CHAPTER SEVEN

771 47 4
                                    

PAKIRAMDAM ni Tamara ay may mga kuwitis na sumasabog sa loob ng kanyang katawan. Alam niyang dapat siyang magprotesta at manlaban. Pero hindi niya magawa. Pinanatili man niyang tikom ang kanyang bibig ay wala rin iyong naitulong upang mabawasan ang kanyang kahibangan. Pakiramdam niya ay naging tubig ang kanyang mga buto, nilusaw nang magkahalong init na isinisingaw ng kanilang mga katawan.

Sa halip na lumayo ay isinadlak pa niya ang sarili sa katawan nito, leaning on him, begging for support.

Tila naman nakakaunawa, ikinawit nito ang isang kamay sa kanyang baywang at hinapit pa siyang papalapit.  Ang tanging nakapagitan na lamang sa kanila ay ang kamay nitong nakapatong pa rin sa isa niyang dibdib, lumilikha ng sensasyong banyaga sa kanya at hindi niya alam kung dapat niyang pagtiwalaan.

Ilang saglit pa ang lumipas at ang pag-aalinlangan niya ay tuluyang na ring natupok. Napalitan ng nag-aalimpuyong lagablab sa kanyang kaibuturan.

"Tamara..." iniwan nito ang kanyang mga labi para lang ibulong ang kanyang pangalan, pagkatapos ay muli siyang hinalikan.

Sa pagkakataong iyon ay bahagya na niyang iniawang ang bibig niya. Sinalubong niya ang halik nito ng buong kapusukan. Parang turumpong inihagis sa lupa, mabilis na umiikot at nawawalan na ng kontrol.   Itinaas niya ang mga kamay at nangunyapit sa mga balikat nito.

Nang mula sa gilid ng mga mata niyang bahagya lamang nakabukas, tinawag ng kakatwang liwanag ang kanyang pansin.

Sa kabila ng malamlam na ilaw sa verandah, kitang-kita niiya ang matinding pangingislap ng kanyang singsing!

Sa panggigilalas ay natigilan siya. Pakiramdam niya ay pinulikat ang buong katwan niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, hoping that it was just her imagination running wild.

Yet when she finally opened her eyes at mapagtanto niyang wala namang kakatwang nangyayari sa kanyang singsing, sinaklot siya ng matinding panlulumo.

He might have sensed the change in her, bumitaw ang mga labi nito. Itinitig nito ang mga matang nalilito, pagkalitong agad na nahalinhan ng takot na nagiging pamilyar na sa kanya.

Sa isang marahas na pagkilos, kinalas nito ang kanyang mga kamay. Humakbang itong papaurong na para bang nakakita ito ng maligno.

"Shit!" bulalas nito nang mahimasmasan, disgust written all over his face. Hindi na siya masosorpresa kung bigla na lamang itong dumura sa lupa. "Get the hell away from me!"

Sa harap ng pagkainsulto ay agad na kumulo ang kanyang dugo.

"I could have asked you the same thing," sabi niyang nanliliit ang mga mata. "Ikaw ang lumapit, hindi ako. I told you to stop..."

"Ano ba ang nangyayari dito?"

Kapwa sila natilihan nang marinig ang boses ni Janine. Nababaghan ang mga matang lumapit ito sa kanila, hinihimas pa ang tiyang lumaki na sa kabusugan.

"Nag-aaway na naman ba kayo?' tanong nitong pinaglipat-lipat pa ang mga mata sa kanila.

"I hope I made my self clear," nagtatagis ang mga bagang na sabi ni Matthew, matalim ang mga matang nakatutok sa kanya. Then without a word, he left.

Tila lobong naalisan ng hangin, napasandal siya sa balustre ng verandah. She felt so drained... so tired.

Nang muli siyang dumilat, nasalubong niya ang nagtatanong na mga mata ni Janine.

"He kissed me," halos pabulong na wika niya.

Nangislap ang mga mata nito. "And...?"

"I think..." Lumunok siya. "I think I just get myself into the biggest trouble of my life."

Spellbound  (Completed) Where stories live. Discover now