Chapter III

4K 339 36
                                    

EIVEREN

"Excuse me, sir." Umangat ang tingin ko sa bagong sekretarya ko. Bakas ang kaba sa tinig niya na para bang nasa isang kulungan siya kasama ng dalawang malaking leon na isang linggo ng hindi nakakakain.

"What?" tanong ko bago muling ibinalik ang atensyon sa mga papeles na nire-review ko.

"Uh, the sponsors had chosen the winner," imporma niya bago tuluyang lumapit sa'kin. May inilapag siyang brown, long folder. Hindi ko 'yon pinansin dahil mas importante pa ang nire-review kong dokumento kumpara sa raffle promo na matagal ng inaawit sa'kin ng media team na pinagbigyan ko naman kinalaunan.

"When's the event?"

"This 19th of September, sir."

"Alright, tell them I'm not coming," desisyon ko. I can feel that Laura, my secretary, is on the verge of telling me the consequence of my absence on the event, but I just plainly don't care. I decided since day one na hindi ako pupunta sa event na 'yon, I already expressed my disinterest. Ano pa bang gusto nila para maintindihan 'yon? Billboard sa EDSA? Tattoo sa noo ko? Ridiculous. "Anything else?" tanong ko dahil hindi pa rin siya umaalis.

"Her name's Maria Natalia Dimalanta, sir," pipirma na sana ako sa isang papeles nang mapahinto ako dahil sa pangalang binanggit niya. "FYI lang po." Humakbang siya isa palayo. "Sige, sir ire-relay ko lang po sa marketing na..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil agad kong kinuha ang folder sa harap ko at binuksan 'yon.

Binasa ko ang impormasyon na may kinalaman kay Natalia, nagbabakasakaling kapangalan lamang niya, ngunit hindi. I continue flipping the pages until my eyes finally landed on her photo.

"Shit," I whispered. "It's her."

"Your ex, sir?" usisa ni Laura. "Ang ganda po niya," komento pa niya. Pinikit ko ang aking mga mata, bumuntong-hininga at dismayadong pinukulan ng tingin ang sekretarya ko.

"No," malamig kong tugon.

"Sorry, sir," nakayuko niyang paumanhin.

Muli kong tinignan ang litrato ng kapatid ni Fifteen, she's joining raffle promos? Like this kind of raffle promos? She doesn't need to, I mean, she's naturally beautiful. I'm betting she got lots of pain in the ass suitors lurking around her. So, why this?

"Recite me the list of the gentlemen attending," sabi ko na lihim ko ring ikinagulat. Why do I suddenly care?

Natataranta namang pumindot ang sekretarya ko sa cellphone niya upang hanapin ang listahan ng mga lalaking dadalo. "Laura," naiinip kong tawag sa kanya.

"Ito na, ito na po," bumwelo muna siya bago nagsimula, "Mr. Castrence," narcissist, "Gatuz," too cute, "Tolentino," cassanova "Juntilla," he's in love with someone he can't have, "Peralta," full of himself, "Rotas," a rumored gay, "Dela Peña" ah, he's like a walking post, "Del Valle," still can't move on with his past.

Nagpatuloy pa si Laura sa pagbanggit ng mga pangalan at sa bawat pagbanggit ay mas lalo akong nagngi-ngitngit.

"Alright, that's enough," agad naman siyang huminto.

"So, are you attending the event, sir?" Hinihingal niyang tanong.

"Yes," kumpirma ko at binalik ang atensyon sa orihinal kong ginagawa.

"Nagbago na po isip niyo?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Iniangat ko ang aking tingin. "Yes." Tumango siya nang marahan, mukhang may namumuong intriga sa isip niya. Women. "Laura, have your early lunch." Bigla siyang napatulala sa'kin, mukhang nagulat.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon