Chapter XXVII

2.3K 190 76
                                    

NATALIA

Matapos magbihis ay hindi agad ako lumabas ng banyo. Ineksamin ko muna ang mga bagay na nakikita ko rito sa loob. Kinikilig kong inamoy ang sabon niya na hindi ko matukoy ang pangalan—halatang mamahalin! Maski ang shampoo niya ay parang galing pa ng ibang bansa. Sunod kong tinahak ang Counter top niya at tinignan ang sarili sa salamin. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mukha ko, ang buhok ko naman ay masiyadong magulo. Kinuha ko ang itim niyang suklay at ginamit ito, nangigiti dahil nahawakan ko na rin sa wakas ang isa sa mga bagay na ginagamit niya araw-araw.

Habang nagsusuklay ay inilapit ko ang tingin sa mga pabango niyang nakahilera, sa mga shaving cream, razor at kung anu-ano pa. Binabasa isa-isa ang mga brands nito. Medyo sumakit lang ang ulo ko dahil ang iba ay nakasulat sa banyagang lenggwahe. Kung hindi ako nagkakamali ay French iyon. Speaking, ano nga ba ang lahi ni Eiveren? Ah, kailangan ko na talaga siguro siyang i-google.

Binuksan ko rin ang drawer na nasa tapat ko.

"Shit," munti akong napasinghap dahil sa mga pulang sachet na nakita ko. "Shit," kinakabahan ko pang ulit at agad na sinara iyon. Napahawak ako sa'king dibdib. Did I just saw a sachet of condom? Para makumpirma ay unti-unti kong binuksang muli ang drawer. Ugh, confirm. Nanginginig ang aking kamay nang kinuha ko ang sachet, at dito ay nakita kong marami pa pala itong kasama. Tatlo...lima...pito...ayoko ng bilangin.

Strawberry flavor? Napangiwi ako. Kailan siya huling gumamit nito? Nagdadala ba siya ng mga babae rito?

"Pambihira." Sa iritang mabilis kong nadama ay hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagsara ng drawer.

"Natalia?" Tawag ni Eiveren mula sa labas. Oopps. "Are you o—"

"—ay tipaklong!" halos magkasabay kaming nagsalita ngunit agad ding natahimik, marahil ay nagulat siya sa bigla kong pagtili. "I'm okay," pigil-hininga kong sambit at pasimpleng tinago ang aking palad sa likod. Gusto kong sumigaw. Bakit ba kasi napalakas ang pagsara ko? Higit sa lahat, bakit hindi ko nabalik sa drawer ang condom na hawak ko ngayon?!

"Natalia," sabi niya sa nagbabantang-tinig. Nanliit ang kanyang mga mata, nagtataka sa inaakto ko. Tumingin ako sa kisame, naghahanap ng butiki upang mailibang ang sarili na agad ding nahinto nang marinig ko ang paghakbang niya. Palapit sa'kin.

"I said, I'm okay," ulit ko pa. Ayaw niyang maniwala sa'kin, bakas iyon sa ekspresyon niya. Napatuwid na 'ko ng tayo. Gusto kong humakbang palayo sa kanya. Gusto kong tumakas. Gustong-gusto ngunit parang nasemento ang mga paanan ko. Hindi ko makuhang gumalaw.

"Give me your hand," utos niya't inilahad din ang kanyang kanang kamay.

"Pakakasalan mo na 'ko?" Sinubukan kong magbiro ngunit dumilim lamang ang kanyang awra. "Jujuk lang." Alangin at dahan-dahan kong nilabas ang kaliwa kong kamay.

"The other," tukoy pa niya sa isa dahil wala naman siyang nakitang kahit ano sa kaliwa kong kamay.

Ibibigay ko na ang isa ko pang kamay nang mabilis kong itinuro ang kisame "May butiki!" Ngunit—aaah! Hindi siya uto-uto! Hindi siya lumingon!

"I don't have time for this," medyo naiinip na niyang sambit.

Oh, Lordie! What to do? Masiyado na 'kong nanghihimasok sa privacy niya! Nakakahiya! Pwede po bang lumubog na lang ako? Lamunin ng inaapakan ko ngayon at iluwa na lang sa mismong kwarto ko?

"Natalia." Napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry." Dahan-dahan kong inilabas ang nakasara kong kamay.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon