Chapter 34-Jelly Stick

5.2K 71 16
                                    

Aly’s POV

Nasa SB kami ngayon ni Bang. Nakakatapos ko lang makipag-usap kay Gretch sa phone. Papunta sila dito. Ganun din sila A at Kai.

Bakit? Wala lang. Chill lang muna kami.

Di naman nagtagal, dumating si Gretch at kasama nya si Mitch.

Sa totoo lang, bagay sila ni Mitch. Cute nilang tingnan.

PERO—

FILLECHEN SHIPPER AKO.

Kahit na nasaktan ng masyado si Gretch sa nangyari nang gabing yun, alam ko na si Fille pa rin at si Fille lang ang sinisigaw ng puso nya.

Halata naman eh. Lalo na kanina.

Lumapit na sa amin sila ni Michelle at bumeso si Michelle sa akin at kay Bang habang si Gretch naman ay bumeso kay Bang lang.

Di kasi kami sanay nila A sa beso.

Na-adopt lang naming nung tumira kami sa tatlong magkakaibang kontinente sa mundo.

Umalis lang si Gretch saglit para umorder.

Pagbalik nya, may dala na syang dalawang venti na Frappe para sa kanila ni Mitch. Naka-order na kasi kami ni Bang kanina.

Gretch: Here, Mitch. *binigay kay Mitch yung Frappe tapos nagpasalamat ito*. Kanina pa kayo? *baling sa amin*

Ako: Hindi naman. Nag-dinner kasi kami nitong si Bang. Ang kulit, kakatapos lang naming kumain, nagyaya na dito sa SB. Takaw talaga. Psh

Shiela: Di ah? Tsaka kahit sabihin mong matakaw ako, sexy pa rin ako, di ba, Mitch, pareho tayo?

Mitch: Oo naman. Tama ka dyan, Bang.

Aly: Sus. Nakakuha ka pa ng kakampi dyan. *pinisil ko ilong ni Bang*

Shiela: Aray ko naman. Trip mo talaga ilong ko, noh? O baka ako trip mo? *nakangiti ng nakakaloko sa akin.*

Balw talaga ‘tong isang ‘to kahit kalian. Masakyan nga. ^____________^

Ako: Pwede both? Pero mas gusto ko ikaw. *seductive voice activated*

Tapos inilapit ko mukha ko sa kanya habang nakangiti at nakatitig sa mga mata nya.

Di sya nakapagsalita. Nakita ko na namumula sya kaya pinisil ko ulit ang ilong nya.

Ako: ANg kyut kyut kyut mo talaga ^____________^

Shiela: Aray ko naman. Nakakarami ka na. *pouts*

Ako: Gusto mo lang i-kiss kita eh :P

Tawa lang ng tawa si Gretchen at Michelle.

Mitch: Tama na nga yang PDA nyo. Kelan ka pala mag-eenroll, Bang?

Shiela: Bukas na. Sasamahan ako ni Aly. Buti nalang pinayagan pa ako ng School Admin na makapag-enroll eh. Ikaw?

Mitch: Bukas din. Papasama naman ako dito kay Gretch. Swerte nga tayo at pinayagan pa tayo. Di ba sa AdU ka papasok? Papasok ka sa volleyball team nila? Di ba magaling ka daw maglaro sabi ni Aly?

Shiela: Oo. AdU ako. La Salle ka, di ba? Sali nga ako. Ikaw rin di ba? Ba’t di ka nag-ADMU?

Si Gretch ang sumagot para kay Michelle.

Gretch: Same as your reason, Bang. Ayaw daw nya ako kasama sa school kasi baka daw araw-araw ko din guluhin ang buhay nya. *naiiling na sabi nito habang nakatawa*

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Where stories live. Discover now