Chapter XIV

2.9K 231 27
                                    

NATALIA


Makalipas ng maraming minutong paglalakad ay nakarating ako as isang waiting shed. Maya-maya ay may humintong itim na kotse. Napa-arko ang kilay ko. Kanino naman 'to? Hindi naman ako pumara. Hindi naman ako nag-thumbs up for hitchhike and hello, hindi nga 'ata uso 'yon sa Pilipinas.

Binalewala ko lamang ang kotseng huminto sa'king harap at ipinikit ang aking mga mata. Nakita ko tuloy ang imahe ni Eiveren na nakikipaglaro kay Cuddly. Sa imaheng 'yon ay may hawak-hawak na ribbon lace si Eiveren at nilaro-laro niya 'to kay Yuka. Tawa siya nang tawa dahil nafu-frustrate na ang alaga niya, hindi kasi maabutan ng pusa ang tumatakbong ribbon lace. Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa nakakatawang senaryo. Ang cute.

Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti muli? As in 'yong ngiting natural. Hindi 'yong ngiting nang-uudyok, ngiting nang-aasar.

"Hay, Eiveren," bulong ko sa hangin.

Pagkabanggit nito ay may kamay na pumalupot sa balikat ko at kinabig 'yon palapit sa kanya kung kaya't napasandal ako sa isang napakasolidong balikat. Kahit na hindi ko pa idilat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino siya.

"You shouldn't sleep here," nag-aalalang sambit ni Eiveren.

"I'm not," sagot ko. Pinanatili pa ring nakapikit ang mga mata.

"Then what are you doing?" Inayos niya ang kanyang balikat upang makasandal ako ng maayos.

"Imagining."

"Imagining what?"

Lihim akong napangiti. "Nothing."

"Yeah, nothing because it's just me, Eiveren, you're imagining," sarkastiko niyang banggit. Iniangat ko na ang ulo ko't pinisil ko ang tungki ng kanyang ilong, hindi ko mapigilang mapangiti nang malawak nang lumukot ang kanyang mukha. Saglit pa ay lumipad ang tingin ko sa kanyang kotse dahil parang may nahagip na mabalahibong nilalang ang aking mga mata.

"Is that Cuddly?" Natutuwa kong sambit, hinihila-hila ang damit ni Eiveren.

"Oh, shit," bulong naman ni Eiveren nang dumako ang atensyon niya sa tinitignan ko. Tinaas kasi ng pusa ang pagkain sa dashboard ng kotse niya.

Tumayo agad ako at pinuntahan si Cuddly. Dinidilaan na niya ang hapag ng pinagkainan niya. Mukhang naubos na niya ang masarap na putaheng kinakain niya kanina lang. Hindi na 'ko nag-abalang magpaalam pa nang binuksan ko ang kotse ng amo niya.

"Hi, there! Kitty kitty," bati ko sa pa-cute na boses.

"How's my Cuddly?" Tanong ko kay Eiveren na palapit na sa'kin ngayon.

"Ask him," simpleng sagot niya, bakas na naiinis dahil sa kalat na nilikha ng kanyang alaga.

Lumingon akong muli upang tanungin mismo si Cuddly ngunit wala na siya. "Where is he?" Ipinasok ko ang aking ulo sa loob ng kotse dahil baka kung saan lang siya tumalon at sumuot ngunit wala talaga. Oh, Lordie. Kung wala siya rito sa kotse, isa lang ang ibig sabihin nito...nakalabas siya!

No, not here! Hindi pwede sa napaka-abalang kalsada na 'to!

"Yuka?!" Sigaw ko. Natanaw ko siyang tumatawid sa gitna ng kalsada. Nagsisimula nang bumusina ang mga kotseng nagdaraanan dahil istorbo na sa daan ang pusa.

"What happened?" nag-aalalang tanong ng pet owner.

"Please, mamaya ka na magalit sa'kin," agad kong banggit.

Hindi ko na pinakinggan ang sunod na sinabi ni Eiveren dahil hinabol ko na si Cuddly papuntang gitna ng kalsada. Itinaas ko ang kanang palad ko para agad na pahintuin ang mga kotseng papunta sa direksyon ko at bigyan ako sandali ng daan.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon