CHAPTER EIGHT

825 44 2
                                    


"ANG bilis naman ng balita..."

Bahagya siyang naudlot sa tangkang paglapit kay Matthew sa sulok na iyon ng hardin nang mag-angat ito ng mukha. Nakaupo ito sa duyan, nakayuko sa lupa. She thought he was crying pero isang tingin sa nanlilisik nitong mga mata at napagtanto na niya ang pagkakamali.

"Yes, Tamara, Mary is dead, pero huwag ka munang magpakasaya..."

"I am not rejoicing." Gusto man niyang mairita ay sinikil niya ang sarili. He was mourning. "Naririto ako para damayan ka."

"In what way? In keeping my bed warm?"

"I am holding my temper, Matthew. Please, huwag mo naman akong i-provoke..."

"You would like that, wouldn't you?" Umangat ang mga kilay nito. "How many times did you lie awake in bed wondering how good it would be if I make love to you?"

Namula siya. She had done that countless times... pero nungka na aminin niya iyon dito!

"Ah, the most effective conversational tool of a woman." Sarkastiko itong umiling. "Can you blush on cue o nasapol ko lang talaga ang totoo?"

"You know what, Matthew? You're pathetic." She spat the word. "Alam ko naman kung bakit ganyan na lang kalaki ang galit mo sa akin, eh. You're just a little boy who is trapped inside a man's body!"

"And by that, you mean...?" Nagtatanong na tumaas ang isang kilay nito.

"I would give you the ring if I can. I know you want it so much at nagrerebelde ang loob mo dahil sa akin ito binigay ni Ninong Franco," sabi niyang pinaikut-ikot pa ang singsing sa daliri. "If only I can take it off..."

Sa panggigilalas niya, kung kailan hindi niya inaasahan ay bigla na lamang iyong nahugot sa daliri niya.

She stared at it incredulously. Nang mapatingin siya kay Matthew, lalo na siyang namangha.

Maharas itong napatayo sa duyan at tila takot na takot na humakbang paurong. Mistula itong usa na napaharap sa isang mabangis na leon. Nawala ang kulay sa mukha nito at sinimulang gitawan ng butil-butil na pawis ang noo.

"Matthew..." nag-aalalang tawa niya.

"Huwag mong ilalapit ang singsing na iyan sa akin!"

"B-but I thought you wanted it so desperately."

"That ring... that ring killed my wife!"

"What?" nababaghang bulalas niya. "Matthew, you're scaring me!"

Hindi niya alam kung dahil sa sinabi niya, pero unti-unti, nakita niya ang effort nitong kalmahin ang sarili. Huminga ito nang malalim, sunod-sunod saka tila nauupos na muling naupo sa duyan.

"Are you all right now?" Sa labis na pag-aalala ay hindi niya namalayan na muli niyang naibalik ang singsing sa daliri niya.

'I'm sorry ... hindi ko sinasadya." Hinanap ng mga mata nito ang singsing. "You're wearing it again."

Awtomatiko siyang napatingin sa daliri at napabuntong-hininga na lamang nang makumpirma ang sinabi nito.

"Never mind. I was able to take it off, I can do it again," sabi niya bagama't may nadarama siyang pagdududa sa sinabi. "Ano ba ang ikinakatakot mo?"

"I've done something I'm not supposed to do... and now, I'm being punished for it."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"When I was nineteen, I stole that ring."

Kahit alam niya ang laki ng obsesyon Matthew, nagulat pa rin siya. "What for?"

Spellbound  (Completed) Where stories live. Discover now