Nerdy, okay na ah basta tulad ng napanood natin gano'n gagawin natin," paalala pa ni ulan.

"Okay," sabi ko.

Isa-isa ng nagtawag si Sir by partner.

Hanggang...

"Ms. Marvell and Mr. Smith," tawag ni Sir. Tumayo naman sila at pumunta sa harap.

"Kakantahin po namin Sir, tadhana." nakangiting sabi nito.

Sinimulan na ni Ethan maggitara habang si Beatrice naman ay kakanta na.

[Insert tadhana Song]

Maganda, maganda ang pagkakanta nilang dalawa. Ramdam mo talaga ang kanta. Hmmm bagay sila.

Pagkatapos nila kumanta ay nagpalakpakan ang lahat.

"Okay nice performance, next Ms.Garcia and Mr. Park."

Tumayo naman sila at pumunta sa harap.

Halatang kinakabahan si Leslie napailing na lang ako bagay sila.

[Insert song : A Thousand Years]

Nang kumanta sila ay tumahimik ang paligid. Parang sila talaga ang kumanta ng kanta.

Ni hindi namin naramdaman natapos ang kanta.

"Whoa ang ganda ng kanta niyo, thank you for the beautiful performance, next Ms. Frost and Mr. Craus," nang tinawag kami ni Sir.

Tumayo na ako, tinignan ko ang iba mukhang natatawa na pero pinipigilan lang nila. Isa akong nerd ano pa bang aasahan ko?

"Hayaan mo na sila, galingan na lang natin," pagpapalakas ng loob ni ulan sa akin.

*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*

Bumilis naman ulit tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya inimik.

[Insert Song : Destiny ]

Nang simulan tumugtog ni Ulan hindi ko na pinansin ang puso ko. Abnormal lang ata ngayon.

Sa buong pagkanta siya lang ang nakikita ko, parang kami lang ang tao. Nakatingin ako sa mata niya ganoon din naman siya. Ewan ko pero 'di ko kayang tanggalin ang tingin ko sa kaniya.

Nalaman lang namin na tapos na kami. Nang makarinig ako ng malakas na palakpakan ng tumingin ako sa kanila. Nakatayo sila pati si Sir na kanina lang ay nakaupo except kay Beatrice.

"Perfect match Mr. Craus and Ms. Frost. Thank you na amaze ako sainyo," bati sa amin ni Sir.

Umupo na agad ako sa upuan namin pagkatapos sabihin ni Sir 'yun.

"Bukas ko iaannounce ang result ng activity niyo. Thank you sa lahat ng nagparticipate." - sir

Pagkatapos no'n ay dumating naman si Kuya Crayon.

"Ahm excuse Sir? May I excuse Ms. Frost," - kuya.

"Yes, sure. Ms. Frost makakalabas ka na," nakatingin na sabi nito sa akin.

Palabas pa lamang ako ng room ay bulong-bulungan na agad ang narinig ko, bumulong pa sila kung ipaparinig din naman.

Nang tuluyan na ako lumabas ay agad nagsalit si Kuya Crayon.

"Ngayon ang dating ni Dad mamayang 12nn, nagdecide na kaming tatlo na dadaan muna tayo sa mall, 8am pa lang naman." sabi niya pa.

"Okay..." 'di ko naituloy sasabihin ko biglang nagvibrate ang phone ko.

From : 091027*****

See you soon, Empress.

Napahinto ako sa nabasa ko. Napansin namaj 'yun ni kuya.

"May problema bunso?" tanong niya sa akin.

"Wala.... Naman kuya," sagot ko at muling tinuloy ang paglalakad.  

THE MYSTERIOUS NERD IS A NERDWhere stories live. Discover now