Chapter XXXI

2.5K 169 82
                                    

NATALIA

Malawak ang ngiting nakaplaster sa'king labi nang lumabas ako ng banyo habang inaamoy-amoy ang t-shirt ni Eiveren, hindi pa 'ko nakontento't niyakap din 'to. "Hay, Lalabsko." Kaya marahil masarap ang tulog ko ay dahil dito. Hihihi. Mukhang mawawarak na 'ata ang labi ko sa sobrang lawak ng ngiti ko ngayong umaga. Umikot-ikot pa 'ko sa loob ng kwarto, sinasayaw-sayaw ang walang kamuang-muang na damit. Muli akong ngumiti nang malawak. Nahinto lang nang maapakan ko ang buntot ni Fluffy nang 'di sinasadya. "Oops," I muttered and made a peace sign at her. She hissed at me in response. "Sungit."

Huminto ako sa kahibangan ko't napabuntong-hininga. Naguguluhan na 'ko kay Eiveren dahil sa pagiging unpredictable niya. It seems like he is trying to push me away but always failing in the process. I wouldn't mind though. Not at all. At bakit kailangan pa niyang gawin kung kaya ko pa ring manatili sa tabi niya sa kabila ng nangyari? Alam kong alam niya 'yon.

All he need is help, all he need is someone who will understand him and I'm willing to fulfill the position. Ngunit paano? Paano kung lagi kaming ganito? Paano magkakaroon ng progreso kung ang lahat ng bagay patungkol sa kanya ay parang ikinukubli at ikinandado niya sa isang baul?

Nasa kalagitnaan ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto. Napalundag ako sa gulat. Si ate Fifteen! Agad kong itinago ang damit ni Eiveren sa'king likuran. Napalunok ako nang pinagtaasan niya 'ko ng kilay. Ang ngiti na nakaplaster sa labi ko kanina ay unti-unting naglaho at napalitan ng kaba. Pagdududa. Puno nang pagdududa ang kanyang tingin. Lumapit siya sa'kin at kinuha ang puting t-shirt na hawak ko.

"Eiveren's?" Even if I denied that it is not his, I know she wouldn't believe me. Dahan-dahan akong tumango. Akala ko ay pauulanan na niya 'ko ng mga tanong pero sa bigla ko ay humakbang siya papuntang paanan ng kama ko't nagsimulang inspekyunin ito.

"What is wrong with you?"

"Wala."

"What you are doing don't seem nothing to me." Pinamewangan ko siya, ngunit hindi siya nakinig. Naiinis kong inayos ang mga unan kong kinakalat na niya sa kama ko, ang iba pa nga'y nalaglag na. "Ano ba'ng hinahanap mo?"

"Blood," determinado niyang sagot at muling ininspeksyon ang kama ko.

"Blood?!" ulit ko sa sinabi niya, "What do you mean–" agad akong natigil sa realisasyong pumasok sa isip ko, realisyon kung bakit niya 'to ginagawa. Pakiramdam ko'y namula ang buong katawan ko sa kahihiyan. "Tama na," pigil ko sa kanya. "Ate, tama na!" Muli kong sambit nang hindi pa rin siya nakikinig.

Kung pwede lang maging kumunoy ang kinatatayuan ko upang unti-unting lumubog dito...nakakahiya!

"Ate," pakiusap ko.

Sumunod naman siya ngunit pinatalikod niya 'ko't ineksamin ang likod ko. Sa bandang pwetan! Itinago ko ang pulang-pula kong mukha sa aking palad. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim, mukhang nabuhasan siya nang kapanatagan nang makitang walang bakas ng dugo ang damit ko.

"Survivor talaga si aling Virgin."

"Ohgod," nahihiya kong usal, humablot ng isang unan at saglit na itinago ang aking mukha rito. "What made you think that we..." my voice trailed. My sister's knowing smile is too much, I throw a pillow at her. "We didn't..." I tried to explain but I am literally out of words. Ate Fifteen's shoulder is now shaking. Ugh! "I am not even aware that he was here!" I finally explained.

"Really?" she asked, her laugh finally subsided, though the glint of mischief in her eyes is still present.

Tumango ako. "Na-realize ko lang dahil dito," tukoy ko sa damit na hawak ko, hindi ko napigilang hindi amuyin 'tong muli. "Amoy lalabs ko, eh." Napangiwi siya't puno ng disgusto 'kong pinukulan ng tingin.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon