Chapter XLIII

2.1K 151 206
                                    

NATALIA

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa narinig.

We are going on a date?! A date with Eiveren today? In his amusement park? He brought me there the same night of bidding. Noong naging blind date ko siya! He promised me na dadalhin niya 'ko roon. I didn't expect na ngayong araw na 'to mangyayari. Nakaramdam ako ng excitement at masayang lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya't tumalon-talon.

"Alright, we'll be there soon." Tinapos na niya ang tawag at tinago ang cellphone sa kanyang bulsa. "You're making me dizzy." Agad akong huminto ngunit ang ngiti ko ay nanatili pa ring nakapaskil sa'king labi.

Pupunta kami sa amusement park! Yehey! Isang beses ko lang naranasan na makapunta sa ganoong lugar!

"Let's go." Nauna na siyang lumabas pagkabukas ng elevator. Sumunod ako sa kanya, narito kami sa malawak na basement, iilan lang ang nakaparadang kotse sa bahaging 'to, kapansin-pansin 'to. Sa pagmamasid ay hindi ko namalayang huminto na siya kung kaya't nauntog ako sa kanyang likod. Awtomatiko akong napahawak sa'king noo.

"Are you okay?" tanong niya. Mabilis akong tumango bilang sagot, akala ko ay hahaplusin o hahalikan niya ang aking noo ngunit mali ako! Sa halip ay pumasok na siya sa kanyang kotse at binuksan ang pinto banda sa may passenger seat. "Get in."

Hindi talaga gentleman.

"You need to change your clothes first," pagbibigay-alam niya pagpasok ko sa loob.

"Uuwi muna tayo sa bahay?" tanong ko.

"No," saglit siyang lumingon sa'kin bago niya pinaandar ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" Usisa ko.

"You'll see." Muli siyang tumingin sa'kin. "Your seatbelt please." Mabilis ko namang sineguridad ang aking sarili gamit nito.

Magalaw ang aking hita, hindi rin mapawi ang ngiti sa aking labi. Excited na 'ko! Hihihi.

***

"You don't have to buy me these," ikalimang beses kong ulit habang naglalakad kami sa loob ng mall. Kalalabas lang namin sa boutique shop na pagmamay-ari ng isa niyang kakilala.

Ang suot kong casual whole dress kanina ay napalitan na na ng blue jeans, yellow t-shirt at itim na snickers. "I can buy my own, you know," dagdag ko pa ngunit patuloy lang siya sa paglalakad, nagpapanggap na hindi ako naririnig.

Pambihira. Hindi na nga niya hinahawakan ang kamay ko, snob pa siya! Higit pa rito ay ang bilis niyang maglakad! Hindi ba niya batid na mas mahaba ang biyas niya kumapara sa'kin?

"Uy, gan'to ka ba talaga makipag-date?" mahina kong reklamo, bahagyang humahangos na.

Bigla siyang huminto at humarap sa'kin. "You should know by now that I don't do dates." Iyon lamang at pinagpatuloy na ang paghakbang, iniwan ako sa kinatatayuan ko.

Eksaherada muna akong huminga nang malalim, tumingin sa taas at taimtim na nanghingi ng mahabang pasensya kay Lordie bago siya muling hinabol.

"Then why are we doing this?" I quietly hissed, trying not to make a scene.

"'Because you want it," tipid niyang usal.

"I am not compelling you to do so! Nagbibiro lang ako kanina, hindi ko naman alam na seseryosohin mo."

"I made a promise to bring you there," punto niya, "and," nasaksihan ko ang paglunok niya, "I just want to make you happy," iwas-tingin niyang bulong, narinig ko ang hiya sa kanyang tono. Hindi ko maiwasang mangiti. "Don't," pigil niya agad sa kung anuman ang sasabihin ko. "Don't say anything," mariin niyang sabi.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon