CHAPTER ONE

1.4K 56 2
                                    

"HAPPY birthday, Tammy." Hinalikan siya sa pisngi ni Ninang Andrea, sabay abot sa nakabalot na regalong hawak nito. "You look stunning as usual."

"Ninang nga kita," sagot ni Tamara saka nagpalinga-linga. "Nasan ang dalawa mong alipores?"

"Susunod na lang daw. The old brat has been acting up again, ayaw magpaiwan sa bahay, pero ayaw rin namang tumayo sa panonood ng kanyang mga paboritong soap opera." Hinawakan siya nito sa balikat, bahagyang inilayo at pinagmasdan. Nailing itong napangiti. "Every time I see you, you never fail to amaze me. Hindi ko akalaing lalaki kang ganyan kaganda. When did you grow up to be a beauty?"

"Mula nang mauso ang cosmetic surgery?" Nagbibirong tinaasan pa niya ng kilay ang ninang niya na matanda lang sa kanya nang labing-dalawang taon.

She was three years old nang maging yaya niya ito. Despite the age gap, nakasundo ito ng mommy niya. Her mom regarded her with respect dahil hindi lang siya inalagaan, talagang minahal siya nito. When she was seven, naging ninang niya ito sa kumpil.

Beinte anyos ito nang makapag-asawa ng mayaman. Kahit walong taon lamang siya noon, naaalala pa niya ang mismong araw ng kasal. Iyak nang iyak ang ninang niya, yakap ng yakap sa kanya. Kamuntikan pa nga itong umurong sa kasal dahil hindi raw siyang kayang iwan.

At kahit nang makapag-asawa ito't maging busy sa pag-aaral sa kolehiyo, patuloy pa rin itong dumadalaw. Siguro'y dahil hindi ito nagkaanak kaya hindi na nagbabago ang tindi ng attachment nito sa kanya.

Natatawang hinampas nito ang isang braso niya. "Ikaw na bata ka, baka may makarinig, akalaing totoo."

"Hindi ka naniniwala sa tsismis, Ninang?"

"Na salamat po, doctor ka? Of course not. You are the exact replica of your mother. Only a shade darker," sagot nito. "Don't worry your pretty head about that grapevine. Nate-threaten lang sa'yo ang mga karibal mo kaya ka sinisiraan."

"Well, I'm not worried, and they shouldn't be either." Iniabot niya sa isang waiter ang regalong hawak niya. "Pakilagay na lang sa table."

"What do you mean?" tanong ni Ninang Andrea nang makalayo ang tagasilbi.

"Just that I already decided showbiz life isn't for me, after all," simpleng sagot niya. "Much as I love my mom, I don't want to be another Lauren Miranda-De Luna.'

Nagulat ito. "Why the sudden change of heart, Tammy?"

"I never had a change of heart. Alam mo namang pinagbigyan ko lang ang manager ni Mommy kaya ko pinasok ang pagkokontrabida sa soap opera. After more than three years of heartaches and tears, lalo akong na-convince that show business isn't the thing for me."

"If it's only because of Ryan..."

"Ryan has got nothing to do with my decision," may kombiksiyong sabi niya. "Masaya na siya sa asawa niya and I'm also happy for him."

Ryan Baron was her first boyfriend. Isa ito sa mga supporting actor sa soap opera na kinabilangan niya. Baguhan ito sa showbiz pero lumalabas na ito sa mga commercials noon pa man.

He was handsome and so sweet that she couldn't believe her luck. Isang buwan pa lamang itong nanliligaw ay sinagot na niya ito. He was the first man na nakaeksena niya sa kissing scene... and it was her first real-life kiss, too!

Pero ang relasyong iyon ay bahagya na lamang lumampas nang dalawang buwan. Despite her not-so-pretty-face, sumikat siya sa pagiging kontrabida at nagkaroon ng offer na gumawa ng pelikula. Si Ryan ang gaganap na lover niya. When she declined the offer, tinanggal din si Ryan sa casting.

Iyon ang naging dahilan ng kanilang breakup at kahit mahirap, kaya niya iyong tanggapin. Ang hindi niya matanggap ay ang mga salitang binitawan nito bago sila naghiwalay.

Spellbound  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon