CHAPTER FOUR

831 45 7
                                    


NAPAHAGOD sa ulo ang babae. Lalong nagulo ang buhok nitong para na ngang pinagbuhul-buhol ng sampung impakto. Kung hindi lamang talagang nayayamot siya sa pagkakabalam ng kanyang pagdating sa plantation house, matatawa siya sa hitsura nito. Para itong iyong monster sa isang pambatang educational show lalo na at nakabalot pa sa isang pares ng baby pink na medyas ang mga kamay nito.

Pero pagkatapos ng nasabi na, pinigilan na niya ang mga salita ng iritasyon na nasa dulo na ng kanyang dila. Mukhang nasaktan talaga ito sa pagkakauntog. Ni hindi pa nga nito magawang idilat ang mga mata. Pain was written all over her lovely face.

Lovely? Ulit niya sa sarili. Now where did that thought came from? No person in his right mind would consider the woman lovely. Atleast, not at the moment.

Bukod sa nakasabukot nitong buhok, her eyes were still puffy from sleep. Namumula rin ang tungki ng ilong nito, as if she was suffering from a long history of acute sinusitis.

But she could be lovely, amin niya sa sarili. Given the right care and grooming...

Naputol ang daloy ng kanyang isipin nang mapansin niyang nakabawi na ang babae sa aksidente nito.  In fact, she was looking at him as if she were seeing a ghost.  Parang de-susing manika na ibinaba nito ang bintana ng sasakyan, her movement almost mechanical.

"Miss..." nag-aalalang untag niya rito. "Are you all right?"

Kumurap-kurap ito, pagkuwa'y maluwang na ngumiti.  "Of course, I'm all right.  Who wouldn't be?  I was just awakened by a man handsome enough to fit in my dreams."  Bahagya itong sumimangot.  "Pity, I wasn't awakened by a kiss."

God, have mercy on me!  Sa loob-loob niya.  Hindi na ba siya tatantanan ng mga babaeng walang delikadesa sa katwan?

"Right now, Miss Whoever-You-Are, a kiss is something very far in my mind," nakasimangot na sabi niya rito. "Bukod sa nag-trespass ka sa lupain namin, nakahambalang din ang sasakyan mo sa daraanan ko.  Now, if you could only move your butt off our property, I'd consider not calling the police to have you arrested."

Sa halip na matakot ay lalo pang lumuwang ang ngiti sa mukha ng babae.  Nangislap ang mga mata rito na para bang may naiisip na kapilyahan.

"Cranky, are we?" sabi nito sa pagitan ng mga ngiping mapuputi at pantay-pantay. Parang gusto tuloy niyang mag-invest sa isang company ng toothpaste just because he had met the perfect model for the product. "My name's Tamara de Luna, not Miss Whoever-You-Are. What's yours?"

"Get lost, woman!" He snapped out of his thoughts at pinaliit ang mga mata.  Tamara de Luna, pamilyar na pangalan, pero wala siyang panahong pag-isipan kung saan niya iyon unang narinig o nabasa.

"Get is a funny name," tila nag-iisip pang sabi nito. "Shall I call you Mr. Lost instead?"

She was smart and he would give her credit for that.  Kung nagkakilala lamang sila sa ilalim ng ibang sirkumstansiya at ibang panahon -- during those years when all he had in mind was fun and good time -- hinding-hindi niya palalagpasin ang isang babaeng katulad nito.

"You could be more gorgeous and dashing if you could only spare me a smile," patuloy pa nitong tila walang pakialam sa klase ng tinging ipinupukol niya rito.

"I don't need your pathetic compliments."  Hindi na siya naa-amuse. Napipikon na siya. Hindi niya kailangan ang isang balakid na tulad nito.  Kailangan niyang ipunin ang lahat ng kanyang katinuan bago siya magpakita sa kanyang pamilya.  "I need you to get out of my way and out of my family's property."

Spellbound  (Completed) Where stories live. Discover now