•Dana PoV•
What the hell? Pumayag lang ako bigla na akong hinila ng Ulan na 'to palabas ng university. Agaw eksena rin nainggit ata kay Allison tss.
"Pag ako dinala mo sa walang kwentang lugar malalagot ka sa akin," naiinis kong sabi.
"Don't worry alam kong magugustuhan mo 'to. Pero bago 'yan may gusto muna akong puntahan," sabi niya sabay kindat sa akin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hinayaan siya kung saan niya ako dadalhin.
Sumakay na kami ng Kotse niya. Hmmm not bad.
"Nagustuhan mo? Hayaan mo dito kita isasakay araw-araw," banat niya sa akin. Mapapaewan ka na lang talaga. Tss. Nakakaubos ng pasensya 'tong ulan. Tumahimik na lang ako. Ayoko makipagdaldalan sa kaniya baka kung ano pang masabi niyang kakornihan.
Pumikit ako at nagkunwaring tulog para makapagrelax.
"Dana?" Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nagkunwari pa rin akong tulog.
•Rain PoV•
Ang boring ko sigurong kasama hindi ko manlang napangiti si Dana.
"Dana," tawag ko sa pangalan niya mukhang nakatulog na siya. Tinuloy ko na lang magdrive, sisiguraduhin kong mapapangiti kita ngayon Dana.
•Dana PoV•
"Dana?"
"Hmmmm.." Naramdaman kong may tumatapik sa mukha ko ng idilat ko ang mga mata ko. Nakita kong sobrang lapit ng mukha ni Ulan sa akin. Mukhang nagulat din siya iniangat niya bigla ang ulo niya kaya naman nauntog siya sa kotse niya pffft.
"Aww, shit!" narinig ko pang bulong niya.
"Nandito na ba tayo?" Tanong ko para mapigilan ang tawa ko. Nang tignan ko ang paligid. Nakaramdam ako ng saya. 'yung lugar na ito ang matagal ko ng 'di napupuntahan pero paano niya nalaman?
"Dana, tara may pupuntahan pa tayo pagkatapos dito." aya niya sa akin.
Lumabas naman ako sa sasakyan niya. Hinawakan niya bigla ang kamay ko hihilahin ko na sana pero nagsalita siya.
"Hayaan mo naman maging ganito tayo kahit ngayong araw lang pagbigyan mo sana ako," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nakipagtitigan din naman ako sa kaniya pero hindi ko na kaya. Kaya ako na humila sa kaniya nagtuloy tulo lang kami sa paglalakad habang magkahawak ang kamay. Kita ko naman sa periphal vision ko na nakangiti siya. Kaya namab napangiti na rin ako ng palihim.
Nasa Seminteryo kami ngayon, ewan ko kung bakit niya ako dinala rito.
"Akala ko ba magdadate tayo?" Tanong ko dito.
"Excited ka na ba? Hayaan mo magdadate rin tayo," sagot niya sabay kindat. Bakit kaya hilig niya mangindat sundutin ko kaya mata niya.
Tuloy tuloy lang lakad namin hanggang sa...
"Nandito na tayo," nakangiti niyang sabi.
'Felicity Frost Norway' bulong ko.
Tama pala ang hula. Akala ko mag kakilala lang siya na kailangan namin puntahan pero si Mom pala.
Nagsindi naman siya ng kandila nagulat naman ako saan galing 'yun pati ang bulaklak? Masyado siyang mabilis kumilos ah hindi ko manlang napansin.
"Hello po tita, Kasama ko po ngayon ang pasaway ninyong anak pero h'wag kayo mag-alala mahal na mahal ko po siya kahit mangsnob pa siya ng maraming beses, magpapaalam lang po sana ako na ligawan siya tita. Thank you po," sabi niya sa puntod ni Mom. Nababaliw na ba siya? Seryoso siya? Kinakausap ang patay.
ESTÁS LEYENDO
THE MYSTERIOUS NERD IS A NERD
Novela JuvenilYung nerd na laging binubully at inaasar ay mas malakas pa pala sayo. Isang tingin niya lang mapapataas na agad ang balahibo mo sa katawan. Yung lamig ng boses niyang di mo hihilingin mapakinggang dahil lalamigin ka talaga. Now lets the story begin...
