CHAPTER THREE

891 48 4
                                    


Nagsimula ang pagkukuwento ni Janine sa komedor. Nagtapos iyon sa silid nitong sa ibaba rin ng plantation house naroon, katabi ng kay Lola Barbie. Gusto man sana nilang magkasama na lang sa iisang kuwarto ay ayaw pumayag ng matanda. Isa na naman iyong hayagang deklarasyon ng kawalang-tiwala at pagkadisgusto sa kanya kaya hindi na sila kumontra.

Dahil gusto niyang tinatanaw ang dagat, mas pinili ni Tamara ang silid sa itaas. Isa pa, mas mabuti nang mabawasan ang chances na magkasalubong sila sa pasilyo ni Lola Barbie.

"It may sound silly to you, but it's true..." pagtatapos ni Janine. "Otherwise, papaano mong ipapaliwanag ang nangyari kay Caridad, kay Lolo Kanor at kay Tito Franco?"

"Coincidence," kibit-balikat niyang sabi, feeling much better. Ngayong alam na niya ang hiwaga sa likod ng singsing, hindi na siya kinakabahan. "And it didn't just sound silly, Janine. It is silly!"

"Hindi ka ba nagtataka kung papaanong nagkakasya ang singsing sa pinagpapasahan niyan? By nature, mas maliit at payat ang kamay nating mga babae, and Tito Franco's such a big man..."

"Kaya nga hindi na niya isinusuot ang singsing dahil hindi na kasya sa kanya," eksasperadong paalala niya. "Pupusta ako... no'ng araw payatot si Ninong."

"We'll, he's not exactly mascular," sagot ni Janine.

"There goes your answer, dimwit!"

"Go and sneer all you want," nakataas ang kilay na sabi nito. "Basta ang alam ko, isa sa mga araw na ito, magiging abay na naman ako."

Hindi na niya ito kinonttra dahil obviously, bilib na bilib talaga ito sa kapangyarihan ng singsing. It was the writer in Janine. She was a sucker for romance.

"Ang ipinagtataka ko lang," sabi niya sa halip, "bakit binanggit ng lola mo ang kuya mo? Don't tell me that he's the one I'm about to marry, according to the legend?"

"Ah, napa-paranoid lang si Lola," sabi ni Janine. "Di nga ba kasi no'ng birthday mo, Tito Franco mentioned something about Kuya being taken by you?"

"But your brother lives in the States."

"That's why I'm not going ballistic right now," nangingiting sagot nito. "Imposibleng si Kuya ang maging kapalaran mo. Otherwise, iko-convince kita na pumasok na lang sa kumbento kaysa magpakasal ka sa kuya ko."

"Kung magsalita ka, parang may galit ka sa kuya mo..." thoughtful na sabi niya.

"Oh, I don't hate him. In fact, I love him so much I miss him like crazy. Kahit masama ang ugali n'on, kaya ko iyong pagtiisan dahil kapatid ko 'yon. But still, it's breaking my heart na makita siyang parang... hindi masaya sa buhay niya. Magmula nang mamatay si Ate Fern, he became... different."

Ayon kay Janine, Fernanda was on her second trimester nang magkaroon ito ng miscarriage. That seemed to break the poor woman's heart. Hindi na ito naka-recover that when she suddenly died from a car accident isang buwan pagkatapos itong makunan, walang makapagsabi kung aksidente nga lamang iyon o sinadya ni Fernanda ang pagkakabangga ng kotse nito.

Obviously, hindi nakayanan ni Matthew ang guilt kaya biglang-bigla itong nagbago. Mula sa pagiging masayahin at palabiro, naging masungit ito at palaging mainitin ang ulo.

"People have their own unique way of coping. Maybe that's his way of coping up sa pagkawala ng asawa niya't anak. Besides, " patuloy niya nang hindi kumibo si Janine, "sampung taon na kayong hindi nagkikita. Baka iba na siya ngayon. After all, he got himself engaged again. That fact must speak for itself."

Spellbound  (Completed) Where stories live. Discover now