CHAPTER TEN

1.6K 61 13
                                    

MATATAPOS na ni Tamara ang binabasang paperback nang makarinig siya ng mga katok sa pinto ng rest house nila sa Baguio. She had been there for a week, nagsisikap na paghilumin ang mga sugat sa kanyang puso sa lalong madaling panahon.

Tumayo siya upang sinuhin ang tao sa labas. Si Mark na naman siguro, ang makulit na binatilyong nakilala niya sa Burnham Park.

Kampante niyang binuksan ang pinto, upang panlakihan lamang ng mga mata sa pamilyar na mukhang hindi na niya inaasahang makikita pa.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" gilalas na tanong niya.

Ngumiti si Matthew. "Sinusundo ang aking bride?"

Sa pag-aakalang nananaginip na naman siya, o ang nakikta ng kanyang mga mata ay bunga lamang ng imahinasyon niya, sumimangot siya. She wouldn't succumb to her fantasies anymore. Mas nagiging mahirap lang ang paglimot.

"Go away." Aktong isasara na niya ang pinto ngunit mabilis na naiharang doon ni Matthew ang katawan.

"Is that the only kind of welcome you can provide?" naa-amuse na tanong nito. "Anim na oras akong nag-drive. I'm tired and I'm hungry."

"Wala akong stock ng pagkain dito at hindi ito pahingahan."

"And I miss you so much I thought I'll die from longing."

Good Lord. Nababaliw na yata ako! Biglang-bigla, parang totoong-totoo na ang pantasya niya. Sa layong isang dipa, nararamdam pa niya ang init na sumisingaw mula sa katawan nito.

"Pakialam ko ba?" asik niya, trying to get a hold of her sanity. "Just go away and disappear. Shoo!" Ipinalis pa niya ang isang kamay na parang nagtataboy ng aso.

Aktong tatalikuran na niya ito nang bigla siya nitong daklutin sa braso.

Ginapangan siya ng matinding kilabot. Hindi makapaniwalang napabaling siya sa lalaki... para lamang masalubong ang maiitim nitong mga matang nakatitig sa kanya.

"Hindi ako aalis nang hindi ka kasama," sabi nito sa malamig, seryosong tinig. "The game's over, Tamara de Luna. You won. I have fallen in love with you and it's too late to walk away like you originally planned. I am your destiny. The sooner you accept that, the better it would be for us."

"M-Matthew..."

"And I don't care kung hindi ako ang unang lalaki sa buhay mo. As long as I'll be the last, I don't give a damn!"

Humigpit pang lalo ang mga daliri nito sa kanyang braso. Bahagya siyang napakislot ngunit hindi niya iyon ininda. Kung nakakaramdam siya ng pisikal na sakit, baka naman totoong hindi na siya nananaginip...

"Matthew..." Naghahalo ang takot at antisipasyon sa dibdib na iniangat niya ang isang kamay. Takot dahil baka bigla na lamang itong maglahong parang bula, at antisipasyong matuklasan ang totoo.

Matapos ipunin ang lakas ng loob, atubili niyang hinaplos ang pisngi nito.

"Y-you're here..." anas niya nang madama ang init nito.

"Are you all right, Tamara?" Napakunot ang noo ni Matthew. Gumuhit ang concern sa mga mata nito.

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya. "May sakit ka ba or something?"

Sa pagkagulat nito ay bigla na lamang siyang tumawa.

"Oh, my God! I'm not dreaming!" At kasabay niyon ay namalisbis na ang luha sa kanyang mga mata.

"What are you..."

Hindi na niya pinabayaang matapos pa nito ang sinasabi. Tumalon siya at pinagkrus ang mga hita sa baywang nito habang ang mga kamay niya ay pinagsalikop niya sa batok nito.

Spellbound  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon