CHAPTER 19 : SEE YOU AGAIN

437 8 0
                                        


  •Dana Pov•

Naramdaman kong kompleto na sila.

"E-empress? Ikaw ba 'yan? 'yung totoong Empress?" medyo gulat pang tanong ni Ulan. Kilala ko na rin ang boses niya.

Hindi pa ako humaharap sa kanila.

"Yes," sagot ko.

Bigla ulit tumahimik ang lahat. Nararamdaman ko hindi sila okay, at nabigla ko sila sa paglabas ko. Bigla ba naman lumitaw ang tulad kong nagtago ng dalawang taon. Tapos may lalabas ng impostor sinong 'di magugulat?

"B-bakit mo kami pinatawag? Bakit ngayon ka lang lumitaw? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Narinig kong tanong ni Kuya Crayon. Hindi nga pala ako kilala.

Humarap na ako sa kanila at tinanggal ko na ang hood na suot ko. Unti unti akong humarap sa kanila. Isa isa ko sila tinignan. Blangkong tingin. Tingin ng isang Empress. Kitang kita ko sa mga mata ni Leslie ang takot at kaba. Tsk. Bakit niya pa kailangang magpanggap, hindi niya rin naman kayang panindigan? Nang magtama ang tingin namin dalawa. Napaiyak siya.

"P-patawad, p-patawarin niyo ako," biglang lumuhod si Leslie, agad naman siyang nilapitan ni Allison para alalayan umalis at ihatid.

'di naman ako galit kay Leslie naiintindihan ko siya. Unang kita pa lang niya kay ulan ramdam ko na gusto niya ito. Hindi ako galit nag-aalala lang ako bilang kaibigan niya. Si Allison? Alam kong gusto niya si Leslie hindi niya lang masabi. Noong kumakanta sila? Kitang kita ko 'yun.

Naiwan kami ngayon nila Ulan, Ethan, kuya Luke, Kuya Crayon at ang tatlo ko pang member.

"Tinatanong kita. Empress." Muling sabat ni Kuya Crayon. Kitang kita ko sa mata niya ang pagtitimpi at galit. Napangisi ako dahil sa narinig ko sa kanya.

"Dapat hindi ka na lang lumitaw." bulong nito pero bakas pa rin ang inis sa akin.

"Crayon!" Saway ni Kuya Luke. Malamang nasasabi niya 'yun kasi 'di niya naman alam na ako 'yung bunsong iniingatan nila.

Magsasalita pa lang ako ng maramdaman kong may yumakap bigla sa akin. Nagulat ako dahil kay kuya Crayon lang nakafocus ang tingin ko.

"Alam mo bang matagal kitang hinanap? Alam mo bang mahal kita?!" Sabi ni Ulan habang yakap-yakap ako.

"Ehem," biglang sadyang pag-ubo ni Ethan.

Biglang bumitaw si Ulan sa akin.

*DUGDUGDUGDUGDUG*

Bumilis na naman tibok ng puso ko dahil sa kaniya. Tss. Ginugulat kasi ako. Lumayo na ako sa kaniya baka bigla ko na naman makalimutan sasabihin ko.

"Again. Pinatawag ko kayo, dahil gusto kong magpakilala na bilang Empress. Uunahin ko na wala akong pinapatay, kung yun ang inaakala ng Phoenix Gang. Bakit ko naman papatayin 'yung minahal ko? 'yung bestfried ko? Mali natanggap niyong impormasyon, pinagtanggol ako ni Jerald kaya hanggang ngayon ay buhay ako, binalak ko lang umalis bilang gangster dahil ayoko na makipaglaban pero bago 'yun? Nagtraydor ang tatlo kong kagang noon." Mahabang paliwanag ko sa kanila.

Natameme naman sila. Si Kuya Crayon ay bigla kumalma. Sinuot ko ang nerd glass ko para ipakilala kung sino nga ba talaga ako.

"NERDY!/BUNSO!" Ulan at Kuya Crayon.

Silang dalawa lang ang nagulat. Si Kuya Luke at Ethan nakangiti lang sila sa akin pero tinarayan ko sila. Ang kagang ko naman? Nagpipigil lang ng tawa.

"Wtf? Kanina ko pa iniisip paano mapapatay ang Empress dahil sa ginawa niya sa co-gangster ko na si Jerald tapos kapatid ko lang pala si Empress," nanghihinayang na sabi ni Kuya Crayon. Nilapitan naman siya ni Kuya Luke.

"Tol okay lang 'yan. Atleast ngayon. Alam mo na ang totoo kay bunso." Nakangiti nitong sabi.

"Teka? Magkakapatid kayong tatlo?" Tanong ni Ethan, mukhang nagulat. Tumango lang ako.

Bigla naman nagsalita si Ulan.

"Shit! Ikaw lang pala 'yun kaya pala noong kita ko pa lang sa'yo kakaiba na pakiramdam ko, kaya pala kahit nagpanggap si Leslie ikaw pa rin ang iniisip ko,"

Kakornihan na sinabi niya.

"Nakita kitang muli, alam mo bang mahal na mahal kita." Dugtong pa nito.

Wtf. Bakit ang corny niya kadiri. Pero kahit kadiri bakit natutuwa ako?

"Drama mo First!" Tumawa naman sila Ethan at Kuya Luke.

Si Kuya Crayon naman nakatingin sa akin habang nakangiti.  

THE MYSTERIOUS NERD IS A NERDWhere stories live. Discover now