Prologue

4.6K 94 0
                                    



Venus's POV

"Nay.. Gumising ka, hindi ko kayang mawala ka.."

Luhaan kong niyayakap ang nanay kong ngayon ay nakahilata sa sahig ng kwarto niya.

Pilit ko siyang ginigising pero mukhang di na siya magigising.

Bakit siya pa?

Siya ang sinasandalan ko tuwing may problema ako.
Tinanggap niya ako kahit na kakaiba akong Huntress. At higit sa lahat, tinuring niya akong parang matalik na kaibigan at bilang kanyang anak na minamahal.

Hindi ko lubos maisip na pagkatapos ng 19 na taon ko rito sa Wysteria , ay mawawala sakin ang nanay ko sa mismong kaarawan ko.

Mahal na mahal ko ang nanay ko. At kilalang kilala ko siya. Hindi siya nagpapatalo. Pero bakit? atsaka paano?

"Hindi ito totoo." Yan ang mga salitang pilit kong sinasabi sa sarili ko.

Impossible.
Ang nanay ko, ang pinakamahusay na Huntress sa Wysteria. Paano siya nakagat nang ganoon kadali?

"Nay... hindi ko alam kung paano ka kinagat ng sinumang Bampira sa leeg. Pero kung hindi mo nalabanan, ibig sabihin nito ay malakas ang nakaharap mong bampira." Sabi ko.

Aayusin ko ang lahat. Ang nanay ko nalang  ang natitirang pamilya ko.
Pero iniwan niya na din ako.

Hinding hindi ko palalampasin 'to.
Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na panaginip lang ito, na di 'to totoo, Kalaunan ay kailangan kong harapin ang katotohanan.

Isa lang ang ibigsabihin nito.

Nalalapit na ang Sevnae.
Ang pagsanib ng mga alpha sa bawat kampo.
Ang pagsakop nila sa Wysteria.

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now