Ika labindalawa: Panganib

1.4K 37 2
                                    

Trevor's POV
----------------||||||||||---------------

"Naayos na namin ang plano. Pupunta tayo sa Pravia, nandun ang lider nilang Hunter. Makikipagkasundo kami nang maayos, dahil baka hindi sila sumangayon kapag umatake tayo. May isa nalang na kulang."
Nilalahad sakin ni Klent ang bagong napagdesisyunan na plano.

"Ano yun?"

"Yung alagad mong Huntress. Kailangan niya tayong tulungan na kumbinsihin ang mga kalahi niya. Siguradong pakikinggan nila siya. Ayos lang ba sakanya yun?"

Siguro okay lang naman kay Venus yun. Siya naman ang nagsabing i-suggest ko ang planong to, saka tutulong lang naman siya.

"Ayos lang. Papayag yun. So, okay na ba? Ayun nalang? Kailan tayo pupunta?"

"Pagkatapos ng 2 araw, magpapadala kami ng mga Bampira para ipaalam ang pag take over namin sa Wysteria, tapos pagkatapos uli ng 2 araw, pupunta na tayo. You dont need to pack all your stuff. Yung pinaka kailangan mo lang, kasi i expect them na ihanda na ang bagong magiging tirahan natin."

"Alright. Maayos na. Sige, aalis na ako. May nagaantay saakin."
Sabi ko kay Klent habang papaalis sa
opisina niya.

"By the way, kalat na ang tungkol sainyong dalawa ng alagad mo. Be careful. Galit na galit ang kapatid ko sa nalaman niya. Bantayan mo si Venus, mukhang may binabalak ang dalawa kong kapatid."

Napatigil ako sa paglalakad. Imposible, may binabalak si Athena at Zeus? Ayaw na ayaw ni Athena kay Zeus. Paano sila nagkamabutihan?

"Klent, naguusap si Athena at Zeus? Hindi ba't umalis na si Zeus? Nandito nanaman siya?"
Medyo kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"Oo. Nandito siya. Ayaw ko din na nandito si Zeus, pero wala akong choice. Maski ako natatakot sakanya. Wala siyang awa."

Kung nandito si Zeus ngayon, at sinabj ni Klent na may binabalak sila ni Athena, siguradong nasa panganib si Venus ngayon. May nangyari noon sa tatay ni Zeus na may kinalaman sa pamilya ko kaya naghihiganti siya.

Pinatay niya ang kapatid ko, si Kylie. At siguradong si Venus naman ang target niya ngayon.

"Aalis na ako."
Nagpaalam ako nang saglit at nagmadaling pumunta sa kwarto ko. Bawat hakbang ko ay mas kinakabahan ako. Dapat hindi ko iniwan si Venus na magisa.

Pagkarating ko sa kwarto, hindi na ako kumatok. Binuksan ko agad ang pintuan.

Nilabas ko ang pigil na hininga ko nang makitang nakahiga siya sa kama habang yakap ang unan.
Napalingon siya sa diteksyon ko at napansin ko yung mga mata niya na mamula mula.

"Bat ka nandito?"
Tanong niya sakin.

"Uh, wala. Sorry. Akala ko kasi..."
Hindi ko na tinuloy. Ayokong kabahan ulit siya. Ngayon nalang siya magiging masaya, sisirain ko paba?

"Akala mo..?"

Pumunta ako sa tabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"What happened to your eyes?"

"I-its nothing. I just watched a sad movie."
Tugon niya. Pero hindi naman nakasindi ang TV?
Medyo nagtaka ako sa sinabi niya, pero I let it slide. She wouldnt lie to me, right?

-------------|||||||||||--------------

Venus' POV

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now