Special Chapter

2.8K 211 14
                                    

FIFTEEN

The day Eiveren and Natalia met...

Tama si Natalia, gwapo nga ang lalaking tinutukoy niya pero mas gwapo si Shinichi 'di hamak, sorry na bias, nobyo ko 'yon eh. Nakatalikod ang lalaki sa kapatid ko kaya malayang napagmamasdan ni Natalia ang likod niya.

Sobrang nagniningning ang kanyang mga mata. Tinamaan na.

Lumingon ang ginoo sa direksyon niya, agad namang umiwas si Natalia ng tingin at nagkunwaring may ginagawa. Napangiti ako, mapag-tripan nga.

"Natalia," tawag ko nang makalapit sa kanya, "nasa'n na 'yong gwapo pero masungit na Event Coordinator na sinasabi mo sa'kin?" tanong ko, ngiting-ngiti, sinadyang lakasan ang boses upang marinig ng crush niya.

Katulad ng inaasahan ay bigla siyang namula. Iniyuko niya ang ulo na parang gustong lumiit, parang chibi version na Maria Natalia Dimalanta. Ilaglag ko ba naman sa harapan ng crush niya eh.

"Nasa'n na nga?" muli kong tanong.

"A-ayon, o," nginuso niya ang lalaking titig na titig sa kanya ngayon. Muling yumuko si Natalia pero hindi niya na 'ata kinaya ang kahihiyan kaya idinukdok na lamang ang kanyang ulo upang maitago ang mukha.

Pagkaharap ko kay Mr. Event Coordinator ay nahuli ko ang naglalarong ngiti sa labi niya ngunit agad ding naging pormal.

"Interesting," bulong ko sa sarili.

Pinasadahan ako ng ginoo ng tingin. Malamang ini-expect niya na ang ate ni Natalia ay babaeng-babae katulad ng desenyo ng shop na ito. Pero hindi. Dahil balik boyish ang porma ko ngayon.

"Ms. Dimalanta, nice to meet you," nakipagkamay siya na pormal ko namang tinanggap. Lumakad ako papunta sa maliit na reception area namin at iginiya siya sa pag-upo, ganoon din ako.

"You are?" tukoy ko sa kanyang pangalan.

"Eiveren Cross." Bahagya akong lumingon kay Natalia na pasimpleng nakikinig sa'min. Bumuka ang bibig niya, 'Ang gwapo rin ng pangalan, ate!' ngunit walang boses. Natawa ako sa kanya, lumingon si lalaki sa direksyon na tinitignan ko kung kaya't nahuli niyang tinitignan siyang muli ni Natalia.

But Eiveren Cross. I knew him, I read some articles from business magazines and gossip blogs about him. He's more than an Event Coordinator.

"So, what took you here?" umayos muna siya ng pagkaka-upo bago nagsimula.

Galing daw siya sa isang kilalang kompanya na kung saan puro mga events ang inaayos: Weddings, anniversaries, debuts, birthdays etc. Naghahanap sila ngayon ng panibagong flower shop na kayang i-supply lahat ng kailangan nilang bulaklak.

Umamin din siya – na siya mismo ang may-ari ng kompanyang 'yon. Personal lang siyang pumunta dahil gusto niyang makita mismo itong shop na ang mismong Mommy niya ang nagrekomenda. Nang binanggit niya ang pangalan ng kanyang ina ay natuwa ako, si Mrs. Jade Eloise – napakahilig niya sa bulaklak sa kabila ng pagkawala ng paningin niya, hindi ko akalain na kaharap ko na ang anak niya.

Pero ang pinagtatakhan ko, bakit Event Coordinator ang pagpapakilala niya kay Natalia? Hindi na lang may-ari ng isang event company? Subsidiary nga lang nila ang kompanyang 'yon sa pagkakaalam ko, na CEO siya at marami ring kompanyang hawak katulad ni Shinichi.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon