Ika-labing apat: Laro ng kamatayan

1.3K 31 0
                                    

Venus' POV
----------------|||||||||||||||--------------

Simula kahapon, lumipat kami ni Trevor ng kwarto. Doon na kami sa kwartong malapit sa library sa 3rd floor.

Nakatatak padin sa isip ko ang nakita ko sa cr. Dugo yun. Pero kaninong dugo? At si Zeus ba talaga may gawa nun?

Natigil ako sa pagiisip nang kalabitin ako ni Trevor.
"Vee, pupunta muna ako sa opisina ni Klent. Bukas na kasi yung agreement sa Pravia. May kailangan akong gawin. Stay here. Wag kang pupunta kahit saan. Also, may kutsilyo at baril sa 2nd drawer nung cabinet.

If ever na may mangyari, kunin mo. Pero babalik naman ako agad. Dont worry."

Tumango nalang ako at ngumiti kahit na natatakot ako. Kahit anong oras pwede akong mamatay.

"Aalis na ako." Sabi niya sabay kiss sa cheeks ko. Tinignan niya muna ako nang mabuti bago umalis.

Pagkalabas ni Trevor pumunta agad ako sa kama. Binalot ko ng kumot ang sarili ko. Ewan ko ba, parang feeling ko mas safe ako pag may kumot.

Ganun ang naging pwesto ko sa mga sumunod na minuto, hanggang sa nagrelax nalang ako kasi mukhang wala namang darating.

As usual, pumunta ako sa kusina at naglabas ng kung ano anong pagkain. Chips,cookies,cake,etc.

Ikinain ko muna yung kaba ko habang nanonood ng favorite cartoon ko.
Vampbob Squarefangs!

Hindi na ako sing kabado kaysa nung kakaalis ni Trevor, humiga na ako nang malaya at in-enjoy ang panood.

Pero di nagtagal yun.
Matapos ng mahigit isang oras palang ng panonood,
Nakarinig ako ng katok sa pintuan.
Bigla ulit akong kinabahan. Siya ba yan? Mamamatay naba ako?

Gumulo ang isip ko at bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sa pintuan. Syempre kumuha ako ng kutsilyo just in case na si Zeus ang nasa pintuan.

Kumatok nanaman. Di ba marunong mag antay?! Papunta na nga ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.
"Hello. May nagpapadeliver po dito. Para kay Mr. Syne?"

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong delivery lang pala yun.
Babaeng nakauniform ng red at black ang nasa pintuan.
Inayos ko ang tayo ko.
"Kanino po galing?"

"Uh.. walang nabanggit. Basta ang bilin, si Mr. Syne lang daw po ang bubukas. Nasaan po siya?"

"Wala siya. May pinuntahan, pero babalik din agad. Nabayaran naba?"

"Ah, wala pong bayad. Hindi po ito order. Its a package from someone. Pwede pong pa sign nalang dito?"

Package? Wala namang nabanggit si Trevor saakin na darating. And wala na siyang pamilya dito. Nagiisa nalang siyang Syne. Sino naman ang magpapadala niyan?

"Okay. Saan?"
Tanong ko. Tinuro niya kung saan ako pipirma at pagkatapos binigay niya ang maliit na box na nakabalot ng red wrapper na may design na hearts and stripes.

May tag na nakasabit mula sa ribbon. It reads: To: Trevor Syne
             Fr: Devler. ;) ❤️

May kindat.

MAY KINDAT.

Babae ba nagbigay? Ano to? May heart pa! Babae siguro! Pero bat Devler? Parang panlalake naman.

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now