Chapter 42-Just Another Chapter Part III

4.3K 71 5
                                    

Psssssssst, Readers. Paano ba magmahal?

Paki-turuan nga ako nang di naman ako mukhang ewan. XD

Hahahahahaha :">

Sorry kung lagi nalang akong late kung mag-update.

Pero sinusubukan ko naman gumawa ng paraan. Yun nga lang, laging maraming hadlang.

Eto na. Update # 44.

Salamat sa suporta.

Enjoy reading :">

Godspeed!

☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺

Third Person's POV

Dumating ang Lady Eagles sa BEG at nadatnan nilang nandun na sina Coach Cha at Kara na naghihintay sa kanila. Napansin ni Cha na matamlay at mukhang mga zombie ang ALE kaya napakunot ang noo nito. Nang makalapit ang ALE dito ay agad nya itong tinanong kung anong nangyari sa mga ito.

CC: Anong nangyari sa inyo at ganyan kayo?

Nagkatinginan ang ALE. Alam nila na napansin ni Cha ang pagiging matamlay nila. 

Gustuhin man nilang magsabi ng totoo, pinili nilang gumawa ng palusot at pagtakpan nang nangyaring pagpupuyat nila kagabi. Ayaw kasi nilang mapagalitan pa ulit sina A, Gretch at Aly at isa pa, alam din nila na kasalanan din nila ang nangyari.

Marge: Wala naman po, Coach. Dala lang po siguro ng init ng panahon at saka pagod din po sa school works.

Dzi: Oo nga po, Coach. Masyado lang na-exhaust. Pasensya na po, Coach.

Napatingin naman sina A, Gretch at Aly sa mga teammates nila pero nginitian lang sila nito ng makahulugan. Tila sinasabi ng mga ito na hayaan nalang silang magpaliwanag at gumawa ng paraan para makalusot. Kinukonsensya naman silang tatlo pero wala na rin sila magawa dahil pinigilan na sila ng ibang ALE na magsalita.

CC: Sigurado kayo na yun lang talaga ang dahilan?

Jem: Opo, Coach. Sorry po kung ganito kami.

CC: Sige. Pero siguraduhin nyo na hindi yan makakaapekto sa inyo ngayon. Kailangan nyo ng puspusang pageensayo para sa tune-up game nyo bukas at sa maga laro nyo. May laban kayo sa Sabado at ang Lady Falcons ang makakatapat nyo.

ALE: YES, COACH.

CC: Sige na. Magwarm-up na kayo nang makapagsimula na tayo.

Sinimulan na ng ALE ang pagwa-warm-up at nagsimula na rin sa pagpapractice. Kahit na puyat na puyat talaga sila, pinilit nila ang mga sarili nila na pagandahin ang performance nila. Ayaw nilang mapagalitan sila ni Coach Cha, lalong lalo na sina A, Gretch at Aly na todo kung todo sa mga solid na galaw nila. Sa lahat ng ALE, sila lang ang parang si puyat. Nakasanayan na rin kasi talaga ng katawan nila ang mga ganitong pagkakataon.

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon