CHAPTER 21 : TWIN BROTHER

453 10 1
                                        



•Jerome PoV•

Nakakalapit na ako kay Dana, akala niya ata hindi ko siya makikilala porket naka nerd siya? Ngayong mas malapit na ako sa kaniya. Mas mababantayan ko na bawat galaw niya. Ipaghihiganti ko na rin ang kakambal kong si Jerald. Kakambal ko si Jerald Anderson, siya ang pumatay sa kambal ko.

-Flashback-

Pupunta ako ngayon sa lugar na tinext sa akin. Nasa panganib daw ang kakambal kong si Jerald naglaban laban daw ang BWG, UG, at Phoenix Gang. Kailangan kong puntahan ang kakambal ko at iligtas siya.

Pagkadating ko sa Lugar? Wala ng gulo. May mga naabutan akong nakahiga na sa lapag pero ang hindi ko makakalimutan, yung ang makitang naliligo sa sariling dugo ang kapatid ko!

"Je!" Sigaw ko at lumapit sa kaniya. Wala siyang malay at wala ng buhay. Umiiyak ako noong araw na 'yun. Nakita ko si Cally no'n.

Nilapitan ko siya. Alam kong nabigla siya.

"Bakit namatay ang kakambal ko!" Pasigaw kong tanong sa kaniya.

"S-si E-empress siya may gawa nitong lahat, pinabalik niya ako sa lugar para linisin ang ginawa niya," may takot na sabi niya.

Si Empress? Pero bakit? Alam kong malapit sila, kaya bakit gano'n?

-End of Flashback-

Dahil sa nangyari na 'yun. Nabuo ang galit sa akin para mapatay ang empress na walang puso na 'yun. Sa tagal kong paghahanap sa kaniya, natagpuan ko na siya.

"Je, ang lalim ata ng iniisip mo?" biglang sulpot ni Cally.

Hindi kayo nagkakamali kasama ko ang Fearless gang. Ang nagtraydor kay Empress. Kasama ko rin sila Beatrice. Lahat sila may galit sa babae na 'yun. Lalong lalo na ako.

"Iniisip ko paano patayin si Empress," walang gana kong sagot.

"Kilala mo na ba siya?" Tanong naman ni Beatrice.

Tss mga walang kwenta kasama na nila pero hindi pa nila nakilala. Sabagay noong unang kita ko rin naman sa kaniya 'di rin ako makapaniwala. Nagtago sa katauhang mahina.

"Yea,"

"Sino siya?" Tanong naman ni Nhezz

Hindi ko na sila sinagot. Ipapaalam ko rin. At alam kong magpapakilala rin naman siya. Hinihintay ko na lang ang text niya, siya pa mismo ang lalapit sa akin.

"Aalis na ako, kailangan ko pang pumasok para sa susunod kong subj." Paalam ko sa kanila.

Naglalakad na ako palabas ng H.Q ng Fearless may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Itigil mo na ang kalokohan mo, ako tumigil na ako sana ikaw rin. Alamin mo muna ang buong istorya bakit namatay ang kambal mo." Sabi nito sa akin. Kahit nakatalikod ako kilala ko siya. Tss. Magpapanggap na lang 'di pa kaya.

"H'wag ka mangealam Leslie, hindi mo pinanindigan, wala kang alam. Hindi ikaw ang nawalan," sabi ko pa rito at nagsimula muling naglakad.

"Wala ka rin naman sa lugar noong mga araw na 'yun. Bakit naniwala ka sa sinabi nila?" habol pa nitong sabi, may tama siya. Napahinto ako.

"Tingin mo bakit papatayin naman papatayin ni Empress ang kakambal mo? Mahal niya 'yun." Huling katagang binitawan niya at umalis na siya.

'Oo napakaimposibleng gawin niya 'yun, pero nagawa niya na kahit napakaimposible.' bulong ko. Hindi pa rin magbabago ang desisyon ko papatayin ko pa rin si Empress tulad ng pagpatay niya sa kambal kong si Jerald.

•Leslie PoV•

Pinayuhan ko na siya sana naman makinig na siya. Hays ang laki ng kasalanan ko kay Rain at Empress.

"Lalim ata ng iniisip mo,"

"Ay Palaka!" nagulat naman ako sa biglang nagsalita.

"Grabe ka naman makapalaka ka! Pffft—" sabi ni Allison habang natatawa pa. Tinitigan ko siya ang gwapo niya.

Napangiti naman ako dahil hindi niya ako hinusgahan sa nagawa ko kay Rain. Kahit kaibigan niya pa si Rain.

"Wala iniisip ko lang kung napatawad na ba ako ni Rain," pagsisinungaling ko sa kaniya.

"H'wag mo ng isipin 'yun. Mabait 'yun ayaw niya nga lang ng niloloko siya pero mapapatawad ka rin no'n intindihin mo na lang siya," pagpapalakas niya ng loob ko.

"Salamat," nakangiti kong sabi.

"Walang ano man," sagot niya sa akin. Tahimik kaming naglalakad hanggang makarating sa room namin. Dalawang araw na nakakalipas noong mangyari yung tagpuan namin sa U.G Head Quarters nakakakaba, nakakatakot. Sana lang mapatawad na nila ako. Napaupo na ako sa upuan ko.

Wala pa si Dana at Rain. Namimiss ko na ang kaibigan kong si Dana. Sana magkaroon kami ng time makapag-usap pa.

•Grey PoV•

Tsk. Narinig ko ang usapan nila Jeroma at Leslie. Malaki pala talaga galit niya sa kapatid ko, tama nga si Leslie ayaw niya muna alamin ang lahat. Masyado siyang binulag ng galit niya. Naiintindihan ko siya nawalan siya pero hindi naman 'yun sapat para maging gano'n siya.

Since first day alam ko na ang lahat. Alam ni Dad ang lahat. Kaya nga inutusan niya ako ayain sila Luke at Crayon mag-aral sa University ng ninong ni Dad kasi alam niyang mangyayari ito.

Our Dad is a Mafia Boss. Yea, alam ko na rin na si Dana ay si Empress pero hindi ko pinaalam para maprotektahan siya tulad ng sabi ni Dad.

-Flashback-

"Grey, Gusto ko ikaw ang magbantay sa kapatid mong si Dana. May mga gustong pumatay sa kaniya," utos ni Dad sa akin. Nabigla ako sa sinabi ni Dad. How come?

"Your little sister is Stubborn lady, you know her, Grey." Sabi pa nito sa akin.

"Okay Dad, I will." Sagot ko rito.

-End of Flashback-

Bakit kasi napakapasaway noon ng bunso kong kapatid. Hays. Busy si Dad sa business namin at the same time sa pagiging Mafia Boss niya. I don't know pero ayoko ng ginagawa niya, sa mata ng iba masama 'yun.

"Tol! Hindi ka pa ba papasok? Tulala ka diyan, miss ka namin ah" kunwaring naiiyak pa sabi ni Luke.

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko na lang maglakad. Tutulungan ko si Dana kahit ano pang mangyari.  

THE MYSTERIOUS NERD IS A NERDWhere stories live. Discover now