Ikapito: Pagkukunwari

1.8K 54 0
                                    

Nakaramdam ako ng deja'vu nang magising ulit ako sa kama ni Trevor.
Parang walang nangyari kanina. Nawala lahat ng sakit na naramdaman ko.

Pinaupo ko ang sarili ko at sumandal sa
headboard ng kama. Napalingon ako nang may marinig akong humihilik.

Nakasandal si Trevor sa drawer sa tabi ng kama. Napatitig ako sa tulog na mukha niya. Parang ang bait niya tuwing natutulog. Napansin ko na ang haba pala ng mga pilikmata niya.
Pinigilan ko ang sarili kong hawakan ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang nakatulog.

Sumandal ako sa drawer na sinasandalan niya at tinitigan siya. Napangiti ako sa itsura niya. Parang batang inosente.

Biglang bumukas ang mga mata niya. Nagulat siya nang makitang tinitignan ko siya.

"Ang cute mo pag natutulog." Sabi ko nang nakangiti.

Tumayo siya at kunwaring umubo.
"Hindi ako natutulog. I just closed my eyes. Di nakakatulog ang mga Bampira, remember?"

Ah. Oo nga pala.

"So uh.. okay kana ba?" Tanong niya.

Inayos ko ang upo ko at tumango.
"Oo. Parang walang nangyari. Ganito ba talaga?"

"Depende. Pero kung ayos ka na, edi maganda. Aalis na ako."
Sabi niya at nagmadaling umalis.

Anong problema 'nun?
------••••-----•••••------•••••------•••••

Trevor's POV

Umalis ako kaagad sa kwarto.
May kailangan pa akong tapusin. Hindi pwedeng kasama ko nalang lagi si Venus.

Hindi ko nga alam kung bakit parang napapalapit na ako sakanya. Hindi na katulad ng dati na mas masungit ako sakanya.

Binalewala ko nalang ang mga iniisip ko at nag-focus sa trabahong kailangan kong tapusin.

Pumunta ako sa pangalawang floor ng Castle at binuksan ang pintuan ng opisina.

"Klent, may sasabihin ako."
Sabi ko kay Klent. Siya ang laging nandito sa opisina. Nagbabasa siya ng mga sinaunang mga dokumento at libro.

"Ano? May nahuli kayong Hunter?"
Sagot niya. Nagexpect ba siyang agad agad naming mahuhuli ang mga Hunter?

"Hindi. Tungkol sa alagad ko."
Inayos niya ang upo niya at humarap saakin.

"Bakit? Anong nangyari?"
Tanong niya sa seryosong tono.

Dapat hindi ko itinuloy ang pagconvert kay Venus. Nagsisisi ako. Ngayong Bampira na siya, siguradong mas malakas na siya kumpara noong Hunter lang siya.

"Ginawa ko siyang Bampira, Klent."

Lumaki ang mga mata niya.
"Bakit mo ginawa 'yun?! Hindi ba't may plano siyang patayin ka? Siguradong malakas na siya ngayon!"

Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit ko itinuloy. Parang may nagtulak saakin na gawin ang hinihiling niya.

"Hindi ako nagaalala sa kamatayan ko, Klent. Nagaalala ako para sa plano natin. Ngayong Bampira na siya, may lakas na siyang lumaban. Baka maisipan niyang tumakas. Kung mangyari man yun, hindi ko na siya mapipigilan. Dugo ko ang naka-bind sakanya."

Napabuntong-hininga si Klent.
"Trevor.. Bakit mo ba ginawa iyon?"

Napakunot ako ng noo at sinubukang isipin kung ano ba talaga ang dahilan.
Kung bakit ko siya pinagkatiwalaan. Kung bakit ko siya sinunod.

Alam ko na kinamumuhian ko ang mga Hunter, pero bakit wala akong nararamdamang galit sakanya?

Napatigil ako sa pagiisip nang magsalita si Klent.
"Nevermind. Basta maging handa ka lagi, Trevor. 'Di ba mas madali mo na siyang mahahanap ngayong naka-bind ang dugo niyo? Mas malakas na ang pangamoy niyo sa dugo ng isa't isa."

A Vampire's PossessionWhere stories live. Discover now