Una: Plano

3.5K 79 1
                                    

Trevor's POV
•••===•••===•••

'Mga walang utak. Hindi marunong magisip.'

Bulong saakin ng katabi kong Bampira. Siya ay si Klent Veill.
Ang alpha ng pangalawang pinakamalakas na grupo ng mga Bampira sa Wysteria.

At syempre, kaming mga Syne ang pinakamalakas. Pinakahabulin din ng mga babae.

Tumingin ako muli sa mapa na iniukit ng isa sa mga lider ng grupong Leviosa.
'Oo nga, mga tanga ba sila?' Sabi ko kay Klent.

Paano nga naman nila planong sakupin ang Wysteria? Patayin ang lahi ng mga Tao, at gawing mga alagad ang mga Hunter at Huntress? Malabong mangyari 'yan. Malakas man ang mga Bampira, mautak naman ang mga Hunter.

"Sigurado ba kayo 'jan? Paano natin maiisahan ang mga Hunter?" Tanong ko sa Bampirang nagpaplano ng pananakop namin.

"Oo. Mas madali ito kaysa makipaglaban sakanila." Sagot niya.

Siraulo.

"Anong akala mo?! Hindi sila lalaban kapag sinubukan mo silang patayin?! Alam niyo ba ang pinagsasasabi niyo?!"
Sigaw ko at napatayo dahil sa sobrang inis. Kailangan nilang mag-aral. Mga walang utak.

"Pero Mr.Syne, kung magkukunwari ka na mabuti ang intensyon mo, siguradong hindi sila lalaban. Sa katunayan nga, may napatay na kaming Huntress."
Sagot naman nung nagma-magaling na galing sa Leviosa clan.

"At sino naman iyon?" Tanong ko. Bakit sila pumatay ng Huntress nang hindi ko ipinapaalam? Ako ang batas rito. 'Di nila pwedeng gawin yun nang basta basta.

"Si Mautia Cassiopeia. Ang pinakamahusay at pinakamagaling na Huntress."

Umupo ako at inayos ang mesa. Mukhang maganda pala. May naumpisahan na sila.
"Good. So anong plano?"

"Kailangan nating manghuli ng 200 higit na Tao at gawing alagad para sa mga matataas ang uri." Sabi niya na para bang iba ang ibigsabihin.

"At mayroon din akong sariling alagad? Ano? Hindi ba't sinabi kong ayaw ko sa mga bagay na ganyan? Napakalaswa niyo." Hindi ko kailangan ng lalandi saakin. Kung kailangan ko man, maraming babae ang nagkakandarapa sakin. Ngunit wala akong interes sa mga Tao. Mababa sila at parang aso ang turing ko sakanila.

"Hindi, Trevor. Hindi Tao ang para sayo. Isa siyang Huntress. Hindi pa namin siya nahuhuli, dahil siya ang pinakamahusay na Huntress ngayong wala na ang kanyang ina. Siya si Venus Cassiopeia."
-•-•--------------------------------------•-•-

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now