Chapter 7-The Continuation of World War III

6.2K 59 0
                                    

Fille's POV

Naka-upo kaming tatlo dito at busangot ang aming mga mukha. Pano namang hindi eh sobrang badtrip ko dun sa super yabang, super sama ng ugali at super ewan na babaeng yun.

Buti pa itong ibang ALE, nageenjoy na. Super tawanan sila, foodtrip at nag-aasaran.

Gustuhin ko mang sumali, di mawala utak ko sa nangyari kanina...

*FLASHBACK*

Umakyat na ako sa kwarto para mag-ayos ng gamit ko. Nadatnan ko namang nakahiga at nakapikit itong si Gretchen Ho. Natutulog na ata.

Infairness naman sa kanya, para syang anghel pag natutulog. Yung almost perfect nyang mukha. Ang tangos ng ilong at tapos ang kissable ng lips. Grabe.

Oh. Erase. Erase. Erase. Ano ba, Fille! Sama kaya ugali nyan. Tsk may attitude problem. Tsaka ang mainlove ang pinakahuling bagay sa isip ko. At NEVER ako magkakagusto sa kanya! NEVER EVER.

Makapag-ayos nalang nga ng gamit.

Pagkatapos ko mag-ayos, naligo muna ako. Kaya lang nakalimutan ko yung damit ko sa bed kaya nagtapis muna ako ng towel at binalikan yung damit ko sa may higaan.

Sa di inaasahang pagkakataon, natalapid ako sa strap ng bag ni Gretch na nakalalat pa sa sahig. Damn. Bumagsak ako --- sa IBABAW NYA at naglapat ang aming mga labi. Ho Mae Dzi! Para akong nakarandam ng Fireworks sa buong sistema ko. Ilang seconds din yun. At FIRST KISS KO YUN! Nagising bigla si Gretch at pagmulat nito ng kanyang mga mata....

Gretch: O.O

Ang cute. Hihi bigla lumaki yung singkit nyang mata. Erase! Erase! Erase, Fille. Ai! Magkadikit pa yung mga labi namin.

Bigla ko inangat yung ulo ko.

Ngumiti si Gretch ng parang nakakaloko. Shoot! Ang ganda nya pagnakangiti. Napatulala nalang ako sa kanya.

Gretch: Mukhang nag-eenjoy ka sa ibabaw ko ah? May HD ka pala saken? Kung balak mo akong pagsamantalahan, pwede ka namang magpaalam para di ka naman mahirapan na gagawin mo kung kelan tulog ako. *Winks*

Shoot. Ramdam kong namumula yung mukha ko kaya agad-agad akong tumayo mula sa pagkakapatong sa kanya.

Fille: BASTOS!

Gretch: At ako pa ngayon? Ikaw nga dyan nalatuwalya lang tapos magigising ako naka---asdfghjkl---.

Natigil ito dahil tinakluban na ang bibig nito. Grabe. Nakakahiya na. Ayoko na maalala pa yun.

Fille: Dyan ka na nga, magbibihis na ako! Tse

Gretch: Basta next time, huh? Willing naman ako. Magsabi ka lang. Wag ka mahiya. Hahahaha

Fille: Bastos ka talaga!

At pumasok na ulit sya sa banyo para magbihis. Grabe. Intense yun. Shemaaaaaaay.

*END OF FLASHBACK*

Tiningnan ko si Gretch. Nagkakape sya habang naglalaptop. Parang gumagawa ng reports e. Napakaseryoso naman nya. Ang cute nya. Naka-eyeglasses sya. Haaay Ideal sana sa ibang bagay kaya lang sagad naman sa kayabangan. Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kanina. Takte talaga.

Narinig ko nag-ring yung phone na. Bago nito sinagot, tiningnan muna nito yung pangalang nag-flash sa screen ng phone nito. Bigla nalang kumunot ang noo nito saka lumabas sa terrace para sagutin ang phone.

Marge POV

Ohaaaa! May POV din ako. May sasabihin akong secret sainyo. Hahaha may nasaksihan ako kanina. Doon sa kwarto nila Ate Fille at Ate Gretch. Pero di ko sasabihin sa kanila na alam ko. Napadaan kasi ako kanina tapos nakaawang yung pinto kaya yun. Nakapanood ako ng libreng sine. Rated ES PI DYI nga lang. Pero sa totoo lang, lakas ng chemistry nilang dalawa. Kahit nung una palang magsalubong ang kanilang mga mata. Kaya I ship FilleChen. Hihihi

Ako may crush. Aaminin ko. Jirah pangalan nya. Oo. Si Jirah nga. Napako kaagad yung mata ko sakanya kahapon eh. Grabe! Hihi kinikilig ako. Room mates pa naman kami. Pero crush lang muna. Wag nyo ako isusumbong sa kanya, ha? Secret lang natin yan. Labyuuu! :-*

May isa pa pala ako napanood kanina. Alam ko kung bakit nagalit si Ate Dzi kay Ate A. Hihi Chismosa ko ba? Di uy. Nagkakataon lang na nandun ako nang mangyari ang mga nangyari. Pero di ko sasabihin kung ano nangyari. Secret na nila yun. Hahahaha

------------

Kapagod talaga magbyahe. Mahaba-haba pa ang tatakbuhin namin. Este, nung sasakyan pala.

Sorry kung pangit UD. Bawi nalang ako.

Enjoy the Day!

HAPPY EASTER ulit :-)

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Donde viven las historias. Descúbrelo ahora