Chapter XLVIII

2K 172 135
                                    

NATALIA

Eiveren's about to rain me his delicious kisses when Eva started banging the office door violently.

"You have got to be kidding me," naiinis na bulong ni Eiveren bago unti-unting pinakawalan ang pulsuhan ko't nagbigay ng distansya sa pagitan naming dalawa. "Why are you here? Why is she here?"

Agad kong nilabas ang cellphone niya't ibinigay 'to sa kanya. "Naiwan mo," bumaba ang tingin niya sa hawak ko't tinaggap naman ito. "Nagpasama lang ako kay Eva tutal magkasama kaming magla-lunch ngayon," salaysay ko.

"You don't have to do this." Nilagay niya sa kanyang bulsa ang cellphone niya't mataman akong tinitigan. I know he is already scolding me on the back of his mind. "I could've come over."

"Pwede namang mag-thank you na lang," nagtatampo kong sabi.

"Here," he drops a kiss to my forehead and skip to the side of my neck, inhaling my scent, "ah, this reminds me," he whispered, "I bought a bottle of jasmine oil."

"Jasmine oil?" Tumango siya't makahulugang ngumiti sa akin.

Bigla kong nanghina sa sinabi niya ngunit hindi ko iyon pinahalata. "Which reminds me," balik kong sambit, "bumili ako ng bakal na underwear kanina," pagsisinungaling ko.

"Tss," tanging tugon niya ngunit itinago ang mukha sa gilid ng aking leeg at doon nagpakawala nang mahinang tawa.

Hay, ang sexy talaga.

"Payakap nga," I snake my arms around his waist. "Labyu," muli kong narinig ang pagtawa niya. "Kailan mo ba 'ko gagantihan ng labyutoo?" Alam kong wala siyang isasagot dito kaya mabuti na lamang aY nasagip siya ni Eva.

"Hoy, Natnat!" Dinukdok ko ang aking ulo sa dibdib ni Eiveren, bahagyang dismayado dahil nasira na naman ang moment naming dalawa. Tama, may similarities silang dalawa ni Mason. Panira. "Nandito pa ako, o! Bakit ba ang hilig mong kumalimot ng kaibigan?" puno nang hinanakit niyang sambit.

"God, she's too loud," reklamo ni Eiveren bago binuksan ang kanyang opisina. Binaba niya ang tingin kay Eva, si Eva na mukhang hindi man lang nai-intimidate sa presensya niya. "Here's your Natnat." Eiveren guided me towards my friend, pronouncing my nickname with a trace of disgust in his voice.

Pambihira. Kailan ba niya tatanggapin na parte na ng buhay ko ang nickname ko?

"See you later, Natalia," paalam ni Eiveren, "and don't bring her here again," paalala niya pa bago sinara ang pinto.

"Really." Hindi makapaniwalang sambit ng kaibigan ko at nagtangka na namang kalampagin ang pinto, mabuti na lamang at agad ko siyang napigilan bago pa man siya tuluyang magwala. Nagpaalam na 'ko kay Laura at hinila si Eva papasok ng elevator. "How could you like him?!" reklamo niya. "My twin is way better than him! Ang bastos niya!"

"He is a good guy," pagtatanggol ko kay Eiveren.

"Good guy? 'Yong gano'ng ugali, good guy?" himutok niya.

"Relax," pagpapakalma ko sa kanya, "Pinagseselosan niya kasi si Adan," paliwanag ko, "and he doesn't like people calling me Natnat," dagdag ko pa.

"Then that's his problem!" katwiran niya, parang anytime ay sasabog na siya. Bakit ba ang highblood niya ngayon? Siya nga ang dapat kong ginigisa ngayon, eh. Sa inis niya ay binilisan niya ang kanyang lakad pagbukas na pagbukas pa lang ng elevator. Nang makaabot kami sa lobby ay bigla siyang nahinto. Parang na-estatwa.

"What now, Eva?" takang tanong ko dahil bigla na lamang siyang nagtago sa likod ko. Challenge pa dahil hindi naman kami magka-height, dumagdag pa ang heels na suot niya. "Eva," umikot ako upang makita siya nang maayos ngunit mabilis niyang nahawakan ang balikat ko't pinandigan ang pagtatago sa'king likod. "What is wrong with you?"

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon