Ikalima: Ang Pagtakas

1.9K 59 0
                                    

Venus's POV
•••••••--------•••••••------->>

Hanggang sa natapos ang ball,
iniisip ko pa rin kung paano ako tatakas.
Nagsisilabasan na ang mga bisita. Pero wala padin si Trevor. Umalis siya sa kalagitnaan ng event at hanggang ngayon di pa siya bumabalik.

Asan na yung bampirang yun?

Hindi ko na siya inantay. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Nakita ko kung saan nilagay ni Nate kanina ang susi para sa kadena na binigay ni Trevor.

Don't underestimate me, Trevor.
Kinuha ko ang susi na tinago ni Nate sa ilalim ng table cloth.
Pa-simple akong tumayo sa upuan ko at pumunta sa ilalim ng mesa.
Baka makita nila ako.

Binuksan ko ang lock ng kadena at inalis ito.
Sa wakas. Makakaalis na ako rito.
Inalis ko na din ang choker na nilagay ni Trevor sa leeg ko.

Konti nalang ang natitirang Bampira sa loob. Kailangan ko nang lumabas.

Tumayo ako, inayos ko ang bistida ko at nagkunwaring hindi ako alagad.
Binilisan ko ang paglakad palabas.

Hindi ko pa masyadong kabisado ang lugar na to.
Kaya di ko alam kung saan ako pupunta pagkalabas ko.
Nilakad ko nalang ulit ang mahabang hallway.

Psst!

Napatigil ako sa paglalakad. Sino yun?
May Bampira ba sa paligid?

Whatever.

Binilisan ko na ulit maglakad at pumasok sa kwarto ni Trevor.
Kung saan ako nagising kanina.
Dumiretso ako sa malaking bintana. Binuksan ko yun at lumabas.

Ang dilim sa labas.
Wala ka manlang makikitang mga bahay sa paligid. Puro damo ang naaapakan at maraming puno di kalayuan sa tinatayuan ko.

Lumingon ako sa likod.
Shit. Mga pulang mata.
Nakatitig diretso saakin.

Tumakbo ako agad palayo. Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pumunta ako sa bandang maraming puno.

Bat dito pa ako dumaan?
Mas nakakatakot dito.
Sobrang tahimik. Wala ka manlang maririnig na kahit anong mga ibon o insekto.

Tumigil ako at sumandal sa puno. Nakakapagod tumakbo.
Nakakarelax naman tong puno.
Ang warm ha.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Sana lahat ng puno ganito. Parang nagvivibrate pa tong punong to ah. Hanep.

Wait.

Bat gumalaw?
Gumalaw yung puno.
Bigla akong kinabahan. Lumayo ako sa puno at tinignan ito.
Ang tanga mo, Venus!

"Oh, bat ka umalis? Akala ko ba, ang warm?"

Sinlaki siguro ng kaldero tong mga mata ko ngayon.
Pano nakarating tong Bampirang to dito?

Bwisit. Akala ko makakatakas ako.
"Bat ka andito? Sinundan mo ako? Akala ko ba umalis ka?"
Sunod-sunod kong tanong.

"Binalaan na kita kanina. Sabi ko wag na wag mong susubukang tumakas. Anong ginawa mo? May plano kapang sabihin sa mga kalahi mo ang gagawin namin."
Lumapit siya saakin.

"Venus, sinisigurado ko sayo, hinding hindi ka makakaalis dito. Kahit subukan mo. Dito kana hanggang sa mapatay namin ang lahi mo."
Sabi niya nang naka ngisi.

Punong-puno na ako sa Bampirang to.
Ginawa ko na ang bagay na gustong gusto kong gawin.

Sinaksak ko siya. Nang malalim.
Galit na galit na ako.
Ramdam na ramdam ko ang pagiibang kulay ng mga mata ko.

"Wag na wag niyong susubukang galawin ang mga Hunter, Trevor. Kundi ako ang makakalaban mo."

Mukhang nasaktan siya sa ginawa ko.
Napaupo siya at sinabing
"Hindi na namin itutuloy. Sorry na. Sasabihin ko sa oras na makarating ako sa Castle. Hindi na namin sasakupin ang Wysteria."

Ayan. Yan ang gusto ko.

Aalis na sana ako nang bigla siyang tumawa. Tumayo siya na para bang walang nangyari sakanya.
Walang epekto ang pagsaksak ko sakanya?
Inalis niya ang kutsilyo ko at tinapon.
Nagkunwari lang siya.

"Venus, Hanggang doon nalang ba ang kaya mong gawin sakin? Mukhang madali lang pala kayong talunin."

Mga walang awa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Di tumatalab sakanya ang mga tira ko. Gusto ko nang bumalik sa mga kaibigan ko. Ayoko na.

Susuko na ako. Wala akong magagawa. Masyadong malupit ang mga Bampira.

Naramdaman kong nagiba ang kulay ng mga mata ko. Hula ko grey to ngayon. Hudyat na nawalan na ako ng pagasa.

Lumapit ako sakanya at kinuha ang kamay niya. Nilagay ko ang kamay niya sa balikat ko at hinila siya palapit.

"Trevor, susuko na ako. Patayin mo nalang ako. Ayokong makita ang gagawin niyo sa mga kalahi ko."
Tawagin niyo na akong selfish. Wala akong pakialam. Ito nalang ang paraan para mailigtas ko ang sarili ko sa posibilidad na makita silang nahihirapan.

"Hindi kita papatayin."
Sabi niya na para bang hindi na magiiba ang desisiyon niya.

"Diba yun naman ang plano niyong gawin sakin? Mas maganda kung agahan natin."
Hinawakan ko ang pisngi niya at nilapit ang mukha niya sa leeg ko.

"Nagmamakaawa ako. Patayin mo na ako." Bulong ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. Ito na. Pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Inihanda ko na ang sarili ko sa sakit. Nagpasalamat na ako sa Diyos at lahat-lahat.

Nang naramdaman kong idinikit niya ang lips niya sa leeg ko.
Biglang uminit ang pisngi ko. What the heck?! Sabi ko kagatin niya ako sa leeg, hindi halikan! Ang lambot pala ng lips niya.

Naramdaman kong tumawa siya. Lumayo siya sakin.
"Kapag sinabi kong di kita papatayin, Hindi talaga kita papatayin."

Bakit?

Binuhat niya ako at tumakbo.
Ang bilis! Ganto pala kabilis ang mga bampira.
Mga ilang seconds ang natapos, nakabalik kami sa castle.

Ano na ngayon? Alam na niyang hindi ko siya kayang talunin kahit anong gawin ko. Paano na 'to?

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Binaba niya ako at sinabing "Don't worry. Di kita papahirapan. We're just using you as bait. Kapag pumunta na rito ang mga magliligtas sayo, pwede kanang mamatay. Ngayon, hindi pa pwede. Dito ka muna magstay."

May choice ba ako?
Wala. Except kung...

Napangisi ako. Alam ko na ang gagawin. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Trevor, gawin mo akong Bampira."
-------•••••••--------•••••••------•••••

A Vampire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon