Chapter 34-Jelly Beans

5.4K 78 9
                                    

Labyu, Readers.

Maraming salamat sa suporta :))))

============

Aly's POV

Natapos na din yung snack date/reunion namin nung ALE.

Nakauwi na ako ngayon sa condo ko at nakabulagta dito sa kama ko.

Pagulong-gulong, matutulala, gugulong ulit, matutulala tapos gugulong ulit.

Yung totoo?

Baliw na ako.

Samahan nyo nga ako, punta tayo mental hospital.

Hahahaha Joke lang :))))

Matino pa naman ang pag-iisip ko..

Ata?

Di. Joke lang talaga.

Di naman ako baliw talaga..

Pwera nga lang sa isang bagay.. Ay! Tao pala..

Pwera sa isang tao at alam kong alam nyo na alam ko na alam nyo kung sino sya, di ba?

Nung nakita ko sya kanina, mas nangibabaw yung pagmamahal ko sa kanya kaysa sa sakit na nararamdaman ko.. Kaysa sa sakit na dapat nararamdaman ko..

Dapat nga di ko sya pinansin kanina. Dapat hinayaan ko lang sya at di kinausap nung napansin ko na di sya kumakain.

Di ko lang talaga kayang tikisin yung isinisigaw ng puso ko. Masyado ko na syang mahal para isipin ko pa ang nararamdaman kong sakit na idinulot nya.

Kaya kanina, kahit talagang nahihiya din akong kausapin sya at kinakabahan talaga ako ako dahil kaharap ko pa talaga sya, napanatili ko ang sarili kong kalmado kasi ayaw kong makita nya at ng Team na apektado pa ako sa nangyari. 'Though oo talaga.

Nung niyakap kami ng ALE kanina, napansin ko na di sya nakiyakap. Ganun din sina Fille at Dzi. Na lubos kong ikinalungkot.

Hanggang ngayon ata, wala pa rin akong halaga sa kanya. </3

Nung nakita ko pa naman sya kanina, gustong gusto kong takbuhin yung kakaunting distansya na meron kami para yakapin sya ng mahigpit..

Pero di ko nagawa.. Nag-alangan ako ng sobra.. Kasi baka masaktan lang ako ulit kapag di sya yumakap pabalik..

Buti pa nga si Gretch, niyakap ni Fille kanina :(((

*bzzzzt bzzzzt*

Ito naman phone ko, nagse-senti yung tao eh. Hai -_____-

Tiningnan ko at binasa yung text.

From: Bang Ganda :">

Nasan na kaya yung nagyaya ng dinner saken? Gutom na ako, oh. Sisipot pa kaya yun? Tingin mo, Valdez?

----

Wag kayo, sya nagpangalan nyan sa phone ko.

Baliw talaga sya. Hahaha :))

Nireplyan ko na tapos naghanda na rin ako para sunduin sya.

Nang makarating ako kina, Bang. Nakita ko sya na nag-aabang sa labas ng bahay nila.

Agad akong bumaba sa kotse para lapitan sya.

Bang: Akala ko, di ka na dadating eh. Antagal mo. -_-

Ako: Sorry naman po. Medyo nalunod sa kakasenti. Hehehe ^_^v

Love is Love. Regardless. (An AWVT Fan Fiction) *Under Construction*Where stories live. Discover now