CHAPTER NINE

823 44 7
                                    


"AKALA ko, hindi ka na pupunta," malungkot na salubong sa kanya ni Janine. "I was about to call you na nga, eh."

"Ayoko nga sana," matamlay niyang sagot. "But I can't stay away. I need to see him, even for the last time."

Nakakaunawang ngumiti ang kaibigan niya. Inakbayan siya nito at iginiya nang papasok sa loob ng bahay.

Bisperas iyon ng pag-alis ni Matthew. Bukas ay babalik na ito sa Amerika para humabol sa libing ni Mary.

At para namang hindi pa sapat ang nararamdaman niya, ang unang bumungad sa kanya sa pagpasok niya sa sala ay si Lola Barbara.

The old lady was looking at her with a triumphant smile on her face!


"Aalis na bukas ang apo ko," sabi nitong bahagya pang umismid. "Sinasabi ko na nga ba't masisira ang kapangyarihan ng singsing sa iyo."

"Well and good, Lola." Malamlam siyang ngumiti. "I'm sure na hahaba pa ang buhay n'yo."

"Lola," sabad ni Janine, "if you don't mind, doon muna kami sa family room. Hinihintay kami ni Tita Andrea."

"Sige, magkampi-kampi pa kayo!" tila batang bulalas nito. "Walang makapagbabago sa isip ni Mateo!"

Hinid na nila ito pinansin. Pumanhik na sila sa hagdan at dumiretso sa family room.

Nang sandaling makita niya ang kanyang Ninang Andrea na nakupo sa sofa, naramdam niya ang agad na pag-iinit ng mga mata. Nang ibuka nito ang isang bisig, agad siyang tumabi rito at sumandig sa dibdib nito, katulad noong bata pa siya.

Sandaling nag-alangan si Janine, ngunit nang matantiyang kailangan nila ng privacy, lumabas din ito ng silid.

"Don't look so sad." Hinagod ng kanyang ninang ang buhok niya. "Babalik siya, believe me."

"Ninang, please... ayoko nang umasa."

Humugot ito ng hininga. "Well, if that's what you want, maybe it's for the best. Kung mangyari ang hindi inaasahan, it would be such a pleasant surprise."

"You never give up..." naiiling na sabi na lang niya.

"If I did, sa palagay mo ba'y magkasama pa rin kami ng ninong mo hanggang ngayon? We have our moments, too, mga away na lalo pang pinaigting ng kawalan namin ng anak. He almost gave up on me... But me? I never gave up on him."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ninang."

"Bakit hindi mo siya puntahan at kausapin?" nakangiting balik nito. "Who knows? You might even have fun trying to change his mind."

HINDI siya kumatok sa pinto ng silid nito. Sa halip, ginamit niya ang pinto sa silid ni Janine papunta sa terrace at lumigid sa gawi ng silid ni Matthew.

Mula sa bintanang salamin, pinagmasdan niya ang pag-eempake nito. Once in a while ay napapansin niyang natitigilan ito, then he would sigh and shake his head at magpapatuloy sa ginagawa.

She had been standing there for quite sometime, iniipon ang lakas ng loob, nang sa malas ay naramdam nito ang kanyang presensiya.

Ibinaling nito ang tingin sa gawi niya, and their eyes locked. Ito ang unang nagbawi. Inihagis nito ang tinitiklop na damit sa maleta at inilabas na siya.

"Trying to keep me from leaving, Tamara?" he asked with the coldness in his voice na katulad noong una nilang pagkikita.

"G-gusto ko lang magpaalam, Matthew."

"Good-bye, then."

Hindi siya kumilos sa pagkakatayo. There was so much that she wanted to say at hindi niya alam kung saan siya magsisimula.

In desperation, ibinulalas niya ang pinakasimpleng salitang nakapa niya sa kanyang puso.

"Mahal kita."

Tumawa ito. "Kung noong hindi pa kita ganap na kilala, hindi kita nagustuhan. What made you think that I'm going to change my mind now that I've known your caliber?"

Nalito siya. "What are talking about?"

"Ryan Baron."

Daig pa niya ang sinampal. It wasn't exactly a secret, at wala siyang pakialam malaman man nito ang tungkol doon.

But the way he spat the name...

"I never thought you're capable of it," basag nito, "but it's true, isn't it? You lived with a married man and tried to steal him away from his family."

Alam niyang ang tinutukoy nito ay ang mga kasinungalingan hinabi ni Ryan tungkol sa kanya, pero sa kabila niyon ay nanatili pa ring normal ang tibok ng kanyang puso.

She wasn't afraid anymore.

She knew what was coming.

But she would be damned kung ipapaliwanag niya ang sarili sa isang lalaking nagawa siyang husgahan nang walang paglilitis.

"Yes."

"And I'm expected to stay just because some cheap little slut declared her love?" Umismid ito. "Go to hell, Tamara de Luna!"

"You've sent me there so many times that I refuse to go back now," matigas na ang tinig na sagot niya. "Damn you, Matthew!"

"What do you want from me, Tamara?" namumula ang mukhang tanong nito. Naghahalo ang galit at... hinanakit ba iyong nakikita niya sa mga mata nito?

Ah, imahinasyon lamang niya siguro.

"This?" Sa pagkagulat niya ay bigla na lang siya nitong sinibasib ng halik. Dahil hindi inaasahan, natilihan siya sa sobrang shock nang maramdaman ang marahas nitong mga labi na tila ibig lumupig sa kanyang bibig.

"Or this?" Ipinasok nito ang kamay sa ilalim ng kanyang blusa at wala paggalang na dinaklot ang mga dibdib niya.

Naramdaman niya ang mainit na luhang naglandas sa kanyang pisngi, but she remained still. So still that Matthew finally let go of her in disgust.

"Well, you won't get it, my dear," punung-puno ng sarkasmong sabi nito. "If you're just too horny, go and find somebody else to satisfy your needs."

Hindi na siya kumibo. She didn't have the strength or the courage para makinig pa ng karagdagang salitang magpapasahol lamang sa kanyang sugat. Silence was better.

So much better.

Tahimik siyang tumalikod at nagsimulanghumakbang palayo.     

Spellbound  (Completed) Where stories live. Discover now