Ikalawa: Alpha.

2.7K 62 0
                                    

Trevor's POV
•••===•••===•••

"Hindi, Trevor. Hindi Tao ang para sayo. Isa siyang Huntress. Hindi pa namin siya nahuhuli, dahil siya ang pinakamahusay na Huntress ngayong
wala na ang kanyang ina. Siya si Venus Cassiopeia."

Isang mahusay na Huntress? Aanhin ko naman ang babaeng iyon? Kinamumuhian ko ang lahi nila.

Wala nang mas sasahol pa sa mga Hunter.
"Ayoko. Di ako papayag sa sinasabi niyo. Kung gusto niyo, ibigay niyo siya kay Persie." Siya lang naman ang Bampirang may kagustuhan sa mga mababa ang uri at mga Hunter.

"Hindi pwede. Sabi ni Persie ay siya na mismo ang huhuli sa kanyang alagad. Kailangan mo itong gawin. Bilang alpha ng Syne clan. Kapag nalaman ng mga Hunter na nahuli ng isang alpha ang Huntress nila, siguradong gagawa sila ng paraan upang mabawi siya."

Kahit ayaw kong aminin,may punto siya. Ito ang pinakamadaling paraan para lumapit nang kusa saamin ang mga Hunter.

"Sige. Papayag na ako. Ngunit hiling ko rin na ako mismo ang huhuli sakanya."
Siguradong masarap ang dugo 'nun.

"Ayos. Pero kakaiba ang Huntress na iyon. Napakabilis gumalaw at nagiiba ang kulay ng mata ayon sa nararamdaman."
Psh. Madali lang yan. Naging alpha ba ako kung hindi ako ang pinakamalakas dito sa Wysteria?

"Ako ang bahala. Wala ba kayong tiwala sakin?" Sagot ko

"Hindi. Mayroon naman syempre. Ikaw ang alpha ng mga Syne. Nasayo ang aming respeto."
-----
============><=============

Venus's POV

Mierda. Napalibutan ako ng mga Bampira.
Pero wala akong pakialam. Papatayin ko sila. Gaya ng ginawa nila sa nanay ko.
"Anong kailangan niyo sakin?" Tanong ko sa mga gutom na gutom na Bampira.

"Mukhang masarap ka, ah. Patikim nga jan!" Sigaw nung isang mukhang matanda na at nagtawanan naman ang mga kasama niya.
Anong nakakatawa? Masarap naman talaga ako.

Naramdaman ko nalang na hinila ako sa leeg gamit ang braso. Agad ko namang nilabas ang kutsilyo ko at pinutol ang apat niyang daliri.

Buti nga sayo.

"Oooh, palaban ang isang to." Nakuha pang magsalita ha?

"Umalis na kayo kung ayaw niyong mamatay." Sinubukan ko silang balaan

"Tanga kaba? Yang kutsilyong yan? Di yan lulubog ng malalim sa puso namin. Hindi mo kami mapapatay." Sabi nung katabi nung matandang kadiri.

"Tanga pala ha."
Sumugod ako sakanya. Sinubukan niyang kunin ang kamay ko pero umiwas ako. Pumunta ako sa likod niya, at sinaksak siya sa may gilid.

Napasigaw siya. Kala ko ba tanga ako?
Sinugod ako ng katabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinutol gamit ang kutsilyo. Hinarap ko naman ulit ang isa at sinaksak na sa may puso.

Inapakan ko  ang nakahilatang matanda na namimilipit sa sakit at ginamit ang blade na nasa may takong ng sapatos ko para saksakin siya sa puso.

"Ano lalaban kapa?" Sabi ko sa natitirang bampirang naputulan ko ng apat na daliri kanina, pero mukhang tumubo na ulit.

"H-hindi na.. wag mo akong papatayin!"
Ayun. Tumakbo na paalis.
Hinayaan ko na. Kawawa naman. Takot na takot.

*clap clap clap

May narinig akong pumapalakpak. Tumalikod ako at hinanap ang Taong iyon.

Naramdaman kong naging pula ang aking mga mata nang makita ko ang taong iyon. Mali-- isa siyang Bampira.

"Magaling ka pala, Venus Cassiopeia."
Sabi niya. Napakahusky ng boses. Parang kakagising lang.

"Sino ka? Kasama mo ba ang mga iyon?" Tanong ko.

"Ang mga yun? Kinukumpara mo ba ako sa mga mahihinang iyon?" Sagot niya. Palapit siya ng palapit saakin.

Hindi ko namalayan, pader na pala ang sinasandalan ko.

"Anong ginagawa mo? Bat ka naparito?" Tanong ko. Habang inihahanda ang kamay ko sa pagsaksak ko sa dibdib niya.

"Wala. Gusto ko lang makita ang sinasabi nilang magaling na Huntress."

Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at bumulong.
"Sumama ka sakin. Papaligayahin kita."

Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Nilabas ko ang kutsilyo ko at sinaksak siya sa dibdib.

"Hindi mo ako makukuha. Hindi ko kayo papatawarin sa ginawa niyo sa nanay ko."

Madali niyang inalis ang kutsilyo sa dibdib niya, at itinuon ang mga mata saakin.
Nakakatakot ang titig niya. Nakakapanlambot.

"Vesqueza fic szilia." Sabi niya.
Naaalala ko ang chant na yan. Yan ang ginamit ng mga sinaunang malulupit na Hunter.

Bigla niya akong binuhat. Sobrang bilis niya.

"Bitiwan mo ako! Wala kang karapatang hawakan ako! Rape! Ahh!"

Ibinaba niya ako kaagad. Bakit?

"Rape? Seriously? Wala akong balak gawin yun sayo. Sa itsura mong yan? Akala ko pa naman mautak ang mga Hunter. Nagkamali ako."
Sabi niya.

"Hindi ko nam---"
Sinubukan kong magsalita ngunit bigla nalang siyang nawala.

May kamay na humawak sa bewang ko mula sa likod at naramdaman ko ang mga pangil na lumubog sa balat ng kamay ko.

Hindi ako makapag isip. Pinikit ko ang mata ko sa sakit at unti-unti akong nawalan ng malay.

May mga sinabi siya ngunit di ko marinig.
Sumuko na ako at linamon ng kadiliman.
------------------------

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now