Chapter XL

1.7K 151 88
                                    

NATALIA

I am carefully punching the codes of Eiveren's penthouse, kinakabahan ako, hindi niya alam na pupunta ako ngayon at higit sa lahat ay wala siyang ideya na alam ko na ang password niya!

Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Gising pa kaya siya?

Nang makapasok ay inilagay ko sa shoe rack ang tsinelas na hiniram ko. Hindi naman kasi bumalik si Mason. He told Eiveren that he will buy me new pair of shoes, right? Sinabi lang niya siguro 'yon para makatakas.

Bigla akong napatalon nang may mabalahibong nilalang na lumapit sa paanan ko. I smile and crouch at Cuddly, greeting him with my embrace. "How are you?" I crooned, rubbing my nose against his nose. He stuck out his tongue and licks my chin. Napabungisngis ako. "Sweet!" Nanggigil kong sabi habang pinanggigilan ang kanyang mukha. Gusto ko na siyang lamutakin sa sobrang ka-cute-an niya. Nang maramdamang nagiging unkumportable na siya sa panlalamog ko sa kanya ay napagpasiyahan kong pakawalan na siya. Pinagpagan ko ang ilang balahibong kumapit sa damit ko.

Eiveren's place is eerily silent tonight, I notice. Parang walang nakatira. Ang liwanag lamang mula sa buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa lugar.

I suddenly felt alone.

Binaba ko ang aking bag sa mahabang couch bago nagpatuloy sa paghakbang papunta sa kinalalagyan ni Eiveren. Madali ko siyang nakita. His chest is heaving up and down, a sign that he is thoroughly asleep. Parang walang nagbago katulad nang pag-iwan ko sa kanya kaninang madaling araw. Naglakad ako palapit dahil nangangati na 'kong mahawakan siya nang bigla akong matapilok at muntikan nang masubsob sa kama ni Eiveren.

"Seriously?" I hissed, looking defiantly at Cuddly—who I am not aware—that is silently following my trail.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ang mga nagkalat na rolyo ng tissue. Ang ilan ay gula-gulanit na, bakas na nabiktima ito nang mapaminsalang kuko at ngipin ng pusang walang humpay na sunod nang sunod sa'kin ngayon.

Huminga ako nang malalim at inintindi na lamang siya. "You should behave, you know," I whispered, patting the feline's head. "Your human's not feeling well to look after you." He answered me with his cute, loving, meow. "Good." Mabuti naman at nagkakaintindihan kami.

Umupo ako sa tabi ng amo niya't sinipat ang kanyang noo upang pakiramdaman ang kanyang temperatura. Echo's right, he is getting well. I move my head and rewarded him a chaste kiss on his lips. I shiver and whisper, "I love you." Napangiti ako sa'king sarili.

I can now tell him that I love him, no holds barred.

I stand up, roam my eyes at his cluttered place, and decided to pick up the feline's mess instead.

"Cuddly," awat ko. Pilit niyang kinakalkal ang mga tissue na nilalagay ko sa trash bin kaya binigay ko na lamang sa kanya ang manipis na rolyo ng tissue na nakita ko sa tabi. Kumagat naman siya sa patibong at nagsimula nang makipag-wrestlingan sa walang kamalay-malay na bagay. Malaking tulong na rin 'to dahil sandaling naligaw ang kanyang atensyon.

Halos mapuno ko na ang trash bin na narito nang mapagdesisyunan kong tanawin ang tahimik na kalsada. Ilan na lamang ang mga kotseng nagdaraan, hindi naman kataka-taka dahil ilang oras na lang ay magha-hatinggabi na. Hindi agad ako nakapunta rito dahil sumabak pa 'ko sa pagpapaliwanag kaila papa at ate.

As expected, they are not in favor of I going here alone. My father didn't trust men in general, and so as my sister. The reason I can only manage to muster is my age, my capability to decide and live up with the consequences.

"Tsaka 'pa, Lalabsko 'yon, eh," nahihiyang amin ko sa kanya bilang dagdag paliwanag ko.

Funny he almost fainted when I expressed my endearment for Eiveren. Whilst my sister faked a gag but she's already laughing behind him. I hissed at her to stop but then she laughs out loud nang tuluyan nang mag-walk out si papa.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon