Chapter 44-Tune-up, Turned up Part 1

4.5K 96 24
                                    

Third Person's POV

Pauwi na ngayon ng dorm sina Aly at Den galing sa kanilang DATE. Di pa rin maialis sa kanilang mga labi ang ngiting sumasalamin sa saya na nararamdaman nila ngayon lalo na sa parte ni Aly na kanina lamang ay sobrang kaba ang nararamdaman sa dibdib nya sa pagaakalang muli, sa pangalawang pagkakataon ay tatanggihan ni Denden ang pagmamahal nya para dito kaya naman walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman nya ngayon dahil sa wakas, di lang progress ang nangyari sa kanila kundi isang magandang simula. Ipinangako nya sa kanyang sarili na gagawin nya ang lahat ng kanyang makakaya mapasaya lang nya si Denden at baka sakaling matutunan din sya nitong mahalin. Ang hindi nya alam, mahal naman talaga ssya ni Denden matagal na at kung di lang dahil sa takot ni Den na nararamdaman dahil sa kasunduan nila nina Fille at Dzi, matagal na sanang nakapanligaw si Aly sa kanya at malamang sa malamang ay sila na ngayon.

Dumaan muna sila saglit sa Shakey's para mag-take-out ng pagkain para sa teammates nila at nang matapos ay umuwi na rin.

Nang makarating sina Aly at Den sa dorm, agad na bumaba si Aly nng sasakyan para pagbuksan si Den ng pinto at alalayan ito pababa. Hawak ni Den ang bulaklak na ibinigay sa kanya ni Aly sa kaliwang kamay habang ang kanan naman ay hawak ni Aly na hawak naman ang picnic basket at apat na boxes ng family sized pizza sa isa nitong kamay. Magka-hawak kamay silang naglakad papasok ng dorm.

Den: Ly, di ka ba nahihirapan dyan? ang dami mong dala oh. Tulungan na kita.

Napangiti naman si Aly sa inurang iyon ni Den. ang totoo ay nangangalay na siya sa mga dala nya pero ayaw nyang bitiwan ang kamay ni Den.

Aly: Okay lang naman ako, Den. Yakang-yaka ko itey. Haha :))

Den: Baliw! Hahaha :">

Natawa naman si Den sa sinabi ni Aly dahil feel na feel nito ang word na 'itey'. Namangha naman si Den dahil ngayon nya lang nalaman na marunong at gumagamit din si Aly ng ganung mga salita. Wala kasi sa personality nito ang magsalita ng ganun. Kilala nila si Aly na seryoso at mapili sa mga salitang binibitiwan nito kaya madalas tahimik ito katulad nina Gretch at A. Si Aly na ang kumatok para sa kanila habang hawak pa rin ang kamay ni Den at tila ayaw na talaga itong bitawan.

Bumukas ang pinto ng dorm at tumambad sa kanila ang mukha ni Gretch na napatingin sa magkahawak nilang mga kamay at ngumiti ng nakakaloko sabay baling ng tingin kay Aly na tila may itinatanong, tumango naman si Aly na lalong nagpalapad ng ngiti ni Gretch at niyakap si Aly. Sumingit naman bigla si A na noon ay kakarating din lang ng dorm galing sa shooting.

A: Hoy, ano yan? Kayo lang? Ako din pasali!

Tumakbo si A sa direksyon nina Aly at Gretch at agad-agad ang ginawang pagyakap sa dalawa na halos matumba habang si Den naman ay natatawa lamang na pinagmamasdan ang tatlo. Ganun na rin sina Fille at Dzi na noon ay nakatunghay din at nakaupo sa sala. Bibihirang pagkakataon lamang para sa kanila na masaksihan ang tatlong pasaway na umastang ganito.. yung makulit, isip-bata at.. carefree.. Kaya naman sa tuwing masasaksihan ng mga kasama nila sa dorm o ng ibang tao, lalong lalo na sina Fille, Dzi at Den, di nila maiwasang ma-amaze. Ang cute at ang sarap kasi nilang panoorin.

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Where stories live. Discover now