Self Repair

100 9 9
                                    

Balik mental si Laureen, hindi ko na magawang maawa sa kanya, dahil sa mga nagawa n'ya di lang sa akin kundi sa amin.

Una tinuhog n'ya yung magkaibigan. Pinalaglag n'ya yung bata hindi s'ya nakunan, she's really evil. Wala naman kasalanan yung bata! James was so devasted by that same goes to Elli kaya nga pareho nilang iniwan si Laureen noon.

James in Italy at dito si Elli, where we met.

Okay na okay na kami ni Elli when she decided to kidnap my child and ruin our relationship.

Tapos she fucking plotted some drama ng sadyain nyang kidnappin si Elli that made him forget his memory. Mabuti nalang hindi nagtagal 'yon. He regained everything several months later.

Elli did all the best he can para mailagay si Laureen sa kinalalagyan n'ya ngayon.

As for me, si James ang problema ko. Lumalayo s'ya sa akin. I knew the reason. Si Elli, they've been nothing but foes as of the moment.

Sa twing magkikita yung dalawa akala mong laging may laban ng boxing.

Si Elli naman nililigawan ako ulit. Sabi n'ya babawi raw s'ya sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang n'ya sa akin.

Sa totoo lang wala naman nang hadlang sa amin. I still do love him. Hindi naman nawala 'yon. Pero sa ngayon, si James ang iniisip ko.

Hindi ko kasi kayang wala si James sa tabi ko. Sabi ni Dave I might be feeling something more than friends kay James kaya hindi ko magawang sagutin ulit si Elli.

Gulong-gulo ako ngayon, hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang nasasaktan ako sa paglayo ni James.

At mahal ko pa rin si Elli.

On the way ako sa bar ni James when Drew called "Hello Drew bakit?" It's not usual ngayon lang ako tinawagan nito!

"Ma'am, si Sir James po..." I stopped the car!

"What?! Anong nangyari?" Kinakabahan ako.

"Ayaw mo magpapigil uminom" I sighed in relief at least he's there. At least okay s'ya

"I'm on my way, wag mo iiwan, wag mo rin hahayaang umalis" I strictly said.

I drove as fast as I can.

Agad-agad akong bumaba ng kotse at tumakbo sa loob. There he was, wasted.

"Sir James nandito na po si Ma'am Isabelle" pinilit n'yang tumayo hanggang sa nasalo ko nalang s'ya.

Tinulungan naman ako ni Drew na iakyat s'ya sa Pent House.

"Thanks Drew, ikaw na muna ang bahala sa Bar" he nodded.

Naghanda ako ng maligamgam na tubig at bimpo.

I undressed him. Naka boxers na lang s'ya. And it's not like I've never seen him na almost naked.

Pinunasan ko s'ya and put on a decent shirt. Medyo nilakas ko rin ang aircon since mainit sa katawan ang alak. According to Drew, halos maubos n'ya yung dalawang case ng beer.

Nagshower din ako saglit and borrowed some of his tees.

Tsaka ako nahiga sa tabi n'ya. I played his hair. Tracing his nose bridge. I basically watch him sleep.

"James Dean Sebastian" I whispered.

"Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito, I've never thought na darating ang araw na mahihirapan akong mamili sa inyo"

"Tama nga siguro si Dave, more than friends na yung nararamdaman ko sa'yo, pero mahal ko pa rin si Elli"

"Ikaw kasi, bakit ka pumayag na maging knight in shining armor ko, habang nakakulong yung prince charming ko"

I chuckled, para akong tanga na nakikipag-usap sa lasing na tulog. Hindi ko kasing kayang sabihin sa kanya ng harapan.

Bumibigat na yung mga mata ko, I slide my arms around him. Kissed his neck and savor this moment with him.

Morning came he's still sleeping soundly. I did my morning rituals. Paglabas ko ng banyo I heard a knock. Siguro si Drew.

But when I opened the door "Elli..." nanlaki ang mga mata ko. Biglang lakas ang tibok ng puso ko.

Tinignan n'ya ako at alam kong nasasaktan s'ya ngayon, lalo pa't suot ko yung damit ni James.

"I..." he's lost for words. I saw him clench his jaw "I never thought na tototohanin ni James na agawin ka"

Magsasalita sana ako pero nakatayo na si James sa likod ko at sinabing "Dude sa'yong-sayo na, walang nangyari lasing ako, hindi ko nga alam na nandito pala s'ya"

He said it na parang balewala lang ako? Na parang gamit lang na hiniram n'ya tapos pag tapos na gamitin isasauli na sa may-ari.

Why am I always thrown off of the bus? Ganon ba ako kadaling itapon? What did I do to deserve this? To think na kino-consider ko yung feelings nila.

I slapped him "ganon nalang 'yon James? Basta-basta mo nalang ako itatapon?"

He looked at me hindi ko na mabasa yung mga mata n'ya, all I see was darkness "wala namang tayo diba? Technically, I was never your choice"

I chuckled painfully "kung hindi ka choice, sana binalikan ko agad si Elli, I should've left you long time ago! Pero hindi eh, pinagulo mo yung puso't isip ko"

He smirked "pinagulo ko lang, pero hindi pa rin ako yung matimbang, tama na Belle, magsama na kayo, wag n'yo na akong idamay sa gusot n'yo, nakakapagod din"

He rendered me speechless kaya umalis nalang ako, I can hear Elli followed me.

"Isabelle saglit"

Hinarap ko s'ya "Elli wag muna ngayon, wag mo na muna ipilit kasi di ko pa talaga kaya" I pleaded.

"Mas mahal mo na s'ya?" He almost choke, omg he's about to cry.

"Hindi ko na alam Elli, masyado ng maraming nangyari, hindi ko alam kung kakayanin pa ulit ng puso ko, mas mabuti na siguro 'to, tama na muna, pahinga muna tayo" pagod kong sabi.

I left both of them, kasi darating din pala sa puntong mapapagod ka nalang din. Na hindi mo na magawa kahit pagpili.

I called MJ and asked for a big favor.

Ayoko na, naaawa na ako sa sarili ko. Baka mas tamang wag na lang pumili at hayaan nalang ang panahon ang magdikta.

Siguro mas maiging ako nalang ang kumumpuni sa puso ko. Said na said na kasi sa kasiraan. Sagad na sagad na sa kapaguran.

// huhu ako rin hindi na makapili //

Heart: Under ConstructionWhere stories live. Discover now