CHAPTER FIVE

875 43 6
                                    


"NASA bahay ka na ba?" bungad na tanong ni Tamara nang sagutin ang cellphone. Nabasa niya sa maliit na screen niyon ang pangalan ni Janine.

"Yup. Kauuwi lang namin. The last few hours were chaos kaya hindi agad ako nakatawag."

Sa pananalita ni Janine ay nahinuha na niyang alam na nito ang nangyaring engkuwentro sa pagitan nila ng kapatid nito.

"Don't worry about it," masigla, almost excited na sabi niya. "Just tell me... kasama n'yo bang umuwi ang brother mo?"

Matagal bago ito nakasagot. "Oh, well... maybe it's for the best. Who knows? Baka ikaw lang ang kailangan ni Kuya Matthew to get himself back to his good old ways. Isa pa, 'pag si Kuya ang makatuluyan mo, we can still pursue our business plans dahil magkapamilya na tayo."

Napangiti siya. "Is that why you're not going ballistic right now?"

"If there's someone who should be hysterical, it should be you," ganti nito. "After all, ikaw ang mapapangasawa niya, hindi ako."

Tumaas ang kilay niya. "Who is talking about marriage?"

"Everybody! Kahit si Lola Barbie, nangakong magsisimula na siyang magnobena para kunin na siya ni Lord bago pa man sumapit ang araw ng kasal n'yo." Tumawa ito. "She would rather die first than admit defeat in the hands of the enemy.'

Natawa rin siya. "Hindi ba siya in-assure ni Matthew na hinding-hindi niya ako pakakasalan kahit pa ipatawas siya nang isang libong ulit?"

"Oh, he did. Pero siguro, alam din ni Lola na kahit ano pa ang sasabihin ni Kuya Matthew, when it comes to fate, walang magagawa ang sinuman. Mangyayari ang nakatakda."

"If that being the case, bakit nagpakapagod pa siyang iwasan ang alam niyang mangyayari naman pala?"

"Maybe it makes her feel better, knowing she did the best she could. At habang nabubuhay si Lola, she would keep on trying to change the course of things."

"It would only make the chase a lot more amusing."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya, may pagdududa na sa tinig. "Don't tell me na pagkatapos ng lahat ng katibayan, hindi ka pa rin naniniwala sa kapangyarihan ng singsing?"

"I'm not dumb. Nasa computer age na tayo, Janine. Hindi mo ba nabasa? Naimbento na nga ang cellphone na nakatanim sa molar tooth! There's no such thing as magic!"

"Then how..."

"Coincidence," simpleng paliwanag niya. "Or premeditated circumstance. Baka kaya ibinigay sa akin ni Ninong Franco ang singsing ay dahil may ideya na siyang uuwi sa Pilipinas si Matthew."

"Tatlong araw nang nasa Pilipinas si Kuya. He just chose to spend sometime alone before facing the rest of us."

"See? It makes sense." Her voice was triumphant. "Baka all along, alam na talaga ni Ninong Franco na naririto sa Pilipinas ang kuya mo, at dahil boto sa akin ang ninong ko, he pushed his luck a little bit and won!"

"Okay, Miss Analytical Thinker, hindi ko sinasabing tama ka, but let's just assume you are. Eh, bakit parang intresado ka ngayon sa kapatid ko?"

"Dahil interesado naman talaga ako, matagal na."

"Kahit na nalaman mong masama ang ugali niya? I wasn't there to witness your encounter with him but I can bet my ass na hindi iyon naging maganda."

"Hindi nga, and that makes it all the more exciting," tawa niyang nangingislap ang mga mata. "Payag ka bang ligawan ko ang kuya mo ?"

"What?" Para na niyang nakikini-kinita na halos malaglag na ang mga panga ni Janine.

Spellbound  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon