CHAPTER SIX

793 50 4
                                    


GALING sila ni Janine sa pakikipag-usap sa may-ari ng istrakturang nakita nila para sa uumpisahang internet shop. They were both happy and feeling elated dahil nagkasundo sila ni Mr. Ramos sa presyo. Right there and then ay nagkapirmahan sila ng contract of lease.

Ang talagang plano nila ay kumain na lamang sa labas para iselebra ang hudyat ng kanilang pagsisimula.

Pero may ibang ideya si Janine.

"Bakit hindi na lang tayo bumili ng pansit sa bilao at sa bahay na lang kumain? I'm sure Tito Franco will be thrilled and happy for us kapag nalaman niya ang balita."

Walang pagdadalawang-isip na pumayag siya. Hindi niya alam kung sinasadya ni Janine ang pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makasama ang kapatid nito, but she was glad anyway. Hindi na niya kailangang mag-isip ng excuse na sasabihin kay Matthew sa tuwing pupunta siya sa bahay ng mga ito.

Dumaan sila sa isang restaurant at nag-take out ng isang bilaong Pansit Malabon. Pagdating sa bahay ay nagulat pa sila nang makitang nasa garahe na ang sasakyan ng mag-asawang Franco at Andrea. Wala pang six o'clock and it was very unusual na dumating nang ganoon kaaga ang dalawa. Past seven na kadalasan kung umuwi ang mga ito.

"Nasaan sina Tito?" tanong ni Janine sa katulong na naabutan nilang naglilinis ng coffee table sa sala.

"Nasa komedor silang lahat," sabi ng may-edad na ring kawaksi. "Hindi ko alam, may selebrasyon yata. Ang dami nilang handa, eh!"

Kunot ang noong humakbang si Janine patungo sa komedor. Sumunod siya. Nasa pintuan pa lamang sila ay naririnig na nila ang nagkakasayahang mga tinig.

Kasayahang agad ding naputol nang sa pagpasok ni Janine ay ma-realize ng mga ito na kasunod din siya.

Lahat ay awtomatikong napatingin sa kanya. Si Lola Barbie ay nagulat noong una ngunit agad ding nakabawi at sumimangot. Sina Ninong Franco at Ninang Andrea ay lihim pang nagsulyapan.

At si Matthew...

Well, papaano ba niyang ide-describe ang nakikita niya sa mga mata nito? It wasn't digust, it was more like fear, na para bang ang nakita nito ay hindi siya bilang tao kundi aparisyon.

Si Ninong Franco ang unang nakabawi. Pumunit ang maluwang na ngiti sa mukha nitong tila bumata ng sampung taon.

"Well, well, well... kumpleto na ang pamilya!" bulalas nito, nagniningning ang mga mata.

"Meron nga lang asungot na nadagdag." Umismid si Lola Barbie. Mahina ang tinig nito pero tila tiniyak nitong malinaw pa rin iyong makakarating sa pandinig ng lahat.

"Ano'ng meron?" tanong ni Janine habang ginagaygay ng tingin ang mesang puno ng mga lutong pagkain na halatang galing lang din sa restaurant. Sa gitna ng mesa ay may isang nakatuhog pa na lechon-de-leche. "Must be something special."

"It is." Ang Ninang Andrea niya ang sumagot. "Pero mukhang mayroon din kayong ise-celebrate. Para saan ang pansit sa bilao?"

Janine excitedly told them about the place.

"Well and good," bulalas ni Ninong Franco. "This must be a day para sa magagandang balita. Sinadya ka talaga naming hintayin, Janine, because we want to make the announcement with the whole family present."

"If it's intended for the family," seryoso, malamig na sabat ni Matthew. "I don't think Tamara would mind if she'll excuse herself for a little while."

"But Tamara's family, too. Or she will be soon," makahulugang sabi ni Ninang Andrea. "The mere fact that she's here when we don't expect her to be makes that fact a lot more credible. Magiging kapamilya namin si Tammy, Matt, and the sooner you accept that, the better for the rest of us."

Spellbound  (Completed) Where stories live. Discover now