CHAPTER TWO

954 50 8
                                    


"ALL set?" tanong ni Tamara nang makitang handang-handa na sa pag-alis ang kaibigan. Siya ang sumundo rito dahil mas malaki ang sasakyan niya -- isang Isuzu Crosswind na kahit segunda-mano ay galing din sa ilang taong pagpupuyat niya sa kinasangkutang soap opera.

Itinirik nito ang mga mata . "Nag-eempake pa si Lola. Kaya lang yata gusto sumama, eh dahil gusto ring maglamiyerda."

"Ito naman, pagbigyan mo na." Tinabihan niya ito sa pagkakaupo sa sofa. "Naiinip lang siguro siya rito sa bahay."

"Sana, sinabi na lang niya ang totoo. Nag-iimbento pa siya ng kung ano-anong malisyosang hinala..."

"Humor her, my friend." Naiiling na tinapik niya ito sa hita. "Ginagawa lang tayong libangan ng lola mo. Besides, hindi mo siya masisisi. Bago pa nga naman niya makabisa ang pangalan ng boyfriend mo, may ipinapakilala ka na namang bago."

Sasagot pa sana ito ngunit hindi na iyon natuloy nang biglang bumukas ang pinto ng study room. Sumungaw ang ulo ni Ninong Franco. Lumawak ang ngiti nito pagkakita sa kanya.

"Ah, Tamara... the woman I needed to see."

Lumapit siya rito at nagmano. "Bakit po, Ninong?"

Nang iawang pa nito ang pinto ay bumuglawsa kanya si Ninang Andrea. Hindi niya alam kung bakit, ngunit tila may pagkabalisa sa ekpresyon nito.

"Gusto kang makausap ng ninong mo... in private."

Kumunot ang noo niya. "Tungkol saan?'

"Malalaman mo rin." Humakbang na itong palabas para siya naman ang itulak papasok sa study. "Go. Hindi ko alam kung magiging mabuti sa'yo... but it had to be done."

Nagugulumihanan man ay napilitan na rin siyang pumasok sa study nang igiya siya roon ng ninong niya. Nasulyapan pa niya ang nagtatakang tingin ni Janine bago tuluyang isinara ni Ninong Franco ang pinto.

"THE NIGHT before your twenty-eight birthday, napanaginipan kita, Tamara," simula ni Ninong Franco. Naupo ito sa silyang katabi niya ngunit ipinosisyon naman iyong paharap sa kanya. "Rather, it was the dawn of your birthday -- na siya ring anibersaryo ng kamatayan ni Papa."

Titig na titig sa kanya ang matandang lalaki, his eyes with the same intensity na nakita niya rito noong gabi ng kanyang kaarawan. Hindi niya alam kung bakit, ngunit kasabay ng pagiging eratiko ng tibok ng puso niya, may marahang kilabot ding gumapang sa kanyang katawan.

"A-ano pong panaginip?" May ESP ba ang ninong niya? Nakita ba nito ang araw ng kamatayan niya? Kaya ba nagpumilit si Lola Barbie na samahan sila sa kanilang pag-alis ay dahil naikuwento na rito ni Ninong Franco ang mangyayaring disgrasya?

"I saw you dancing with a man."

Napakurap siya. "Po?"

"You seemed so happy. You were laughing as if you do not have a care in the world. At kung tumitig ka sa iyong kasayaw... ah, there are no words to describe it. I just knew that it was the look of a woman in love."

Bahagyang kumunot ang noo niya, nawi-weirdohan sa kanyang ninong. Ano ba ang importante sa panaginip na iyon at kailangan pang i-rely sa kanya? At sa napakadramatikong paraan pa!

"Ninong," sabi niya. "Every one dreams of someone every now and then. Kung minsan nga, kahit iyong kaaway ko no'ng grade one na matagal ko nang..."

"This is different, Tamara," putol nito sa sinasabi niya; his face was serious, almost wistful. "Nang makita ko kayo ng lalaking kasayaw mo, akala ko'y kilala ko siya. But when you danced around so that he was the one directly facing me, nagulat ako dahil wala siyang mukha."

Spellbound  (Completed) Where stories live. Discover now